Chapter 36

15 0 0
                                    

“Ano naman bang sadiya mo rito?” tanong ni Tito Joey at uminom ng coke.

“B-Bibisita lang ho,” sagot ni Jeremy.

“Bakit mo naman bibisitahin kami?”

“Uhh, k-kasi ho, kasi... may mga pasalubong ho ako sa inyo, kukunin ko lang ho,” palusot ni Jeremy na walang maisagot at dali-daling lumabas at kinuha ang mga kahon ng sabay-sabay, pagpasok niya nagulat si Tito Joey at inalalayan naman ni Lily si Jeremy sa pagbubuhat.

“Ano 'yan?” tanong nito at napatayo sa kinauupuan.

“Pasalubong po, sana magustuhan niyo,” sabi ni Jeremy.

Makalipas ang ilang oras...

“Uy ang ganda naman ng lugar niyo rito, mukhang tahimik sa subdivision na 'to,” sabi ni Jeremy habang naglalakad sila ni Lily papuntang labasan.

“Maganda nga rito tama ka,”

“Natakot naman ako sa Papa mo,” sabi ni Jeremy at niyakap ang bitbit niyang bayong dahil mamimili sila sa kalapit na talipapa ng hapunan.

“Pasensiya na,” tugon ni Lily.

“Ayos lang, naiintindihan ko atsaka dapat lang magalit siya sa kapal ng mukha kong 'to,”

“Problema naman natin 'yon, di ko lang naman naiwasang magsumbong sa kaniya noon, siguro nagalit lang siya kanina kasi natural anak niya 'kong babae,”

“Kung may magagawa lang sana ako,”

“Meron naman... 'wag mong pakasalan si Reese,”

“A-Ano?”

“Kung ako ang masusunod iuutos kong sana... tayo na lang, kaso di pupuwede at hanggang bestfriends lang. Tanggap ko na naman at gaya ng sabi ko dapat makuntento ako dun,”

“Lillianne,”

“Siguro gaya lang 'to ng mga napapanood ko sa T.V., maiinlove sa bestfriend tapos sa huli may darating na mas better, 'pag kasal ka na lilipas naman siguro 'to... matanong ko nga, nagkagusto ka rin ba sa'kin kahit konti?”

“H-Ha?”

“Sige na, sagutin mo na tutal tayong dalawa lang naman,”

“Pero, baka, baka naman mamaya niyan,”

“Ayos lang, gusto ko malaman 'yung totoo,”

“Sigurado ka?”

“Oo,”

“Sige... aaminin ko, oo,” sagot ni Jeremy kaya't namula si Lily at bahagyang ngumiti.

“Di nga?”

“Dati pa gustong-gusto na kita, kaso di ko lang maamin sa sarili ko dahil sa kaiisip ko kay Cheska— kay Reese,”

“Ayos lang, ibig sabihin lang no'n siya talaga ang para sa'yo sa tagal mo ba naman siyang hinintay, at sa tagal mong nagpaka-binata sa paniniwala mong di ka na makakahanap ng tulad niya. Sabagay, siguro dahil nga siya ang pasadong-pasado sa standards mo, kahit walang kasiguraduhang babalik siya noon naghintay ka pa rin di ba?”

“Oo kasi iyon ang gusto ko, siya lang,”

“Eh ako? Kung nagkagusto ka sa'kin bakit di ko naramdaman?”

“Torpe ako alam mo,”

“Ay, oo nga pala.” Medyo gumaan ang usapan nilang dalawa dahil sa nalaman ni Lily, kahit iyon lang naging masaya na siya kahit may malaking panghihinayang.

“Nagustuhan man kita naisip ko rin sa isang banda, hindi ako pupuwede sa'yo kasi kung tutuusin masyado akong malayo sa'yo, 'wag mong isipin dahil sa estado ng buhay ko kaya tayo magkalayo, ibig sabihin ko lang... I'm not worth it,”

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon