Chapter 4

6K 201 10
                                    

Third Person's Pov*

"Tss ang babaeng yun pagbabayarin ko sya sa ginawa nya" galit na sabi ni Reka

"Babe, pwede ba ako na bahala don" hinalikan sya ni Ren

"Di na kailangan. Gusto ko kasing ako ang magpaparusa sa babaeng yun. Tignan lang natin kong may laban pa sya"

Hinalikan sya ni Ren sa may pisngi kong saan may pasa.

"Ano bang ginagawa mo?!" sigaw nya sa pagmumukha ni Ren

"It's a healing kiss" nakangiting sagot ni Ren. Natigil sila ng may pumasok.

"Ha ha nandito ka lang pa la Ren"

"Anong ginagawa mo rito Jhon?" tanong ni Ren. Imbis na sagutin sya ni Jhon tinawanan lang sya nito.

"Tingin ko galit na ang lalaking yun" tumayo na sya sa pagkakaupo at nagpaalam na kay Reka. Nginitian lang ni Jhon si Reka tapos umalis.

'Ang Ren na yun..tingin nya may gusto ako sa kanya.,tss mas gusto ko si Zen at kailangan ko pa sya para mapalapit kay Zen,kung sabagay wala naman syang silbi kasi di naman sila magkaibigan pero kailangan ko pa ring mag-ingat dahil isa parin syang vampire' Reka thought

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Yuri's Pov*

Papunta kami ngayon ni Aika sa cafeteria para kumain ng hapunan at pansin ko na pinag-uusapan kami ng mga estudyante ng kami'y makapasok.Tss...ano ngayon?Umupo kami sa bakanteng upuan at sa di kalayuan ng don rin ang mga Dark Class kasama ang leader nilang si Zen at ngayon ko lang napansing may mga kababaihan rin pala sa Dark Class.Nang don rin ang bruha at syempre ng mapansin nyang nakatingin ako bigla na lang syang ngumiti...ngiting devil.

"Yuri wag kang tumingin don" lumingon ako sa harapan ni Aika

"Bakit?"

"Wala lang" sabi nya habang sumusubo

Kahit hindi ako nakatingin sa diresyon nila pansin ko pa rin ang pagtayo ng leader ng Dark Class kasama ng isa pang kasamahan nila. Naramdaman ko naman ang pagtawag ni mother nature kaya nagpaalam ako na mag-cr muna sandali. Papunta na ako sa restroom ng may narinig akong nag-uusap at dahil na curious ako kung sino, nagtago ako sa likuran ng isang puno at dahil madilim di nila ako pansin.

"Zen nakita namin ang isa pang hunter pero nakatakas parin sya kaya patuloy pa rin namin syang pinaghahanap" paliwag ng lalaki kay Zen

"Anong gusto nyong gawin ko?" tanong ni Zen sa kaharap

'Sinong pinag-uusapan nila?di ko pwedeng marinig ang pinag-uusapan nila masama kutob ko dito' sabi ko sa sarili ko.

Nang linungin ko sila...

"Oh my God" biglang sambit ko ng mapansing sa akin sila nakatingin.

Ang masama pa don bigla ring tumunog ang phone ko.

Calling Mia.............

"Mia bakit ngayon pa?" nataranta akong inoff ang phone at ng iangat ko ang ulo ko..Errrr di na ako makakilos sa kinatatayuan ko,pano ba naman nasa harapan ko na pala ang leader ng Dark Class...

"Zen kailangan ko nang umalis ikaw na ang bahala dyan" kinabahan ako sa sinabi ng kasama nya kanina

Mas lumapit pa sya sa akin kaya imbis na maramdaman ko ang pagtawag ni mother nature o sabihin na natin ng diretso na naeehe ako para lang itong natuyo dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" diin nyang tanong na halatang galit

'Magsisinungaling ba ako at sasabihing napadaan lang o sasabihin kong kararating ko lang at wala akong narinig sa mga pinag-uusapan nila?'

Sasagot na sana ako ng muli syang magsalita

"Nababasa ko kung ano ang laman ng utak mo" nagtitigan kami ng ilang segundo at na alarma ako ng ibaling nya ang tingin sa makinis kong leeg kaya hinigpitan ko pa ang pagkahawak ko sa phone para ikubli ang nararamdamang takot.

Bigla syang natawa sa kinikilos ko kaya imbis na matakot ng tuluyan naglakas loob akong magtanong.

"Anong nakakatawa?" medyo galit ang pagkasabi ko kaya napawi ang ngiti nya

"Pasalamat ka hindi ako interesado sa katulad mo" seryoso nyang sabi

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko at binigyan ng masamang tingin

"Kung ako sayo tumahimik ka na lang bago pa magbago ang isip ko" tumalikod na sya at kasabay ng masamang hangin bigla na lang syang nawala.

Nakatayo lang ako don na iniisip ang lahat ng nangyari ng mapansin ang paglapit ni Aika sa direksyon ko kaya inayos ko ang sarili ko na para bang walang nangyari.Muntikan ko na ring masira ang phone dahil sa higpit ng hawak ko dito.

"Aika" tawag ko sa kanya at nilagay ang phone sa bag

Tumakbo sya palapit sa akin."Yuri bat ang tagal mo?"

"Ha ah kasi...." 'anong sasabihin ko'

"Kasi may dinaanan ako kaya na tagalan?" wika ko sabay ngiti para di mapansin ang pagsisinungaling ko

"Tara na nga" hinablot nya braso ko at sabay kaming naglakad

'Second day ko pa lang napasok na ako sa gulo Hay ,sana di ito malaman ni auntie at lalong di nya pwedeng malaman ang tungkol sa mga nilalang rito '

"Aika unahan tayong makapunta sa dorm" kumawala ako sa pagkahawak nya tapos sinimulang tumakbo

"Hoy ang daya mo!" sigaw nya na tumakbo na rin.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon