After so many years, sa isang family restaurant...
"Jeremy! Jeremy!"
"Ano?" sagot nito atsaka humarap.
Humarap na ang isang matangkad, di-gaanong makisig, mukhang malamya, nakasalamin, mukhang weirdo at sagana sa glutathione na lalaki na walang iba, kundi ang uhuging si Jeremy. Pero honestly, may itsura siya, at, singkit siya sa katunayan. Pang-commercial ng Chow King.
"Wala naman, may nakita lang kasi akong babae na kamukha ni Cheska, sikat na designer siya at kababalik lang dito." Balita naman ni Arston na, wala, ganun pa rin ang hitsura, pero mas guwapo siya kay Jeremy ng sampung paligo.
"Di ko naman kilala 'yan," sagot ni Jeremy habang naghuhugas pa din ng pinggan, dishwasher siya eh, pero all around siya, minsan waiter din, pero madalas delivery boy.
"Ang alien mo talaga! Di mo pa ba nakikita?! Sikat na sikat yun! Atsaka, kamukha siya ni Cheska!"
"Huwag mo nga mabanggit-banggit 'yang pangalang 'yan,"
"Aba bakit? Di ba siya ang ultimate dream girl mo? Ni-hindi ka nga nakapag-girlfiriend dahil sa kaniya!"
"Wala ka nang paki... di naman ako sinulatan nun ni-minsan, nagmukha akong tanga,"
"Sira, ikaw mismo gumawa sa sarili mong magmukhang tanga, wala naman kasing kayo eh! Ni-hindi ka nga type nun! Friends lang kayo!"
"Kahit na 'no?! Kahit sulat di tayo pinadalhan! Buti pa sina Tito Kirk laging nakakausap noon... pero, wala na rin silang contact pala saatin,"
"Sus, hayaan mo na, 'to naman, seventeen years na ang nakaraan di ka pa naka-move on? Ano ka? Grabe 'to,"
"Basta, ang punto ko lang naman... ayokong mag-asawa,"
"Ay, tanga, sinabi ko lang na bumalik yung kamukha ni Cheska napunta ka na sa drama mong magiging matandang binata ka na lang? Hoy, di ka pinalaki ni Tito Jim para gumaniyan, inip na inip na silang mag-asawa ka! Atsaka, kita mo naman, stable na tayo ngayon! Eto nga o! Dito ako nagtatrabaho sa restaurant niyo habang wala pa 'kong trabaho! Atsaka ikaw, nagtapos-tapos ka ng pag-aarchitect at architect ka na tapos ayaw mo mag-asawa?"
"Eh, ayoko,"
"Edi wow,"
"Jeremy, anak." Pumasok bigla si Tito Jim.
"Pa?"
"Kamusta naman ang pagbo-volunteer ninyo dito ha?"
"Maayos naman po Papa, atsaka, namomonitor namin yung takbo nito... atsaka, Pa, madami akong deliveries nitong buwan na 'to, magaganda ang feedback kasi masarap daw ang luto. I think we should open another branch,"
"Wow, buisnessman na buisnessman! Ang galing magsalita! Dumugo ilong ko dun sa huling mga sinabi mo!" sabi ni Arston.
"Manahimik ka Engineer Monteverde," sabi ni Jeremy dahil umandar na naman si Arston.
"Wow, magandang balita 'yan anak!... uhm, nagpunta ako rito para magpaalam sana, na lalabas kami ng Mama mo, atsaka kasama si Tito Eddy mo... mamimili lang kami ng mga bagong furnitures para sa bagong bahay kasi lumang-luma na yung mga gamit natin,"
"O, sige po, kami nang bahala rito ni Ogag,"
"Oo nga po Tito! Kaming bahala!"
"Mabuti! Sige, at ako'y mauuna na,"
"Ingat po!"
"Ingat Tito! Enjoy!" At umalis na si Tito Jim.
"O ano?"
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?