Chapter 52

4K 144 42
                                    


Yuri’s Pov*

Naalimpungahan ako kaya gumagalaw- galaw ako pero agad namang napahinto ng makaramdam ng kakaiba.
Kinilabutan ako sa lamig at aura ng sinuman na may buhat sa akin ngayon. Hindi naman ako tanga para di malaman yon. Kaya dahil sa panic na baka kung sino na to ay agad akong napamulat at walang sabing sinuntok sya sa mukha.

“Argh! Magsabi ka naman kung manununtok ka!” inis nyang sabi at ganun nalang ang takot at kaba ko ng makilala sya. May narinig pa akong tumatawa pero hindi ko na yon pinansin.

“I-ikaw” nauutal kong sabi. Sinamaan nya lang ako ng tingin.

L-lagot nah..

“Yeah..ako nga Miss Akane” sabi nya na ngayo’y nakangisi. Napalunok ako at nagpupumiglas sa pagkakabuhat nya sa akin.

“Pwede ba wag kang malikot kung ayaw mong ihulog kita” banta nya pero hindi ko sya pinansin.

“Ibaba mo ko! Sabing ibaba mo ko eh!” inis kong bulyaw sa kanya. Lumakas yong tawa ng sinuman kaya napalingon ako sa kanya.

What the—

“Ibaba mo na sya Luke”

“Tss” agad nya namang sinunod si Shew.

Bakit nandito sila at panong buhat-buhat ako ng lalaking yon? Wala akong maalala sa nangyari at lalong wala akong natandaan na nawalan ako ng malay.

“Okey ka lang ba Yuri” bungad na tanong nya sa akin.

“Aika?” naguguluhan kong sambit sa pangalan nya.

“Saka ko na ipapaliwag ang nangyari pero kailangan nating makarating sa kinaroroonan ng iba” tango lang ang isinagot ko sa kanya bago tingnan ang mga kasama namin.

Bakit nandito ang apat sa pinuno ng council? Anong kailangan nila?

Bahagya pa akong nagulat ng ngumiti sa akin si Shew pero ang hindi ko maintindihan ay ang ganting ngiti na sumilay sa labi ko. Parang may kung ano akong naramdaman. Gusto ko syang yakapin pero iwinaksi ko yon sa aking isipan.

Nababaliw na ata ako. Bakit ko naman yon naisip?

“So, ikaw pala si Yuri ha. Yuri Akane~” ngiting sabi ng kasama nilang babae. Diniinan nya pa yong pagkasabi ng ‘akane’. Pansin kong may pagkakahawig syang isa sa kanila na Diego ata pangalan. Nailang naman ako ng sabay silang napatingin sa akin.

“Aherm…tama na nga yan. Mabuti pang tulungan nyo ang iba sa paaralang yon” saway ni Shew sa kanila.

“Mabuti pa nga. Ikaw bata sama ka sa amin ni Rico sa paaralang yon” nag-‘tss’ lang si Luke sa tinawag sa kanya ng babae.

“Finally I met your daughter--” hindi natuloy ng babae ang sasabihin nya ng hilahin sya bigla ni Rico at tinakpan ang bibig saka mabilis na naglaho sa aming harapan. Napansin ko naman ang pag-iling iling ni Shew. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya wala sa sariling napatingin kay Luke na nakatitig pala sa akin.

Ano bang problema ng isang to?

Kung makatitig parang si Zen lang.

Ako na ang umiwas dahil parang wala ata syang balak. Agad naman syang sumunod sa dalawa. Pero nagulat na lang ako ng may bumulong malapit sa may taynga ko.

“Yurika”

H-hala sino naman kaya yon?

“Okey ka lang, Yuri?” nag-alalang tanong sa akin ni Aika. Umiling lang ako saka nilingon sina Diego at Shew sa likuran.

“Bakit pala nandito sila? Saka bakit buhat ako ng lalaking yon ng magising ako?” bulong ko sa kanya.

“Nawalan ka kasi ng malay kaya ganun” napansin kong may hindi sinasabi sa akin si Aika.

“Yon na nga Aika. Pano ako nawalan ng malay? Sa naalala ko kaharap natin si Elizabeth kanina…asan na pala ang babaeng yon?” hinanap ko sya sa paligid pero walang bakas ni aura nya at ngayon ko lang napansin na hindi ito ang lugar na nakaharap namin si Elizabeth.

“Ah..eh..Ano…kasi---”

“Luke turn that bitch into ashes”

“W-what?” nanlaking matang napatingin ako kay Diego sa sinabi nya.

“Yon ay kung magpapakita pa sya sa kanya. No doubt gagawin talaga yon ni Luke without a second thought”

Tama sya pero bakit? At sa anong dahilan? Anak sya ng isa sa kanila kaya bakit naman yon gagawin ni Luke. Tsaka anong dahilan at naparito sila?

“Alam kung madami ka pang gustong itanong pero mas makakabuting puntahan muna natin ang iba lalong lalo na ang yong ina” hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero tingin ko nakita ko talaga ang pag-alala sa kanyang mukha.

Pano nya nalaman na buhay si mama?

Sino ka ba talaga Shew? Bakit pakiramdam ko may tinatago kayo ni mama.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
A/N

Sorry kung sobrang ikli ng chap na to. Gusto ko kasing makaupdate agad...hehehe

Sorry sa mga wrong grammar tsaka typos...Salamat!

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon