Chapter 7

5.5K 229 4
                                    


"Aika sorry talaga"

"Ano ka ba Yuri kagabi ka pa sorry ng sorry nabibingi na ako sa kasasabi mong yan"

"Gutom lang yan kaya punta tayo sa cafeteria" tinapik nya balikat ko

Ngumiti ako at sinabing "Libre mo?"

Tumango lang sya saka ngumiti.

"Tara" masaya akong tumayo at kinakaladkad sya papunta sa cafeteria

Pumasok kami at tulad ng inaasahan narito ang ilan sa mga Dark Class pero wala ang leader nila.Ang tanging familiar lang sa kanila ay yung lalaking kasama ni Reka noong isang araw.Tumatawa sya habang nakikipag-usap sa katabi.Narito rin si Reka kasama ang mga alalay nya at ng mapansin kami bigla na lang ngumiti may sinabi ang katabi nya saka sila nagtawanan.'Pakialam ko sa kanila'

Kailangan naming dumaan sa mesa nila para makarating sa bakanteng mesa.Nauna akong naglakad sa aming dalawa ni Aika at tulad ng inaasahan hinarang nya ang isa nyang paa sa aming dinaraanan at balak nya pa kaming pahiyain pero malas nya lang napansin ko yun kaya tinapakan ko ang paa nya at ngumiti.Napansin rin yun ni Aika kaya ayun pigil na tumatawa.

Tumayo sya sa kanyang pagkakaupo at humarap sa akin.

"You bitch bakit mo ko tinapakan?" galit nyang tanong

Sininyasan ko naman si Aikang umupo na sa bakanteng upuan at hinarap ang bruha.

"Ah may natapakan pala ako sorry" pang-aasar ko

Nasa amin na ang atensyon ng lahat at alam nyang mapapahiya sya kung itutuloy nya pa ang drama kaya pabagsak syang umupo sa upuan."Magbabayad ka sa akin ng mahal" diin nyang sabi

Bilang ganti tiningnan ko lang sya ng kay sama.Umupo na rin ako sa tabi ni Aika

"Bat mo yun ginawa?" tanong ni Aika

"Wala akong balak gawin yun sa kanya kung di nya ako inunahan" bored kong sagot

Nang matapos na kaming kumain pinauna ko sya sa dorm dahil gusto ko munang maglakad-lakad medyo dumidilim na rin nong maisipan kung bumalik sa dorm.Habang naglalakad ,nakita ko si Zen na nakasandal sa isang puno at napakamalas lang dahil don ako dadaan.

Napagpasyahan kong hindi sya pansinin ng makalapit ako sa kanya at hahakbang na sana ako ng magsalita sya.

"Anong ginagawa mo sa lugar na yun?" may awtiridad nyang tanong kaya humarap ako sa kanya

"Excuse me?" humakbang sya palapit sa akin

"Ang sabi ko bakit ka umalis ng Mendiola?" diin nyang sabi

'Sino ba sya sa akala nya?'

"Pano mo nalaman?" takang tanong ko

"Wag mo kong baliktarin Akane" hinablot nya ang isa kong braso at sinandal ako sa puno

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko sa pagmumukha nya

Nilapit nya ang mukha nya sa taynga ko at bumulong.

"Sinabi sa akin ni Jhon ang nakita nya kagabi"

'Kaya pala familiar sa akin yung lalaki kagabi, sya pala yung kausap ni Zen ng makita nila akong nakikinig sa kanila noong isang gabi'

"Base sa nabasa ko sa iniisip mo tama ang sinabi sa akin ni Jhon "

Tiningnan ko lang sya ng masama"Ano ngayon?"

Mas hinigpitan nya pa ang pagkahawak sa waist ko kaya nakaramdam ako ng takot dahil tumayo ang maliliit kong buhok sa likod.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa ko sa kanila?simple lang naman sinunog ko ang mga kaluluwa nila" ngumiti sya ng nakakaluko sa kanyang mga sinasabi.Ako naman di makapaniwala sa narinig.'Anong klaseng halimaw ba tong nakaharap ko'

Alam kong alam nya ang iniisip ko dahil nawala ang ngiti nya at biglang sumeryuso ang mukha.

Hinawakan nya ako sa pisngi tapos ang isang kamay nakahawak parin sa waist ko.Napakalapit ng mukha nya sa mukha ko kaya nakaramdam ako ng awkwardness.Tinititigan nya ako sa loob ng tatlong segundo saka nagsalita.

"Yun ang mga nangyayari sa mga nilalang na humaharang sa dinadaanan ko"

'Tama ang sinabi sa akin ni Aika sa nilalang na to'

Muli syang nagsalita."At para naman sa tulad mo" mas lalo akong napipi sa sinabi nya at naramdaman kong parang nanlamig ang buo kong katawan.Tinititigan ko lang sya dahil walang lumalabas sa bibig ko.Sinandal nya ang noo nya sa noo ko at bigla ba naman akong halikan!!!!!!!!!!!at ang mas masama pa don naramdaman kong lumabas ang mga pangil nya.Naglakas loob akong itulak sya subalit bigo ako dahil napakalakas nya.Kumawala sya sa halik at bigla na lang bumaba sa leeg ko ang bibig nya.Napapikit na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa sa tulad nya pero ang hindi ko inaasahan mabilis syang nakalayo sa akin.Tinititigan nya ako saka....umalis?

Naiwan akong pinoprocess kung ano ang nangyari at ng bumalik ako sa katinuan bigla na lang akong sumigaw.

"Sira ulo ka!!!!!!!!!!!!!!!!!" di ko na napigilan dahil sa takot na naramdaman ko kaya bigla na lang akong napaiyak.


>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon