Ngayon ang araw na bibisita ang mga taga-council sa Mendiola kaya hindi ko maiwasang kabahan. Ang kailangan lang naming gawain ay ang umakto ng normal at umiwas sa gulo kung kinakailangan.
"Wag mong pinaghihintay ang pagkain mo Yuri" napalingon ako kay Aika na parang wala sa sarili.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan at saka kung iniisip mo ang tungkol sa kanila ikaw lang rin naman ang mahihirapan"
Tama sya pero bakit kanina pa ako hindi mapakali?
Aminado akong kinakabahan at medyo takot rin pero bakit parang may something unfamiliar feelings dito sa loob ko.
Pinagmamasdan ko lang si Aika habang kumakain. Pansin ko rin na wala rito ang leader ng Dark Class pati na rin si Roy. Ano naman ang pinagkakaabalahan ng mga yon?
Oy, hindi ko hinahanap isa man sa kanila noh lalo na Sya!
Nagtataka lang ako kung bakit wala sila period.
"Ah Aika may alam ka ba tungkol sa mga taga-Council lalo na yung mga pinuno?"
Napahinto sya sa tanong ko at bahagyang kumunot yung noo.
"Bakit mo naman na tanong?"
"Para naman may alam ako tungkol sa kanila. Na-curious kasi ako eh, hehehe"
Alam ko naman ang tungkol sa kanila dahil sinabi na rin naman yun sa akin ni Roy no'ng bumalik kami sa gubat, yung mga araw na.........
Bakit ko na naman naiisip to?
Napahawak ako sa leeg ko ng biglang mag-pop up sa utak ko yung huling ginawa nya.
"Okey ka lang Yuri? Bakit namumula ka ata? May sakit ka ba?"
"H-huh?Wala naman...wag mo nalang akong pansinin"
Nabigla ako ng bigla nyang hawakan ang noo ko kaya medyo napaatras ako.
"Wala nga" wika nya
"Sabi ko naman sayo diba kaya alisin mo nga yang kamay mo" agad ko namang inalis ang kamay nya sa noo ko.
"So ano na? Wala ka bang maibabahagi sa akin tungkol sa mga pinuno ng Council?"
"Wala. Ni minsan di ko pa sila nakikita eh"
"Ganun ba"
"Wait pano mo pala nalaman na hindi lang isa ang pinuno ng Council, Yuri?"
Napasimangot ako sa sinabi nya.
Seriously di nya talaga alam?
"Seriously Aika Mown di mo alam? Council nga diba eh di malamang marami silang namumuno"
"Oo na. Ako na ang walang alam"
"Everybody get out!" napalingon kaming lahat rito sa loob ng cafeteria sa nagsalita. He's wearing a black tuxedo with a black necktie, black pants and a black shoes.
Edi sya na ang black.
Nagsitayuan naman yung iba maliban sa amin ni Aika pero agad naman kaming napatayo ng maglandas ang paningin nya sa direksyon namin.
"Weird" naibulong ko nalang
Nang tuluyan na kaming makalabas lahat sa cafeteria samot saring bulungan yung mga naririnig ko.
"Bakit kaya tayo pinalabas?"
"Hindi kaya nandito na sila"
"Siguro nga"
Tahimik lang kaming naglalakad ni Aika hanggang sa makarating kami sa field na kaharap ng main building ng school.
Tulad no'ng isang gabi nasa kanan yung mga taga-Dark Class samantalang nasa Kaliwa naman kami. Nasa unahan namin si Reka dahil sya ang tumatayong leader namin pero wala parin ang leader ng Dark Class. Pumwesto kami ni Aika sa gitna. Nakita ko si Mark na paparating rin dito pero hindi kasama si Miss Principal.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.