"Mark..." tawag ni miss principal kay Mark na hawak parin ni Diego pero laking gulat ko ng agad nyang inalis ang kamay ni Diego sa pagkakahawak sa kanya.
Si Diego naman parang wala lang sa kanya at nakangiti pa. May sayad na siguro kaya nagkaganyan.
"Pauwiin muna sila sa kani-kanilang dorm ngayon din" utos ni Miss principal kay Mark. Tumango lang si Mark at agad na pinauwi ang mga kapwa ko estudyante maliban sa aming dalawa ni Aika.
"Bakit hindi pa kayo sumama sa kanila?" tanong ni Miss principal sa amin.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako sumama dahil sa kadahilanang mag-isa lang si Miss principal kasama ang mga taga-Council. Hindi ko sya sinagot at nilingon ko lang si Aika na kanina pa hindi mapakali.
"Aika, bumalik kana sa dorm susunod lang ako"
"Pero—Sige na nga pero dapat siguraduhin mong makakabalik ka sa dorm kung hindi—basta sumunod ka ha?!" tumakbo na sya paalis
Ayaw nya sanang iwan ako pero nahalata nya sigurong may dahilan ako kung bakit gusto kong magpaiwan.
"Kanina ko pa naaamoy ang kakaibang bangong taglay mo" hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa presensya ng isang nilalang sa likuran ko. Nakakapangilabot ang hininga nya na tumatagos sa balat ko.
"Wag na wag mong gagalawin ang batang yan kung ayaw mong...."
"Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" nakakalokong ngiti ang binigay nya kay Miss principal na ngayo'y di na maipinta ang itsura.
Waaahh!!pinagsisihan kong nagpaiwan pa ako.
"Ang totoo nyan kanina ko pa gustong sugurin at patayin ka Diego pero mukhang may gagawa non para sa akin" seryosong saad ni Miss principal kay Diego na ngayo'y nag-ngingitngit ng mga ngipin sa inis.
Akmang magsasalita na sana sya ng may maramdaman kaming naglalakad papalapit rito sa amin.
Isang nakakatakot na nilalang. Sobrang itim ang mga mata at yung aurang sobrang itim na nakapalibot sa kanya.
"Oh? Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang anak ni Dorcas hindi ba?" tanong ni Diego pero hindi man lang sya sinagot ni Zen. Nakatingin lang si Zen sa akin at sa di malamang dahilan di ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya.
Bigla nyang binaling sa nilalang na nasa likuran ko ang paningin nya at laking gulat ko ng bigla na lang syang mawala at sumulpot sa harapan at mabilis nyang hinablot ang waist ko kaya napasobsob ako sa kanya.
"Ang lakas ng loob mong hawakan sya" diing sabi ni Zen kay Diego at kasabay non ang malakas na pwersang nagpatilapon kay Diego sa kung saan. Kita ko kung paano pinipigilan ni Zen ang sarili.
"Hindi ko inaasahan to" sambit pa ng isa sa pinuno yung mukhang mas matanda sa kanilang apat.
Wait...apat? sa pagkakaalam ko lima sila diba? Pero bakit apat lang silang nandito?
"Tama ka Edward" sabi ng isa pa
"At lalong hindi ko inaasahan ang ginawa nya kay Diego" dagdag nya pa
"Mukha yatang nakalimutan mo Rico na isang chosen yang pinagsasabihan mo" wika ni Edward
Kanina ko pa napapansin ang pagtitig ni Shew kay Miss principal. Parang wala syang pakialam sa ginawa ni Zen sa kasamahan nya.
"Inaamin kong masakit yung ginawa mo bata kaso nga lang hindi yun sapat para patayin ako"
Hindi ko kita ang mukha ng nagsalita pero nakakasiguro akong kay Diego yun nagmula. Hanggang ngayon kasi nakasobsob pa rin ako sa kay Zen.
"Kung gusto kitang patayin kanina ko pa yan ginawa"
"Tch. Nakalimutan mo ng gumalang bata. Nakalimutan mo na ata kung sino ang kaharap mo" inis na sabi ni Diego
"Pakialam ko"
Base sa kanilang pagsasalita alam kong nagsusukatan sila ng mga tingin sa isat-isat. Aawatin ko na sana si Zen nang bigla kong mapansin na napunta ako bigla sa likuran nya ng hindi ko man lang namalayan.
Anyari?
Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa kanang wrist ko bago ko balingan ang mukha nya. Seryoso syang nakatingin sa kawalan.
"Oh, Luke buti naman at sumunod ka" rinig kong sabi ni Rico sa kung sinoman pero wala naman akong nakikitang nilalang.
Wait,Luke?
Hindi kaya sya yung sinasabi nilang pinakabatang pinuno ng council?
Naramdaman ko ang biglaang pag-iiba ng ihip ng hangin. May parang buhawi ang biglang sumulpot sa harapan naming lahat. Hindi naman yun ganun kalakas at ng mawala yun nakita ko ang lalaking sinasabi nilang Luke.
Pano ko nasabi?
Dahil sa damit nya na kapareho sa suot ng mga pinuno.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
A/N:
Hindi ako mahilig maglagay ng author's note pero ginawa ko pa rin para pasalamatan kayong lahat.
Hindi ako isang professional writer kaya medyo may pagkapalpak ang pagkagawa ko nito. Kung napapansin nyo rin ang pabalik-balik na mga words ay dahil sa limited lang ang words na alam ko. Isama nyo pa yung mga wrong grammar.
Gusto kong pasalamatan lahat ng mga bumabasa nito, sa mga nag-vote ng mga chapter at lalong-lalo na yung nag-comment.
Salamat talaga! Hindi ko yun inexpect kasi sa pagkakaalam ko hindi naman maganda ang story.
Rciel
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.