Chapter 16

4.3K 164 1
                                    

"Patawad auntie kung....."

"Shh,kalimutan mo na 'yon" napapagaan talaga nya ang kalooban ko

"Salamat"pabulong kong sabi

"Ah,Yuri"

"Hmmp?"

"Tungkol sa mga students sa Mendiola" tiningnan ko si ante ng mabanggit nya ang school na pinapasukan ko ngayon.

"B-Bakit nasali ang Mendiola sa usapan natin?"

tss,bakit ko naman iniisip ang taong 'yon?

"Alam mo ang tungkol sa kanila,di ba?"

Nag-iisip ako sa pwede nyang sabihin....hindi kaya....

"Auntie,wag mong sabihing....."

Tumango sya. Ibig sabihin ba nito tama ang conclusion ko.

"Nag-eexist ang mga tulad nila kaya nga lang walang wolf na mortal nilang kaaway. Di kagaya sa mga napapanood o sa nababasa natin. Sa panahon natin ngayon mga hunters ang kalaban nila. Tss, para tuloy tayong mga hunters sa vampire knight." napangiti sya ng mabanggit ang 'vampire knight'.

Kailan pa naging interesado si auntie sa anime series?

"Auntie,wag mong sabihing......gusto mo maging si Yuki?" pagbibiro ko sa kanya

Tiningnan nya ako ng masama tsaka...

"Aray!" sigaw ko. Batukan ba naman ako.

"Ikaw'ng bata ka. Napakatanda ko na para maging si Yuki"

"BWAHAHAHAHAHAH!!!!!!!!!!!!!" nalimutan ko tuloy na may sasabihin pa dapat sya tungkol sa Mendiola. Di ko akalaing may pagkajoker rin pala 'tong si ante.

"Sandali....di ko na kaya" nahihingal kong sabi. Pano ba naman 'di na ako makahinga sa katatawa.

"Eh di tumigil ka. Ano ba kasing nakakatawa sa sinabi ko?" napikon na talaga si ante kaya nagtanong na ako bago ko pa makalimutan at para hindi na sya lubusang mapikon pa.

"Ah,auntie,ano pala ang sasabihin mo tungkol sa mga nilalang sa Mendiola?"

Nakakainsulto naman kung halimaw ang sasabihin ko diba?

Sumeryoso bigla 'yung mukha nya.

"May sinabi sa akin si Roy tungkol sa kanila..........parang ako tuloy ang nagdala sayo sa kapahamakan" yumuko si ante

"Auntie,anong ibig mong sabihin?"

"Yuri,makinig ka,kailangan mo nang umalis sa lugar na 'yon"

"Hindi pwede auntie" yumuko ako para di ko makita ang reaksyon nya

"Bakit hindi?Yuri,tumingin ka sa akin."

Nang tingnan ko sya nakakunot lang yung noo nya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon