Chapter 50

18 2 0
                                    

Dumating na rin kaagad ang first press conference ng movie nina Reese, laking tuwa ni Jeremy na wala si Harvey kahit siya ang leading man kaya siya ang kasama ni Reese at nagbabantay sa isang gilid, sobrang daming tao sa event hall at ang dami ring pinagbigyan ni Reese na bigyan ng autograph, bilang proud husband siyempre kahit di alam ng lahat bihis na bihis siya kaya pag pinagtabi sila ni Reese mukha siyang second lead.

Kalahating oras pa lang ang tinatagal ng actual conference pansin na ni Jeremy na namumutla si Reese at mukhang nahihilo na, pero nananatili pa rin na nakangiti at nagpupumilit maging okay hanggang sa lumapit na si Jeremy kay Pj.

"PJ!" sabi niya.

"Yes Fafa Jeh?"

"Nahihilo na si Reese! Nanghihina na siya oh! Tama na!"

"Ay ang taray, alalang-alala? Pero sige, baka sakalin mo 'ko, kakausapin ko ngayon na since tapos na ang questions sa kaniya at magbibigay cue na ako," sabi ni Pj at sinundo na kaagad si Reese.

Inalalayan ni Jeremy si Reese habang pinagkakaguluhan ng mga tao hanggang sa makapasok na sila sa kotse at si Pj na ang bahalang sumagot sa media.

"Naku, naku, nahihilo ka ano?" tanong ni Jeremy at tumango lang si Reese at sumandal na sa kaniya.

"Nasusuka na ata ako," sabi ni Reese kaya binukas ni Jeremy ang bintana at nilawit ang ulo niya at nagkagulo ang press.

"PJ!"

"Yes?!" sagot nito at lumapit.

"Aalis na kami, nasusuka na si Reese," bulong ni Jeremy at tumango si Pj. Nagdrive siya ng mabilis at dinala si Reese sa pinakamalapit na coffee shop para makigamit ng C.R. at dun na nga si Reese nagsuka.

"Ano? Okay ka na?" tanong ni Jeremy paglabas nito ng C.R.

"Medyo, pero 'wag na muna tayong umuwi,"

"Hindi, uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo, ako nang bahalang kumausap sa kanila ha? Ang putla-putla mo pa," sabi ni Jeremy at pinunasan ang pawis ni Reese.

"Gusto ko matulog rito, ang lakas ng aircon amoy kape pa,"

"Ha?"

"Sige na, wala namang gaanong tao ngayon, matutulog ako sa dulo, cover me okay? Atsaka kainin mo na lang rin lahat ng gusto mo basta matutulog ako," sabi ni Reese at nagsuot ng mask at sumbrero at naghanap ng matutulugang puwesto.

Nakiusap naman si Jeremy sa staffs at pumayag naman ito nang umorder rin siya ng napakarami na para lang sa kaniya, masaya naman niyang tinitignan ang mga litrato ni Reese na siya naman mismo ang kumuha at pinapanood ito habang natutulog.

Isang araw...

"O-Oh my gosh, oh my, PJ," sambit ni Reese nang magpunta sa condo ni PJ at niyakap niya kaagad habang umiiyak.

"Bakit?"

"PJ tulungan mo 'ko! PJ hindi ko na alam ang gagawin ko!" saka ito humagulgol nang iyak.

"Bakit nga ba Reese?! Kumalma ka muna! Sabihin mo kung anong problema!"

"Si Jeremy!"

"Oh my... don't tell me alam niya na ang tungkol sa inyo ni Harvey?"

"Oo alam na niya! Pero hindi iyon ang dahilan,"

"Ano? Wait, kumalma ka girl, kakausapin kita mamaya pagka kumalma ka na!" sabi ni Pj at iniupo ito sa salas at binigyan ng tubig at maya-maya pa...

"Pj ang tanga-tanga ko, wala akong kuwentang babae," sabi ni Reese na halos wala nang boses na lumabas sa bibig niya. "sana, sana pala, di na ako nakilala ni Jeremy, kasi wala akong ginawa kundi saktan siya at maging pabigat,"

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon