Diego's Pov*
Nagulat talaga ako ng malaman ko na kaapilyedo pala ni Shew ang estudyanteng nagngangalang Yuri. Ni minsan kasi hindi ko pa narinig na may kaapilyedo sila lalo na sa isang mortal. kaya nakakapagtaka talaga. Mas lalo akong nagulat sa naging reaksyon nya sa sinabi ni Edward at sa plano nito sa mortal.
Takot...
Yan ang nakikita ko sa mga mata nya sa di malamang dahilan o sadyang wala lang akong alam. Matagal na syang hindi nagpapakita ng takot simula nang mangyari yon sa kanyang mag-ina pero bakit ngayon?
Para saan?
Para kanino?
Nakakahinala rin ang saya at ngiti nya bago dumating si Edward. Tch, I really hate that bastard. Akala nya di ko sya papatulan pwes nagkakamali sya. Wala akong pakialam sa kung sinuman ang gusto nyang parusahan pero ng makita ko ang itsura ni Shew alam kong may kakaiba. May hindi sya sinasabi.
"Shew.." mabilis akong nakalapit sa kanya na hindi man lang nya napansin dahil nakatuon ang kanyang pansin sa mga sinasabi ni Edward sa mortal. Ramdam ko ang pagpipigil nya sa kanyang sarili dahil sa kamay kong nasa kanyang balikat. Pinipigilan nyang sugurin si Edward.
Pero sa anong dahilan?
Anong tinatago mo Shew?
Yuri's Pov*
Ayaw kong may madamay pa kaya sumama ako ng maayos sa dalawang di-kilalang kalalakihan na ngayo'y nasa harapan ko.
Council..
Nakakasiguro akong membro sila nito. Hindi mapagkakaila ang kakaibang aura na bumabalot sa kanila. Kung kanina hindi halatang kinakabahan ako ngayon naman at nasisiguro kong kapansin-pansin ito. Tanaw ko na ang malaking gusali ng council kaya hindi ko maiwasang di kabahan. Natatakot ako na ewan. Marami kaming nadadaanang mga kasapi ng council sa paligid habang papalapit kami sa front door nito. Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng tuhod ko dahil sa takot.
Sino bang hindi matatakot kung alam mong may parusang naghihintay sayo sa loob? Hindi ako tanga para di malaman at mapansin ito. Alam kong may kinalaman ito sa gulo nong isang araw.
Napahinto ako sa paglalakad ng may maramdaman akong presensya sa likuran.
"*sniff* ang bango ng dala nyo kaibigan" nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng may bigla na lang magsalita sa likuran ko. Huminto rin ang dalawa na nasa pagitan ko.
"Nagmamadali kami kaya kung maaari wag kang humarang" sabi ng isa na nasa kanan ko na hindi man lang nilingon ang lalaki bago naglakad ng muli.
Mabilis akong sumunod sa kanila. Mahirap na baka may bigla na lang sumugod sa akin. Nakayuko akong sumunod sa kanila dahil ayokong magtama ang paningin ko sa kung sinumang nilalang na andito. Ayaw kong makakita ng naglalaway o anuman. Hindi ko namalayan na huminto pala kami sa isang malaking pintuan. Nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Kakaiba ang aura sa loob ng silid na kung hindi ako nagkakamali ay galing sa mga pinuno. Pinatatagan ko ang aking sarili ng dahan-dahang buksan ng isa ang malaking pintuan. Pigil hininga akong napatingin sa harapan.
Shock...
Para akong nabato sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam pero napako ang paningin ko sa isa sa pinuno. Si Shew na gulat ang ekspresyon sa mukha. Si Diego na parang nagtataka sa itsura ng kasamahan.
Kumunot ang noo ni Shew na nakakatitig sa akin pero maya-maya napalitan ito ng takot?
Problema nya?
"Makakaalis na kayo" biglang basag ni Edward sa katahimikan at agad namang naglaho na parang bula ang dalawa na kanina lang nasa harapan ko.
"Hindi ka ba nagtataka babae kung bakit pinapatawag ka?" nakangising sabi ni Edward na mataman akong tinititigan.
"...at kung bakit ikaw lang?" dagdag nya pa na mas lalong lumaki ang ngisi.
Grrr. Mas lalo tuloy akong natatakot at naiinis?
"Bakit hindi ka magsalita? Natatakot ka? Dapat inisip mo muna yan bago mo ako kalabanin" nakangisi nya pa ring sabi pero halata ang galit sa bawat salita.
Naglakas-loob akong sumagot sa kanya at isinantabi ang takot na nararamdaman. "Sumama ako ng maayos dahil oo, inaamin kong may kasalanan rin ako at tinatanggap ko ang parusang ibibigay nyo sa akin wag na wag nyo lang idadamay ang iba"
Hindi ako papayag na pati sila madamay.
"Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ang mga yan! Sino ka para utusan ako, ha?!" nagulat ako ng bigla na lang syang sumigaw kaya nadagdagan tuloy ang takot at kaba ko.
Tahimik lang ang iba. Tahimik na naghihintay pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang itsura ni Shew. Nakakuyom ang kamao at sobrang dilim ng kanyang itsura. Para syang nagpipigil. Si Diego naman nalilito. Yung isang kasamahan nila parang walang pakialam pero parang nasa malalim na pag-iisip.
Si Luke?
Ewan. Parang ewan na kanina pa nakatitig sa akin.
"Kamatayan ang parusa sa isang tulad mo at sisiguraduhin kong pati Sila!"
Sumisikip ang dibdib ko sa narinig. How dare he to involve my friends here! Pakamatay muna ko bago nya sila mahawakan maski daliri ni isa man sa mga kaibigan ko. Sawa na kong makitang nahihirapan sila ng dahil sa akin.
"No. I won't let you touch them" hindi ko alam kung bakit ko to nasabi. Mas lalo tuloy syang nagalit.
"Ang lakas rin ng loob mong sagutin ako! Isa ka lang hamak na mortal. Tignan natin kung makakapagsalita ka pa ng ganyan" hinampas nya ng pagkalakas-lakas ang mesa kaya medyo napatalon ako sa gulat.
"Bring here her friends except the chosen and let see if what we can do to them" nakangisi nyang sabi sa hangin at may bigla na lang sumulpot na tauhan.
Nanlaking mata ko syang tinititigan. I swear, I will kill this monster! I don't know pero bigla na lang akong nanginig. Tumayo lahat ng balahibo ko at ang pagiging abnormal ng pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil dito. Katulad na katulad to ng makaharap ko si Elizabeth. Parang may kung anong gustong kumawala sa akin.
"What's happening?" rinig kong sabi ng isa sa kanila.
"The seal...." halatang si Luke ang nagsalita. Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko makuha ang sinasabi nya.
Luke's Pov*
Nagulat kaming lahat ng bigla na lang lumindol kasabay ng paghawak nya sa kanyang dibdib. Ngayon sigurado na akong isa sya sa amin pero bakit?
At ano ang kinalaman ni Shew sa kanya?
Mortal sya at paanong--
"What's happening?" nagtatakang tanong ni Rico. Natigilan rin si Edward pero ang nakakapagtataka ay ang itsura ni Shew pati na rin ang pagkagulat sa mukha nito.
I know he saw it.
His own seal is now visible to everyone's eyes kaya siguradong kita yon ng lahat ng andito.
"The seal.." nasabi ko na lang. Kitang-kita ng lahat ang pagsulpot nito sa likuran nya na syang ipinagtataka ng lahat.
"Oh, sh*t!" biglang sigaw ni Shew. Napatayo pa sya sa kanyang nasaksihan at akmang aalis sana sa kanyang upuan ng biglang mawasak ang malaking pintuan ng silid.
Isang lalaking sobrang dilim ng itsura ang pumasok. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa amin. "Mukha yatang nakalimutan nyo akong ipatawag" diin nyang sabi na halatang nagpipigil. Sa itsura nya parang gusto nyang pumatay.
*smirk* Katulad ng inaasahan ko sayo Zen....Zenan Fernal.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
A/N:
Sorry kung ngayon lang...
Salamat sa lahat!
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.