Chapter 50

5K 176 40
                                    


Shew's Pov*


Hindi ko sya mapapatawad!


Gagawin ko ang lahat mapatay ko lang sya. Walang kapatawaran ang pagtatangka nya sa buhay ng mag ina ko. Buburahin ko sya sa mundong to kung yon ang kinakailangan.


"Papatayin kita, Edward! Papatayin kita!" sinugod ko syang muli subalit hindi ko napansin ang lalaking estudyante na ngayon ay mabilis na inikot ang mga kamay ko sa likuran bago ko pa man masuntok muli si Edward.


"Umalis ka dyan bata kung ayaw mong pati ikaw ay madamay sa galit ko!" pilit kong makaalis sa higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko pero hindi ko magawa dahil na rin sa naubos ang lakas ko sa paggamit ng sealing ability ko kay Luke na hanggang ngayon ay pinapahirapan pa rin ng isang tauhan ni Edward.


"Inaasahan kong gagawin mo nga yon, Shew. Alam mo ba kung bakit ko yon ginawa sa mag-ina mo?" nakakalokong ngiti ang ipinakita nya na mas lalo lang nagpainit sa ulo ko. Nagsilabasan na ang mga pangil ko dahil sa pagpipigil ng galit.


"Hahahaha!! Yan ang gusto kong makita sa mukha mo, Shew. Pagkamuhi...yan rin ang nakikita ko sa mukha ni Ailea sa mga oras na binawian ko sila ng buhay ng yong anak..." nagdilim ang paningin ko sa sinabi nya.


Ibig sabihin...alam ni Lea na sya ang nagtangka sa buhay nila ni Yurika?


Kaya ba...


Kaya ba nilihim mo sa akin Lea ang katotohanan ay dahil kasama ko lang ang taong may kagagawan ng lahat ng nangyari noon?


Napayuko ako dahil na rin sa bigat ng aking nararamdaman.


"Hmmm...posible kasing mamana ng yong anak ang kakayahan mo, Shew"


Mali ka Edward. Higit pa don ang kayang gawin nya. Higit pa don ang kakayahan ni Yurika.


"Kaya plinano ko na noon pa ang pagtapos ng buhay nya" naikuyom ko ang kamao ko kahit mahigpit itong hawak ng batang nasa likuran ko.


"Isa kang banta sa plano ko Shew at makikisali pa don ang sanggol kaya ayon inilibing ko na" marahas kong naiangat ang mukha ko sa narinig only to find him smirking. Ramdam ko ang pagpula ng mga mata ko at ang mas lalong nagngingitngit na galit sa loob ko.


"Sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang ginawa mo sa kanila, Edward! Hinding-hindi kita titigilan hangga't hindi kita napapatay!"


"Alam ko. Pero alam ko rin na pasasalamatan mo ako sa sunod kong gagawin sayo, Shew" itinaas nya ang hintuturo nya sa kanang kamay at kinumpas yon.


Hindi ko alam kong ano ang pinaplano nya pero kahit ano pa man ito, hindi ko sya hahayaang patayin ako. Ngayon pa na malapit ko ng makasama ang mag-ina ko. Nagulat na lang ako ng may matulis na bagay ang nasa may dibdib ko.


"Sabihin mo nga sa akin, Shew. Sa anong paraan mo gustong mamatay?" tanong nya na syang nagpakaba sa akin. Hindi para sa sarili ko kundi para sa mag-ina ko. Binigay ko lahat ng lakas ko para lang makaalis sa pagkakahawak ng lalaki sa kamay ko sa likuran gamit ang isa nya lang kamay habang ang isa na pinalabas ang matutulis na kuko ay nasa tapat ngayon ng dibdib ko.

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon