Diego's POV
Kung naaalala nyo ako isa ako sa limang pinuno ng council.
Ang council ay isang council! Hahaha!!
Okay back to reality.
Ang council ang may kakayahang hatulan ang isang nilalang. Bawat miyembro nito ay nagmula sa malalakas na dugo ng isang bampira.
Noon pa man naging pinuno na ako. Nauna akong maging parte ng council kaysa sa kaibigan kong si Shew.
Ang masaklap na nangyari sa kanyang nakaraan ang nagtulak sa kanyang pumasok sa council. Pinalitan nya ang kanyang ama sa pagiging isa sa pinuno.
Hindi ko ipinagkakailang hindi rin basta-basta ang kakayahang taglay ni Shew. Kaya nyang i-seal ang kapangyarihan ng isang chosen na minsan na rin nyang ginawa sa kanyang mahal na.......
Anak.
Kung bakit ko alam?
Well, ano pang saysay ng pagiging kaibigan ko sa kanya?
Matagal na kaming magkaibigan sa simula pa lang at lahat ng tungkol sa nangyari sa kanyang nakaraan ay alam ko na ata.
Mula sa pagiging masamang nilalang na naging isang maamong tuta ng pagtagpuin ang landas nila ng babaeng hindi nya aakalaing magiging parte ng kanyang buhay.
Saksi ako sa pagmamahalan nila na binayayaan ng isang anghel. Subalit hindi ko inaasahan ang aking natuklasan.
A chosen.
Kaya para maitago sa lahat ang kanyang tunay na katauhan, Shew sealed her power as a chosen.
Isang araw, ang dating masayang buhay ay napalitan ng isang di-inaasahang pangyayari na syang nakapagbabago sa kanya ng tuluyan.
Ang kanyang ama na isa sa pinuno ng council noon ay hindi nagdalawang isip na alamin ang ang buong katotohanan.
Galit sya sa kanyang natuklasan pero alam kong hindi sya ang may pakanan sa nangyari sa mag-ina ni Shew. Dahil kita ko sa mukha nya ang kagalakan lalo na ng malaman nyang may apo na sya.
Wala syang alam sa pagiging chosen ng bata pero kahit pa nagkaganun minsan ko na rin nasaksihan ang kasiyahan sa kanyang mukha.
Kahit na sabihin pa nating may dugo itong kaaway.
Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanyang mag-ina dahil naabutan lang namin sa kanilang tinutuluyan ang napakaraming dugo.
Dugo na hindi namin mawari kung kanino.
Don ko huling nakita ang pagiging isang halimaw ni Shew lalo na nong makita nya ang isang telang suot ng bata bago nangyari ang lahat na wala ng laman at puro dugo.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala man lang katawan na nakahandusay sa bahay na yon.
Hindi ko matukoy kung sino ang may gawa non sa kanyang mag-ina pero alam kong nasa malapit lang sila.
Malapit na malapit.
Minsan na nga ring parang baliw si Shew at iniisip na isang araw babalik sa kanya ang kanyang mag-ina na hanggang ngayo'y patuloy paring umaasa.
"Hoy, Diego kanina ka pa tulala dyan" pukaw sa akin ni Rico
Nginitian ko lang sya at bago nagsalita.
"Yang dalawang yan ang pagsabihan mo" nguso ko sa dalawa na kanina ko pa napapansing wala sa kani-kanilang sarili.
Buhat pa kanina ng magpunta kami sa paaralang yun, naging ganyan na sila lalo na to si Shew.
Ito namang si Luke, di ko mabasa kung ano ang nasa isip. Kukunot ang noo tapo bigla na lang titingin kay Shew.
Problema nya?
"Hay, ewan ko sa inyo. Nasan na ba si Edward?" tanong nya
Isa pa yon.
Si Edward ang pinakamatanda sa amin dahil naging isa rin to sa pinuno noon kasama ang ama ni Shew at sa napapansin ko may pagkagahaman rin ang isang yon sa kapangyarihan.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.