Chapter 21

4.4K 160 1
                                    



"Ang lalaking yon"galit na wika ni Roy.Nandito kami ngayon sa cafeteria at sakto namang wala rito ang mga Dark Class kaya maaari namin silang pag-usapan.

"Ah Roy?"

"Hmmm?"

"Pano mo nasabing nawalan ka ng malay?Eh di ba nakatayo ka at hindi ka naman natumba?"tiningnan ko sya kasi nasa pagkain yung paningin ko kanina.Tiningnan nya rin ako habang si Aika walang ginawa kundi kumain ng kumain.Hindi sya nagtatanong at sigurado akong hindi nya naiintindihan ang aming mga pinagsasabi.

"Hindi ko rin masagot ang tanong na yan maski sa aking sarili,Yuri"umiwas sya ng tingin sa akin

"Ganun ba"kumagat ako ng burger at napansin kong tumango tango lang sya

"Tigilan nyo na nga yang kung ano mang pinag-uusapan nyo at kumain na lang kayo.Baka magtampo yang pagkain na nasa harapan nyo."pagrereklamo ni Aika

Alam kong ayaw nya lang na ma out of place kaya sya ganyan.Napangiti na lang ako bigla.

"Yuri?Anong meron?"wika ni Aika na humarap pa talaga sa mukha ko.Nakatingin rin pala si Roy sa akin.Dahil ba sa napangiti na lang ako bigla?Tss,nakakapagtaka ba talaga kung bigla na lang mapangiti ang isang tao?

"Ah..Eh..wala naman.Bawal ba?"napailing na lang si Aika habang si Roy nagpatuloy sa pagkain

"Tsk tsk tsk...massama na siguro ang tama mo Yuri"

"Aika!"

"Biro lang"napatingin ako kay Roy na tumatawa.

"Bakit?Masama bang tumawa?"wika ni Roy

"Hay..Yuri,tumatawa si Roy dahil may rason.Eh ikaw?"tinapik pa talaga nya ang balikat ko.Bigla na lang tumunog yung phone ni Roy saka nagpaalam na aalis at sasagutin muna raw ang tawag.Maya-maya lang bumalik sya na parang nagmamadali.

"Yuri.Kailangan nating umalis"tumingin ako kay Aika para magpaalam.Naiintindihan nya naman yun kasi tumango tango sya.

"Basta Yuri.Mag-iingat ka"nginitian ko sya bago umalis.Tumakbo kami hanggang palabas ng cafeteria.

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon