Chapter 45

3.8K 143 9
                                    



Yuri's Pov*


Bumalik na rin kami sa Mendiola High pagkatapos kong kausapin si mama. Nakakainis nga eh kasi puro hindi pa panahon para sabihin nya ang lahat. Marami akong tanong na alam kong alam nya ang sagot pero hindi nya sinasabi.


Argh!


Simula rin ng magising ako hindi na ako masyadong kinakausap ni Roy. Halatang iniiwasan nya ako.


May alam kaya sya?


Takte. Nakakainis rin tong kulay ng mga mata ko. Di pa rin kasi bumabalik sa dati nitong kulay.


"Hoy, para ka ng ewan dyan. Ilabas mo yan kung ayaw mong sumabog" saway sa akin ni Aika na nakapameywang na nakatayo sa dulo ng kama ko. Kanina pa kasi ako nagpapadyak sa kama ko habang nakahiga. Eh, sa naiinis ako eh.


"Di mo ko masisisi Aika. Halatang may tinatago sila pero hindi sinasabi sa akin. Anong gusto mong gawin ko? Matuwa?" inis kong sagot sa kanya.


"Hay...tumayo ka na dyan. Kailangan na nating pumasok" naglakad na sya papasok sa banyo. Narinig ko itong sumira kaya napaupo ako.


"Mahirap bang sabihin ang lahat? Hindi na ako bata kaya maiintindihan ko naman sila kung sasabihin nila sa akin eh" bulong ko sa sarili ko. Binagsak ko ang likuran ko sa malambot kong kama.


Napatingin ako sa alarm clock na nasa ibabaw ng mesa malapit sa kama ko. Tinititigan ko to ng mga ilang segundo. Bumalik na naman ang inis ko kaya wala sa sariling napakunot noo ako habang nakatitig pa rin rito. Nagulat ako ng bigla itong mawasak. Sakto naman ang paglabas ni Aika sa banyo.


"Winasak mo?" turo nya sa kawawang alarm clock na ngayo'y wasak na wasak.


"H-huh? M-malay ko. Hindi ko naman maabot yan"


Totoo naman ha. Wala naman talaga akong ginawa maliban nalang kung may powers ako. Hahaha! Per wala eh.


"Tara na nga. Maya mo na lang yan ayusin. Malelate na tayo eh tsaka kailangan pa nating kumain" tumango ako saka tumayo na rin.


Nauna kasi akong nagising sa kanya eh kaya nauna na rin akong nakapag-ayos. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi siguro dahil na rin sa kakaisip sa mga bagay-bagay. Lumabas na rin kami sa dorm at nagtungo sa cafeteria. Nakita ko si Roy na nag-iisang kumakain pero halata rin namang malalim ang iniisip kaya hindi nya kami napansin.


"Oy, Roy. Mag-isa ka ata" bungad ni Aika sa kanya ng makalapit na kami. Agad nyang tinaas ang ulo nya dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.


"Tss. Mukha ba akong may kasama?" sarkastikong sagot naman nya na hindi pa rin umiiwas ng tingin.


"Mukhang mainit ang ulo ni kuya ngayon ha" pabulong na sabi ni Aika.


Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon