Chapter 1

361 22 19
                                    

Way back 1997...

Maingay na maingay ang buong school dahil School Fest na, maraming booth at mga estudyante ang nagkalat sa gilid-gilid.

Kaya naman maraming mag-jowang nakapila sa marriage booth. Mga babaeng single, taken, malalandi pati mga bakla naman ang di magkandamayaw sa pagpila sa kissing booth. Samantalang sa jail booth naman nandoon ang mga loner at ayaw maki-join sa school fest.

"Oy! Oy! Ito, ito paki-salang ito mamaya sa pageant, mamaya pagdating nung contestant number 5 ha?"

"Sige, sige," sagot ni Jeremy na siyang naatasang maging technical operator para sa event.

"Jeremy! Ito, sabi ni Sir i-play mo daw kapag mag-speech na siya sa harapan."

"Okay."

"Thank you! Thank you!"

Di na malaman ni Jeremy ang uunahin sa dami ng inassign na patutugtugin, kaya naman inorganize niya na lahat para dire-diretcho na lang.

"Kuya! Kuya! Pa-request naman ng isang kanta para sa'min ng bf ko!" May sumulpot biglang babaeng mahihiya ka talaga sa kapal ng lipstick, bukod dun parang labandera dahil sa pagkakapusod ng buhok na akala mo naging pugad ng ibon.

"Hindi po puwede Ate, kasi baka wala rito sa playlist namin yung kanta,"

"Ano ba 'yan! Ayaw mo lang ata eh! Sige na Kuya ang pogi pogi mo naman eh! Sige na! Kanta ng April Boys, tiyak meron ka diyan!"

"Titignan ko... Uh, wala eh,"

"Oh my good! Kuya! Imposible!"

"Eh wala nga Ate eh!"

"Meron 'yan tiyak hanapin mo!"

"Ate, bawal mag-request okay? Di po ito request booth!" Nakulitan na si Jeremy.

"Eh sige na nga kasi! Kulit ng nanay mo Kuya!"

"Bhe anong meron ha?" Dumating naman ang syota nitong si lipstick at umakbay agad, naka-bonnet ito at maluwag ang uniform, Universal Motion Dancers ang pormahan, nakakahiya naman kay Wowee De Guzman.

"Eh ito kasing si Kuya nagrerequest lang ako ayaw ako pagbigyan bhe, theme song sana natin ang ipe-play." Paliwanag ni lipstick.

"Pre, ano ka ba naman, parang iyon lang, sige na, kung ayaw mo eh, magkita tayo sa labas mamaya." Pag-aangas kaagad nung lalaki, tumayo si Jeremy sa kinauupuan niya at nangalahati sa height niya yung lalaki, napuno na talaga siya at lumabas ng booth at tumayo sa harapan nila.

"Una, hindi ito request booth, pangalawa itong syota mo ang nangha-harass." Paliwanag ni Jeremy. "Atsaka sinong aabangan mo sa labas mamaya ha?! At ikaw! Gusto mo bang 'yang nguso mo ang biglang lumiko ha?!" Inis na sabi ni Jeremy, nangatog ang mag-jowa at matahimik na umalis, at si Jeremy naupo na ulit sa puwesto niya at tinuloy ang trabaho.

Sumasakit na ang ulo niya sa sobrang ingay at gulo ng paligid kaya naman sumandal na muna siya at pumikit.

Maya-maya pa nagsimula na ang pageant, kani-kaniyang music ang bawat contestant para sa kanilang talent portion kaya si Jeremy di maalis ang tingin sa list na ginawa niya para sa pagkakasunod-sunod ng mga kanta.

"Woo! Beverly! Ang sexy mo akin ka na lang!" sigaw ng isa mula sa audience, natahimik ang lahat kaya sinamaan ito ng tingin at nalusaw sa kahihiyan. Pero nagpatuloy ang pageant.

"Let's have a round of applause for our next contestant!" Sabaw na sabaw ang utak ni Jeremy sa boredom kaya di siya naka-focus sa harapan, poise na poise na tumayo si Cheska sa harapan ng mic at ngumiti sa audience, kaya naman natahimik at natulala ang lahat sa simpleng kagandahan niya.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon