“Wow, may attic pala kayo? Ang ganda talaga ng bahay niyo,” sabi ni Jeremy nang dalhin siya sa attic ni Lily.
“Actually dito talaga ang kuwarto ko,”
“Talaga? Ang ganda naman ng interior design, atsaka de-aircon pa? Ang ganda naman dito!”
“Salamat!” sagot ni Lily.
“Teka... 'yung, 'yung mga...”
“Pictures mo? Pictures natin? Oo nandito lahat, nakadikit pa rin sa pader, di na'ko nahihiya palibhasa alam mo na naman,”
“Nakakailang pa rin,”
“'Wag ka nang mailang, isipin mo ginawa ko 'yan kasi bestfriends tayo,” sabi ni Lily at pinagpagan ng higaan niya, at pagkatapos nagbukas ng aircon, si Jeremy naman nilibot ng tingin ang buong kuwarto ni Lily at nagkalikot ng mga naka-display.
“Ang cute naman nito,” sabi ni Jeremy at hinawakan ang isang Teddy Bear.
“Sing-cute nung nagbigay,” sagot ni Lily kaya't bumungisngis si Jeremy at kinuha si Jely, 'yung teddy bear na bigay niya kay Lily na tinuturing ni Lily na anak-anakan nila kunwari.
“Parang bagong-bago pa rin siya, ingat na ingat mo ah!”
“Kung alam mo lang na ilang bugbog ang inabot niyan kapagka umiiyak ako atsaka nababadtrip sa'yo,” sabi ni Lily sa isipan niya.
“Siguro ang sarap ng tulog mo dito 'no? Ang ganda eh!”
“Gandang-ganda ka naman sa kuwarto ko, eh sinlaki lang ng bathroom mo 'to,”
“Aba... s-sabagay, pero ang ganda talaga eh, atsaka mukhang tahimik lagi tapos parang mas masarap magtrabaho dito. 'Yung attic kaya namin? Ipa-ayos ko, dun na lang ako!”
“Sira ka talaga, para kang bata. O? Magkakalikot ka lang talaga diyan? Sige lang,”
“Ito! Photo album 'to di ba?” sabi ni Jeremy at kinuha ang album tangay-tangay pati si Jely atsaka sumampang bigla sa kama ni Lily at tumabi kaya't medyo napatalbog si Lily.
“Tignan mo kung gusto mo,” sagot ni Lily at pasimpleng umusod para madikit siya kay Jeremy na nakayakap sa teddy bear at binuklat na ang photo album.
Pinanood lang ni Lily si Jeremy habang isa-isang tinitignan ang mga litrato sa album, pangiti-ngiti si Jeremy sa mga nakikita niya at mukhang nag-eenjoy siya kaya't lalo naman si Lily na nakatitig ng malapitan sa mukha ni Jeremy.
“Paminsan-minsan talaga, kung umakto ka... para kang maliit na batang kapitbahay na biglang papasok ng bahay tapos magkakalikot hanggang sa makasira ng gamit, pero makikikain muna tapos makikitulog pa,” sabi ni Lily sa mahina niyang boses.
“Pasensiya na, kilala mo naman ako. Uy? Ikaw 'tong baby?!”
“Oo, ako 'yan,”
“Ilang taon ka dito?”
“Ten months ata, mag-iisang taon na rin,”
“Talaga?!” tanong ni Jeremy at ngiting-ngiti na lumingon kay Lily.
“O bakit?”
“Ang cute, ang kyot-kyot mo pala dati, taba-taba pisngi na baby! Hihihi! Gusto ko pisain!” sabi ni Jeremy na parang timang at tuwang-tuwa.
“'Wag mo nga akong bolahin, tukmol ka,”
“Cute!” sabi ulit ni Jeremy at ngiting-ngiti na nakatingin pa rin sa picture, totoong natutuwa si Jeremy dahil mahilig siya sa maliliit na bata at pasensiyoso siya kapag may naaalagaan.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?