Chapter 11

41 6 4
                                    

Matapos pa ang ilang mga araw, naging maayos naman ang takbo ng lahat, ang kaso nga lang, walang natatanggap na tawag si Jeremy mula kay Reese Ng Buhay niya, kaya naman natuon ulit ang atensiyon niya sa trabaho.

Pumasok si Tito Jim sa kuwarto niya at naabutan siyang nagtatrabaho, gumagawa ng panibagong design para sa isang cliente...

"'Nak,"

"Pa, kayo ho pala." Napatigil siya sa ginuguhit at inalis ang suot niyang salamin at hinarap ang Papa niya.

"Sige, maupo ka na lang diyan... may sasabihin lang sana ako,"

"Sige ho, ano po?"

"S-Si, si kuwan, 'yung inaanak ko, si Joan, kilala mo?"

"Hmm, naaalala ko siya, opo,"

"Hindi ba, mas bata sa'yo ng ilang taon?"

"Yata, mga, four years siguro ang tanda ko, bakit po?"

"Eh, ikakasal na kasi siya this week,"

"Aah, ikakasal na pala siya, paki-sabi na lang ho, congrats, hindi kasi kami gaanong close," sagot ni Jeremy.

"S-Sige, makakarating," sabi naman ni Tito Jim na para bang hindi masyadong kumbinsido sa sagot ng anak.

"Uhm, Papa, may sasabihin pa po ba kayo?"

"Wala, 'yun lang, atsaka imbitado tayo, kung libre ka sa darating na huwebes, ipapahanda ko na 'yung isusuot mo,"

"Pa, hindi na po ninyo kailangang ihanda ang isusuot ko, isa pa bisita lang naman ho tayo, di naman ako 'yung ikakasal. Huwag kayong mag-alala, ako na pong bahala sa sarili ko," sagot ni Jeremy at ibinalik ang sarili sa pagda-drafting niya.

"'Yon!" biglang sabi ni Tito Jim kaya nagulat ng husto si Jeremy at naguhitan ng mali ang papel.

"Ano?! Pa, Pa naman, huwag ho kayong manggugulat,"

"Pasensiya na,"

"Papa, ano ba talaga?" tanong ni Jeremy na natatawa-tawa.

"Eh, di ka man lang ba... kuwan, di ka man lang ba nalulungkot?"

"Nalulungkot? Bakit? Ikakasal si Joan siyempre masaya ako para sa kaniya,"

"Di ka man lang ba naiinggit kahit konti? Di ka ba napapaisip na, lumilipas ang panahon na puro na lang kasal ng mga inaanak at mga pamangkin ko ang pinupuntahan namin ng Mama mo?"

"Bakit po, may mali ba dun? Malas daw sabi ng Feng Shui?"

"Hindi, hindi ganun anak. Gusto ko sana, sa susunod, sa kasal mo na kami dadalo ng Mama mo... alam mo kasi, naiinip na kami para sa'yo, wala ka rin naman kasing babaeng hinaharap saamin kaya, medyo nakakalungkot, naiinggit ako sa mga kumpare ko. Pero, hindi naman kasi kita pupuwedeng madaliin." Pagpapaliwanag ni Tito Jim na talaga namang akala mo nasa soap opera siya, at talagang full of emotions pa.

"Kaya kung puwede sana Jere..." Natulala na lang siya at natigil sa pagsasalita nang makitang hindi pala nakikinig si Jeremy at nakatutok sa cellphone nito.

Wagas na wagas ang smile ni Jeremy at kagat-kagat pa niya ang isa sa mga lapis niya sa sobrang tuwa, gumegewang-gewang pa siya sa office chair na kinauupuan niya at di nagtagal tinulak niya ng mga paa niya paatras kaya nakatawid siya hanggang sa kabilang dulo ng kuwarto niya. Napa-iling na lang ang Papa niya habang nakatingin sa kaniya, pero di kalaunan, nangiti rin dahil mukhang nangdahil sa babae kaya nakangiti ng ganun si Jeremy na halos unang beses niyang makita magmula pa nung kabataan nito na si Cheska pa ang kinababaliwan.

"Ahaha! Yes! Yeeesss! Nag-text na siyaaa!" sambit niya ng pabulong at nagpipigil ng sigaw.

"Sino 'yan ha?" tanong ni Tito Jim.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon