Third Person's Pov*
Nagising si Osmar at akmang babangon na sana ng bigla syang makaramdam ng sakit sa may leeg nya. Napangiwi sya ng hawakan nya ang parteng masakit.
"A-aray...ano bang nangyari?" natigilan sya ng maalala ang nangyari sa kanya kanina.
"...grabe. Nakakatakot sya. Talaga bang tao yon? Nakakapangilabot ang aura nya katulad na katulad kay--" hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng makarinig sya ng impit na sigaw.
"Aaaahhh!!!!!" nagpalinga-linga sya at nakita ang kaibigang si Rim na namimilipit sa sakit. Nakahawak sya sa kanyang leeg.
"Rim!" agad naman nya itong nilapitan. Hindi nya nakita sa paligid ang babaeng nakalaban nya kanina. Napamulat naman si Rim ng marinig ang boses ng kaibigan.
"O-Osmar.." nahihirapan nyang sabi. Pinaupo sya ni Osmar at unti-unti namang nawawala ang sakit sa may leeg nya dahil yon din ang mga sandaling ibinuka ni Yuri ang kamaong nakakuyom.
"Anong nangyari sayo, Rim? Bakit namimilipit ka sa sakit? At nasaan yong babaeng yon?" sunod-sunod nyang tanong.
Umiling si Rim bago nagsalita. "Ewan. Pero sigurado akong hindi sya normal na tao".
"Tama ka Rim. Hindi ako sigurado pero parang kaaura nya yong lalaking yon" napatingin si Rim sa kanya at pilit inalala kung sino ang ang sinasabi ng kaibigan.
"Luke Averell....ang pinakamalakas at kinatatakutan sa academy na pinapasukan natin na isa rin sa council" gumuhit sa kanilang dalawa ang gulat at takot ng mapagtanto nila kung anong klaseng nilalang ang nakalaban nila.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. "Tama bang kalabanin ang isang chosen at sundin ang utos sa atin ni Elizabeth?" basag ni Osmar sa katahimikan.
"Kung gusto nating magpakamatay" patuloy nya sa sinabi ng kaibigan.
"Pero alam ng lahat na dalawa lang sila. Papaanong nangyaring ang babaeng yon--" hindi sya pinatapos ni Rim.
"Kailangan nating malaman ang totoo" seryosong sabi ni Rim.
Sa kabilang banda naman ay tahimik lang sila Shew sa silid kung saan nagtitipon ang mga pinuno ng council. Tatlo lang silang naiwan sa silid. Sya si Diego at si Luke.
"Hoy, Shew. Nakita mo ba si Rico?" tanong ni Diego kay Shew na syang bumasag sa katahimikan. Umiling lang si Shew. Bumuntong-hininga naman si Diego.
"Saan naman kaya nagsusuot ang lalaking yon. Dalawang araw na syang wala ah kaya nakakapanibago" napatingin si Shew sa kanya maski si Luke na kanina pa tahimik.
"Oh, bat ganyan kayo makatingin? Masyado na ba akong gwapo" napangiti nalang si Shew sa kabaliwan nya.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.