Chapter 36

4.3K 193 25
                                    

*Lea's Pov* (Principal of MHSM)

Alam kong mapanganib ang council pero alang-alang sa kanya gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sya.

"Lea, talaga bang handa ka ng harapin sya" biglang sulpot na boses ni Mark sa likuran ko.

Si Mark ang kababata ko na syang tumulong sa akin para makaligtas kami sa trahedyang yon. Itinuturing ko syang kaibigan noon pa man. Kaya walang sikretong hindi nya alam sa pagkatao ko. Tulad ko isa rin syang hunter. Isa sa pinakamagaling na hunter.

Tama, isa kaming hunter na walang sinuman ang dapat na makaalam.

"Hindi nya dapat malaman, Mark. Hindi pa ako handa para harapin sya sa ngayon" kinakabahan ako sa ideyang yon.

Pero kung yon ang nararapat gawin wala akong magagawa kundi harapin sya. Noong mga oras na magkaharap kami muntikan ko ng di mapigilan ang sariling yakapin sya.  Inaamin kong maski ako nangungulila rin sa kanya pero dapat ko munang malaman kung sino ang may pakana ng lahat na muntikan na kaming bawian ng buhay ng....


Anak ko..


Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa pinto ng magsalita si Mark.

"Saan kayo papunta gayong gabi na?"

"Magpapahangin lang ako saglit, Mark" paalam ko sa kanya.

Wala ng students sa paligid dahil 10pm na rin ng gabi. Maski ang mga Dark Class ay ipinagbawalan kong gumala pag ganitong oras.

Kasalukuyan akong nagpapahangin ng bigla akong makaramdam ng presensya sa likuran ko. Pinipigilan ko ang sariling lumingon sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng magsalita sya.

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw yung namamahala sa paaralang ito, hindi ba?"

Hindi ko sya magawang sagutin dahil sa halong-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa oras. Kumbinsi ko sa sarili.

Mark, nasan ka na ba?

"Sumagot ka"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot na makilala nya ako.

Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Shew?

"Ms. Lea?" nanlaking matang tinignan ko ang taong nasa harapan ko ngayon.

Hindi pwede.

Hindi pa oras para malaman nila ang buong katotohanan.

"L-Lea?" narinig kong bulong ni Shew sa likuran ko.

"Ano pong ginagawa nyo rito, Ms. Le--" nakita ko kung paano sya magulat ng makilala kung sino ang nasa likuran ko.

"Bumalik ka na sa dorm mo, Yuri" pakiusap ko sa kanya.

Please, umalis ka na muna.

"P-pero--"

"Ms. Aka--ah, Yuri umalis na muna tayo" nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Mark. Nakita kong napilitan lang ang batang yong umalis pero nagpapasalamat na rin ako dahil hindi na sya nagmatigas pa. Tinanguhan naman ako ni Mark bago sila makaalis.

Ngayon, kailangan ko na talagang harapin sya.

"Humarap ka" huminga ako ng malalim bago ko sya hinarap pero laking gulat ko ng mabilis nyang nahawakan ang braso ko at naiharap sa kanya. Kita ko kung paano manlaki ang mata nya pero agad namang napalitan ng lungkot ang itsura nya.

"Kailan? Kailan mo balak ipaalam sa akin ha, Lea?!" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ko kayang harapin sya.

"Sumagot ka?!" binitiwan nya ako at inis na napasabunot sa buhok nya.

Napagakat labi ako para pigilang umiyak.

"Hindi mo alam kung gaano ako naghirap ng mawala kayo sa akin. Para akong baliw na umaasang babalik kayo. Bakit hindi mo pinaalam sa akin ha, Lea?" huminahon naman sya pero ramdam kong nakatitig sya at halatang naghihintay sa sagot ko.

Hindi ko na kaya. Oo, masakit mawalay sa kanya.

"Para ano, Shew? Para malaman ng kalaban at muling tangkain na naman ang buhay namin ng anak mo! Yun ba ang gusto mo ha, Shew?!" napatakip bibig ako ng marealize ang mga sinabi ko.

"B-Buhay si Yurika? Buhay ang anak natin?" di-makapaniwalang tanong ni Shew.

Nakita ko ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata nya kaya napatalikod ako sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagyakap nya mula sa likuran ko. Pinipigilan ko naman ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Hindi ko hahayaang muling mangyari yon sa mag-ina ko" hinalikan nya ako sa may ulo ko. Ramdam ko ang pagmamahal at pananabik nya sa amin at alam ko rin kung paano sya magbago ng mawala kami sa kanya.

"Ang batang yon. Sya ba?"

Napakalas ako sa yakap nya at humarap sa kanya.

"Pano mo nalaman?" nabigla ako ng tumawa sya.

"Hahaha! Mukhang nakalimutan mo na kung sino ang kaharap mo, Lea" nakangiti nyang sabi.

Ngayon ko lang muling nasilayan ang mga ngiting yon.

"Tss..anong connect?" sumeryoso ang mukha nya at muli akong niyakap.

"I miss you so much" mas lalo nyang hinigpitan ang yakap na para bang natatakot na mawalay uli sa amin kaya gumanti rin ako para iparamdam sa kanya na ganun rin ako.

"Hindi mo alam kung gaano ako nagtiis, Shew. Wala sa plano ko ang magkita tayo at malaman mo ang lahat pero anong ginawa mo, sinira mo"

"Dahil yon ang nararapat. Gusto mo talaga akong tuluyang mabaliw ano, Lea" natawa na lang ako sa kanya.

"Salamat..Salamat dahil buhay kayo" ilang minuto rin kaming ganito.

"I miss you too, Shew"

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

A/N:

Sana magustuhan nyo :) Salamat everyone!






Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon