“O? Tahimik ah?” sabi ni Tito Jim habang naghahapunan sila. “kaninang tanghalian pa kayo tahimik, anyare ba?”
“Wala po Papa,” sagot ni Jeremy at tulala, samantalang si Reese tahimik lang na kumakain.
“Wala? Buti naman, by the way Jeremy I want you to make a floor plan para sa bagong branch ng ninang Lumen mo,”
“Huh?”
“Floor plan, designs. Gusto niyang ikaw ulit ang gumawa gaya ng mga nauna,” sagot ni Tito Jim. “talaga nga naman, inuulan ka ng projects,”
“Jeremy?” sambit ni Tita Rose na napansing tulala lang ito at wala sa sarili. “Are you even listening to your father?”
“Whaa?”
“Haay, bukas na nga lang ako magpapaliwanag mukhang di mo 'ko pinakikinggan,”
“Uhm Papa, ano, o-okay! Okay!” sabi ni Jeremy na mukhang bumalik na ang diwa.
“Okay? O sige I'll set up the date kung kailan ka libre, para makapag-usap kayo,”
“Opo,”
“Anyway hija ang sarap mo palang magluto,” sabi ni Tita Rose at ngumiti si Reese ng matamis, na hiling ni Jeremy para sa kaniya na lang.
“Kaya nga eh, Baby!” tawag ni Tito Jim.
“Yes Sir?” Dumating kaagad si Ate Baby sa kusina na nanggaling sa kuwarto niya.
“Kumain na kayo pagkatapos namin, tawagin mo sina Maria at Robert,”
“Opo,”
“Naku Baby paborito mo pa naman 'tong niluto ni Reese kaya 'wag kang pahuli dun sa dalawa kapag kumain ah?” sabi naman ni Tita Rose at napangiti lalo si Ate Baby.
“Sige po Sir salamat!”
Matapos ang kainan ng pamilya sumugod naman sa kusina sina Robert para kumain na, at si Reese ipinagtimpla pa sila ng juice at nakipag-usap sa mga ito habang kumakain, naging medyo maingay at puno ng tawanan ang hapunan ng mga kasambahay dahil sa pakikipagkuwentuhan ni Reese sa kanila.
“Napaka-humble naman ni Ma'am,” sambit ni Robert.
“Kaya nga eh, di ko naman akalaing papansinin tayo,” saad naman ni Maria.
“Grabe kayo, di naman ako snob eh,”
“Talaga naman, by the way Ma'am pansin ko walang fans na aali-aligid sa labas ng bahay,” sabi ni Ate Baby.
“Siyempre naman Ate Baby ano? Sobrang private kaya nila ni Sir kaya iniisip ng fans na sila ni Harvey, kaya walang maghihinalang nandito si Ma'am Reese at walang mag-iisip,” sagot ni Robert.
“Sabagay nga naman tama si Robert, atsaka Ma'am Reese ang sarap-sarap mo naman pala talagang magluto, walang biro!”
“Salamat sa inyo guys! Nakakatuwa na nagustuhan ninyo,”
“Matchmade talaga silang dalawa ni Sir, parehong magaling magluto!”
“Tama ka diyan Ate Baby!”
“Pareho pang napaka-down to earth,”
“Naku grabe kayo,” sabi ni Reese.
“Uh, ahem!” Pumasok ng kusina si Jeremy at ngumiti sa kanila pero si Reese pasimpleng umirap. “Dinig ko, parang ang saya ng kuwentuhan niyo ano bang topic? Sali ako!” sabi niya at naupo rin.
“'Yun oh nakisali rin si Sir,” sabi ni Maria, kilig na kilig ang tatlo kina Jeremy pero hindi naman nagkikibuan ang dalawa kaya't medyo nagtaka sila.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?