Chapter 47

4K 168 19
                                    


Yuri's Pov*


Wala akong kahit na anong ideya sa nangyayari sa akin. Kung paano ako naging ganito. Sigurado naman akong tao si mama. Si papa kaya...tsaka yong sinasabing seal. Hindi kaya ganito na talaga ako simula pa lang?


"Earth to Yuri!" napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Aika. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya na halos magtagpo na ang mga kilay.


"May sinabi ka?" mas lalong kumunot ang noo nya sa sinabi ko.


"Tch. Kanina pa kita tinatanong kung alam mo ba kung saan nagpunta si Roy. Nakakapanibago ang lalaking yon ha" napaisip rin ako sa sinabi nya. Di rin sya pumasok kanina sa klase eh. Nagpapaalam kasi yon kung may pupuntahan man yon. Napatigil kami ng may biglang nagsalita.


"Sino sa inyo si Yuri Akane?" tanong ng isang lalaking nakacloack na kulay itim. Di ko kita mukha nya dahil natatakpan to ng hood nya. Naramdaman ko ang kamay ni Aika na mahigpit na nakahawak sa braso ko.


"Osmar" ani ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot at nakasandal sa isang puno na kaharap namin mga ilang hakbang lang ang layo. Tulad ng una nakahood rin ito. Unti-unting bumagsak ang hood sa may balikat nya ng iangat nya ang mukha nya sa amin kaya kita ko ang mukha nya. Halatang mga bampira sila at sa tingin ko hindi nagkakalayo ang edad namin.


"Anong kailangan nyo?" kahit kinakabahan nagawa ko paring magtanong ng hindi nauutal. Mataman akong tinititigan nong lalaking nakasandal saka bigla na lang napangisi.


Ganito ba talaga ang mga bampira? Mahilig manakot? Napakacreepy kasi ng ngiti nya.


"Ikaw ba si Yuri? Yuri Akane?" ewan pero kinilabutan ako bigla sa tono ng pananalita nya. Parang kapag sinabi kung oo ay agad nya akong aatakihin. Napatago naman si Aika sa likuran ko.


"Ano ngang kailangan nyo?" ulit ko sa sinabi ko kanina pero mas lalong napangisi lang sya.


"Hindi mo sinabi sa akin na isang mortal lang pala ang tatapusin natin, Osmar. Tapusin mo na sya agad ng makabalik na tayo" ani nya sa kasama.


M-mortal?


Akala ko ba naging isa na ako sa kanila?


Hindi ba nila napapansin ang pagkakatulad ko sa kanila? Yung kulay ng mata ko o baka naman sadyang bulag lang sila. Hindi sa pinangarap kong maging katulad nila pero kasi tanggap ko ang sarili ko kahit ano pa man ako.


"Napakatamad mo talaga Rim kahit kailan" reklamo ng kasama nya pero agad namang sumeryoso ng ibaling ang paningin sa amin.


"Aika, kahit ano man ang mangyari proprotektahan kita" bulong ko sa kanya bago ko harapin ang tinatawag na Osmar.


"Ako lang ang kailangan nyo diba? Kaya wag nyong isali dito ang kaibigan ko" kumunot ang noo ko ng bigla syang tumawa.

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon