Chapter 29

4.2K 173 6
                                    


Hindi man lang kumikibo si Luke simula kanina. Matalim na tingin lang ang ipinukol nya sa lalaking nasa unahan ko. Parang nagsusukatan sila ng tingin pero laking gulat ko na lang ng biglang mapunta sa akin ang matalim nyang tingin.

Waah! Bakit ganyan sya makatingin?!

Wala naman akong ginawang masama.

Napalitan ng pagtataka ang nararamdaman ko ng biglang kumunot yong noo nya. Parang hindi sya makapaniwala sa kanyang nakita. Lilingon na sana ako sa aking likuran para tignan kong may ibang tao ng biglang magsalita si Edward.

"Natagalan ka ata Luke. Di kaya nagsasaya ka pa sa paghahanap ng pagkain?" natatawang saad ni Edward.

Pero imbis na sagutin sya nito pinukulan lang sya ng masamang tingin ni Luke sabay tingin kay Shew na hindi parin tumitigil kakatitig kay miss principal. Si miss principal naman halatang hindi komportable sa titig ni Shew.

Akala ko pagsasabihan ni Luke si Shew pero parang hindi naman kasi bumalik ang tingin nya sa kinaroroonan ko.

Ano bang problema nya?

Ilang segundo lang ang lumipas namalayan ko nalang na kusang naglalakad ang mga paa ko. Hindi ko man lang napansin ang panghihila sa akin ni Zen. Namalayan ko na lang na wala na kami sa harap ng building at nasa ibang lugar.

Nasan na ba kami?

Nasa Mendiola pa rin ba kami o--

Bigla na lang syang humarap na syang ikinatigil ko sa pag-iisip. Nakakasilaw ang tingin nya kaya bago pa ako mabulag ibinaling ko sa ibang direksyon aking paningin.

"Hindi ko to inaasahan" rinig kong sabi nya kaya bigla akong napatingin sa napakaseryoso nyang mukha.

"B-bakit ganyan ka makatingin?" medyo kinakabahan ako sa kanya gayong kaming dalawa lang ang nandito.

"Alam mo bang pinipigilan ko lang ang sarili ko kanina?" bigla akong napaatras ng humakbang sya palapit sa akin.

Aatras na sana ako ng isa pang hakbang ng muntikan na akong ma-out balance dahil sa batong nakaharang sa aatrasan ko sana ng bigla ko na lang maramdaman ang isang kamay na nakahawak sa beywang ko.

"Hindi ako kailanman nagpipigil. Tinatapos ko agad kung sinuman ang gusto kong tapusin" pagpapatuloy nya.

"At dahil yon sayo kaya pwede ba sa susunod mag-iingat ka naman" halata sa boses nya ang pagkairita at agad naman akong binitiwan sa may beywang at naglakad palayo.

Natulala ako dahil sa sinabi nya.

Ako ang may kasalanan?

Baliw ba sya? Kasalanan ko bang muntikan na akong ma-out balance kanina?

Wait...yun ba ang ibig nyang sabihin sa sinabi nyang mag-iingat ka naman? O may iba pa syang ibig sabihin?

"Aah, sya nga pala. Bago ko makalimutan"

Akala ko ba nakaalis na to?

Eh, bakit nandito pa to sa harapan ko?

"Ano?!" bulyaw ko sa kanya. Kung kanina natatakot ako ngayon naman naiirita.

Hindi man lang nya ako sinagot bagkus lumapit lang sya at biglang hinalikan ang leeg ko!!!!!!!!!

Waah!!!!!!!!!!

Naestatwa ako sa biglaang ginawa nya. Kung noong una para akong walang dugo sa katawan ngayon naman nasobrahan na ata ang dugo ko sa katawan. Pano ba naman ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko at sure akong sobrang pula na nito.

Kita ko ang ngiti na gumuhit sa labi nya kaya medyo nabalik ako sa katinuan.

"Ngiti-ngiti mo dyan!"

"Gusto mong alisin natin yang pamumula ng mukha mo?" nakangiti nyang tanong pero bago pa man ako makapalag, naramdaman ko na lang bigla ang mga kamay nya sa mukha ko. At hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.

He kissed my forehead.

Tama sya. Nawala nga ang pag-iinit ng mukha ko pero gayon naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Waah!! Anong ginawa mo sa akin Zen?!!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>


Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon