Chapter 55

5.6K 160 137
                                    


Yuri’s Pov*

Kanina pa ako nanggigigil sa lalaking nasa unahan ko na parang may sariling mundo. Paano ba naman bigla-bigla nalang ngingiti tas iiling-iling. Nasa mga bulsa pa ang mga kamay. At dahil naaasar na ako sa mga pinaggagawa nya na halata namang dahil yon kanina kaya sya nagkakaganyan, kinuha ko ang isa kong sapatos at walang sabing binato yon sa kanya na agad naman nyang nasalo.

Napamura nalang ako sa isipan sa sobrang inis.

“Kung ako sayo hindi ko na ulit gagawin yon dahil ikaw lang din ang mapapagod” nakangisi nyang sabi na nakapagdagdag lang ng inis ko.

“Oh, shut up!” inunahan ko na sya sa paglalakad at kinuha sa kanya ang sapatos. Narinig ko pa syang tumatawa.

Nakakainis talaga! Sarap nyang---Argh! At sino naman tong bumangga sa akin? Napaangat ako ng tingin para makita ang kung sino man pero bigla akong napatahimik ng makilala sya..sila.

“Yuri…kanina ka pa namin hinahanap. Buti walang nangyaring masama sayo” hindi ko pinansin ang sinabi ni Aika at nakatingin lang kay Shew.

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun nalang ang mga emosyong nakikita ko sa kanya lalo na nong nandon ako sa council.

“Yurika..” sambit nya tsaka nilingon ang paligid na parang may hinahanap. Pansin ko ang pagtigil nya sa gawi ni Zen na ngayo’y nakasandal sa isang puno habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa pa rin at nakapikit.

“Pagkatapos ng labang ‘to mag-usap tayo” sabi nya na syang nakapagmulat kay Zen. Seryosong napatingin si Zen kay Shew at tumango.

Ano na naman ang pag-uusapan nila? Bahagya pa akong nagulat ng ilipat nya sa akin ang paningin.

‘Ikaw’ nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

‘Anong ako?! At pwede ba wag kang magsalita sa isipan ko. Tch’ Hindi ko napansin na kanina pa pala kami tinitignan ng iba.

“Uhmm…sa tingin ko kailangan nating magmadali ngayon at tulungan ang iba. Diba, Shew?” biglang pahayag ni Diego na hindi ko napansin kanina. Hinimas-himas nya pa ang batok nya. Bigla namang natauhan si Shew sa sinabi nya.

“Oo nga pala” tumingin pa sya sa akin bago tumalikod.

Ang awkward naman..

Sinimulan na rin naming maglakad pero hindi nakawala sa akin ang paglingon ni mama sa direksyon ko at ng di ako lumingon sa kanya napapabuntong-hininga sya.

‘Yuri…anak’ basa ko sa isip nya

Nasasaktan rin naman ako na hindi sila pinapansin pero kasi..hay, ewan.

Nagulat nalang kami ng may biglang nahulog mula sa itaas na saktong sa gitna namin bumagsak. Mabilis namang nailayo ni Shew si mama, si auntie naman ay buhat rin ni Diego. Mabilis rin kaming nakalayo ni Zen bago pa man bumagsak kung ano mang bagay yon.

“Akala ko pa naman wala akong mahuhuling isda sa atakeng yon pero pagsiniswerte ka naman oh! Hahaha!!” napalingon kaming lahat sa pinagmulan ng boses at nagulat ako ng hawak nya sa leeg si Aika.

Nanginginig kong naikuyom ang kamao ko. Kita ko sa mukha ni Aika ang takot at natigilan ako ng makita ang mga luhang dumaloy sa pisngi nya habang nakatingin sa akin. 

“Aika..” Pabulong kong sambit sa pangalan nya. Kasalanan ko to. Kung di ko lang sana inalis sa kanya ang atensyon di sana sya hawak ngayon ng kalaban.

“I-ikaw” diing sambit ni Shew sa galit na boses pero nakatutok parin ako kay Aika at sa may hawak sa kanya.

“Ako nga Shew. Hahaha!!” ngumiti yong lalaki na parang demonyo.

“Bitiwan mo ang batang yan, Gregor” diing sabi ni Shew sa lalaki pero tinawanan lang sya nito.

“Hahaha!! Ang pagkain ay kinakain Shew hindi sinasayang kaya wag mo kong patawanin” biglang napalitan ng nakakatakot na ngisi ang itsura nya tsaka inilibot ang paningin. Dumako ang tingin nya kay mama at nginisihan nya ito na sya namang paghigpit ng hawak ni Shew kay mama.

“Hindi ko inaasahan to. Kaya pala ganun nalang ang inakto mo Shew ay dahil ba buhay sya?” tinuro nya si mama pero nanatili parin ang isang kamay sa leeg ni Aika.

“Ano kayang magiging reaksyon ni Edward oras na malaman nya ang balitang hatid ko? Ano sa tingin mo Shew?” nakangisi nya paring sabi na mas lalong ikinagalit ni Shew.

“Anong kinalaman nyo sa nangyaring yon? Sabihin mo!!” nanggigigil na susugurin sana ni Shew ang lalaki pero pinipigipan sya ni mama.

“Shew..huminahon ka muna. Wag kang padalos-dalos sa mga ikinikilos mo”

“Kinalaman? Sabihin nalang nating malaki. Dahil kami ang inatasan ni Edward para gawin yon kaso biglang umepal ang ama mo Shew kaya ayon inuna na namin sya” napatigil lahat ng marinig ang sinabi nya. Pati ako. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Dahil ba pinatay nila ang ama ni Shew…..ang lolo ko?

“Tama na” wala sa sariling sabi ko na syang paglingon nya sa direksyon ko. Hindi ko man naintindihan ang gulat sa mukha nya ng makita ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang gusto kong sabihin.

“Hindi ko hahayaang pati kaibigan ko idadamay nyo sa kabaliwan nyo” malamig kong sabi sa kanya. Ramdam ko ang takot sa kanya pero agad naman yung nawala. Napangisi ako dahil don.

‘Trying to hide your fears huh’

‘Imposible! Bakit kahawig nya si Shew? Wag mong sabihin…’ basa ko sa isip nya pero kumunot noo ko nang hindi nya itinuloy.

Nagulat ako ng bigla nyang hinagis si Aika buti nalang naging mabilis ang kilos ko at agad syang nasalo.

“Hindi ko inaasahan to. Una, ang babaeng yan” turo nya kay mama.

“…at ikaw bata” nalipat ang paningin nya sa akin at nakikipagtitigan.

“Ang lakas naman ng loob mong tingnan sya nang ganyan” malamig na sabi ng familiar na boses sa likuran ni Gregor. Mabilis naman syang nakalayo sa nagmamay-ari ng mapanganib na boses at don namin nakita si Zen na ang dilim ng itsura at aura.

“Sh*t!” mura nya bago dahan-dahang naglalaho pero bago sya nawala narinig namin ang boses nya.

“Hanggang sa muli. At sa pagkakataong yun tapos na kayo”

“Tch!” napatingin ako kay Zen na ngayo’y naglalalad papalapit sa akin.

“Sa susunod wag muna yong gagawin” rinig kong sabi nya bago ako lagpasan.

“Eh?” yun nalang ang nasabi ko.

Sa hindi ko alam pinagsasabi nya eh!

Nabalik lang ako sa wisyo ng may tumapik sa akin at nakita si Aika na nakangiti.

Ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan!!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
A/N

Merry Christmas Everyone!!!

Salamat! :-)

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon