Sa opisina ni Jeremy isang araw...
"That's not true, hindi buntis si Reese," sabi ni Pj habang pinapanood siya ni Jeremy sa T.V. "Hindi siya 'yung nasa litrato, she's on a vacation somewhere kasama ang driver niya, yes, yes, siya pa din ang driver. Uhuh, yeah, medyo napapraning ba ang fans para magpakalat ng ganito? They should not implement issues like this, kawawa naman sila ni Harvey. Come on, nasa bakasyon sila! They need rest,"
"Kung ganoon humihingi ng proof ang fans!" sabi ng interviewer.
"Proof? 'Yun lang pala, here," sabi ni Pj at pinakita ang cellphone niya sa camera habang nagpe-play ang video ni Reese mula noong di pa siya buntis, isang private video mula kay Jeremy para lang manahimik ang media. Video 'yon ni Reese mula sa Honeymoon nila ni Jeremy sa Bali Indonesia. "See? Mukha ba siyang buntis? This is her latest video, I even bothered her to send me this video, so please let her be in a peaceful vacation,"
"Ohh," sabi ng interviewers at napangiti si Jeremy saka pinatay ang T.V. saka siya tumawag kay Pj.
"Pj hindi ba live 'yung interview?" tanong niya.
"Kanina pa 'yon Fafa Jeh,"
"Thank you Pj!"
"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo,"
"Kahit sa cellphone mo lang pinakita 'yung video ang ganda-ganda pa rin ni Reese," sabi niya at humagikgik. "ang liit na tignan sa T.V. pero, highly attractive! Sino bang di magagandahan sa misis ko habang nagrerelax sa pool?"
"Oo na. Masyado kang inlove sa kaniya,"
"Siyempre!"
"Uh, Jeremy, puwede ba tayong magkita?"
"Hmmm sige pero kailan? May meeting kasi ako sa mga susunod na araw,"
"Kahit mamaya nasa malapit lang ako, sa coffee shop sa malapit,"
"Parang importante naman 'yan, o sige, salamat ulit! Baka nakakaabala ako, bye!"
"Bye," sabi naman ni Pj.
Kinahapunan, mga bandang 5:00 lumabas si Jeremy ng opisina para makipagkita kay Pj, pumasok siya sa cafe at nakita ito kaya't nilapitan niya.
"Kuya," bati ni Lans na kasama ni Pj.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Jeremy at nagulat.
"Take a sit," sabi ni Pj at kinabahan naman si Jeremy dahil iba ang nasa isip niya.
"Bakit mo naman akong gustong makita?" tanong niya kay Pj at si Lans umiinom lang ng tubig para mawala ang nerbyos.
"Ganito kasi 'yan Jeremy... uhm... bago ko sabihin ang totoo ipangako mong..."
"K-Kayo na ba? Bakla ka Lans?!" tanong ni Jeremy at nanlalaki ang mga mata, at si Pj hindi matuloy-tuloy ang sasabihin.
"Kuya hindi, hindi kami ni Kuya Pj," sagot naman nito at nahiya.
"Hay! Akala ko pa naman... ninerbyos ako pero sinabi ko na kasi di ko kaya. Tsk, sa pamilya kasi namin walang miyembro ng lgbt, hoo!" sabi niya at inayos ang necktie niya.
"Matapos nitong sasabihin namin sa'yo Jeremy hindi naman malayo na hindi ka magalit saamin... pero alam mo, handa akong tanggapin ang galit mo Jeremy," sabi ni Pj. "Kasi kaibigan kita, bestfriend ang turing ko sa'yo, sa sobrang bait mong tao,"
"Ayy, si Pj talaga. Eh, ano ba kasi 'yan? Alam mo naman ako hindi ako magagalitin," sabi niya at di kumibo ang dalawa, hanggang sa siniko na ni Pj si Lans.
"A-Ahem! Uhm, kuya, sa kaso mo... kailangan mo ng treatment para magkaroon ka ng anak o makabuo ka ng anak, nakahanap na ako ng solusyon," sabi niya. "Pasensiya na kung di ko pa nasabi nung nakaraan pero marami kasing factors na makakaapekto diyan... uhh... kasi, kita mo? Resident doctor ako at wala pang 10 years kaya..."
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?