Sa isang coffee shop...
“Bakit ka bumalik?” Seryosong tanong ni Arston.
“May anak ako, may pamilya kaya bakit hindi?” sagot ni George.
“Wala ka nang babalikan, sa'kin na si Bea at si Richard,”
“Nagbibiro ka ba?”
“Mukha ba 'kong nagbibiro?” sagot ni Arston at nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.
“Ako ang legal niyang asawa,”
“Pero patay ka na, di ba?” sagot ni Arston at humigop ng kaunting kape. “Matapos mong pagsawaan si Bea at malamang nabuntis na siya, pinalabas mong namatay ka para sumama sa babae mo... niloko mo siya at ang pamilya niya tapos ngayon babalik ka? Para ano?”
“Para kunin ang sa'kin, at saating dalawa ako pa rin naman ang pipiliin niya sa kabila ng lahat. Kaya kong magpaliwanag,”
“Ang kapal ng mukha mo!” Gigil na sabi ni Arston at napapalo sa mesa. “Hindi mo makukuha si Bea, lalong-lalo na si Richie! Hindi mo alam kung gaano katagal ka niyang pinagluksaan sa peke mong pagkamatay, at ngayong ikakasal na kami wala ka nang magagawa!”
“Wala? May kasunduan tayo noon Arston, sisirain ko na ang kasunduan dahil nagbago na ang isip ko, babalikan ko sila, sino ba sa'ting dalawa ang masisira kapag sinabi ko sa kaniyang may alam ka tungkol sa ginawa ko? Nagsinungaling ka sa kaniya,”
“Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan! Nalaman man niya noon pa, tiyak ko namang hinding-hindi ka na niya babalikan!” sagot ni Arston at nangisi naman si George sa isinagot niya.
“Sabihin nating di man niya 'ko balikan, mayroon naman akong karapatan kay Richie, sa anak ko,” sagot ni George kaya't di naka-imik si Arston at nanggigil na lang.
“Hindi, hindi ko ibibigay sa'yo si Richie!” sagot ni Arston atsaka padabog na tumayo at tumalikod na para umalis.
“I can do whatever I want, kaya kong paikutin ang korte, kaya kong ibahin ang mga nangyari at magkuwento ng panibago makuha lang anak ko,” sagot naman ni George kaya natigil si Arston.
“Ano?”
“Kaya kitang idemanda, kung di ka sasang-ayon magkita na lang tayo sa korte. Sa'yo na si Bea, akin na si Richie, pero tingin ko mas masaya kung sa'kin sila pareho,” sagot ni George, sa sobrang galit ni Arston di na niya mapigilang manginig, pero pinilit niya ang sariling kumalma tutal at nasa public place.
“Pero alam mo kung anong mas masaya George? Wala kang makukuha ni-isa sa pamilya ko,” tugon ni Arston na nakatalikod atsaka tuluyang umalis, at si George napangisi na lang.
“Kita na lang tayo sa korte,” bulong ni George.
Samantala...
“Naku ikaw talaga, di ba ang sabi ko 'wag mo na 'kong ihatid-sundo?” sambit ni Reese kay Jeremy habang nasa salas sila ng condo at magkahawak kamay pa.
“Pero driver mo pa rin ako, di ba?”
“Pero may trabaho ka di ba?”
“Ako nang bahala dun, basta driver mo ako at kung kailan mo ako kailangan parati akong nandito,”
“Jeremy naman,”
“Bakit? Ayaw mo bang kasama ako? Takot ka bang ma-balita? Di bale, kayang-kaya ko namang magtago,”
“Hindi iyon, nakokonsensiya lang ako kasi may work ka nga di ba?”
“Ikaw naman, pagbigyan mo na 'ko atsaka mas gugustuhin kong bantayan ka maghapon magdamag. Kaya kong isabay ang trabaho ko, magaling akong mag multi-task di ba?” sagot ni Jeremy, napangiti na lang si Reese at hinawi-hawi ang buhok ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?