Chapter 34

17 0 0
                                    

Maya-maya lang ay kinatok na ni Jeremy si William mula sa backdoor.

“Sino po sila?” tanong nito pagkabukas na pagkabukas pa lang pero nagkatitigan sila ni Jeremy.

“I'm Jeremy,”

“And? A-Ano pong kailangan?” tanong ni William, sa katunayan kinakabahan siya dahil kilala niya si Jeremy sa mukha dahil nga sa kilala ito sa social media, bukod dun sigurado siyang ito ang Jeremy na kinukuwento madalas sa kaniya ng Papa nila.

“Uhh, William tama ba? Gusto lang sana kitang kausapin,”

“Tungkol saan? H-Hindi nga kita kilala,”

“Uhm, kasi ano... ganito na lang sabihin na lang nating may paki-alam ako sa nangyayari sa pamilya ninyo, ipapakiusap ko sana na magpakita ka na sa mga magulang mo nang magka-ayos na kayo,”

“Sorry pero wala akong panahong makipag-usap sa mga di ko kilala, goodnight,” sabi niya at akmang isasara ang pinto pero pinigil ni Jeremy.

“Sandali! Alam kong wala ako sa lugar pero pakiusap!” sabi ni Jeremy habang pinipilit na huwag masarhan ng pinto.

“Tatawag ako ng pulis!”

“Makipag-usap ka na sa'kin, nandito ang Ate mo!”

“Si Ate?!”

“Oo, si Reese! Kasama ko siya!”

“At bakit ako maniniwala?! Isasara ko na 'to, maghanap ka ng ibang maloloko!” sagot ni William pero di niya maisara talaga ang pinto sa lakas ni Jeremy.

“William!” tawag ni Reese na sumunod na kaya't nahinto si William.

“A-A-Ate?” Mautal-utal niyang sabi at halatang natakot.

“Patuluyin mo kami.” Seryoso si Reese at walang nagawa si William kundi ang papasukin na sina Jeremy.

Nag-usap na ang magkapatid habang si Jeremy nag-iikot ikot sa studio at nagkakalkal ng equipments palibhasa at gustong-gusto niyang kumanta at irecord ang boses niyang parang ewan, di niya maiwasang magulat at mapailing sa tuwing sisigawan ni Reese si William at pauulanan ng sermon. Unang beses marinig at makita ni Jeremy na galit na galit ang Reese ng Buhay Niya at literal siyang natatakot at nag-aalala para rito, di kasi siya sanay na nagagalit ito at patampo-tampo lang naman kasi ito na ubod ng hinhin, at habang di pa tapos sa pagpapaulan ng sermon si Reese sa kapatid mimabuti ni Jeremy na dumistansiya muna.

Matapos ang isa't-kalahating oras...

“Bahala ka sa buhay mo! Basta ang gusto ko magpakita ka kina Papa at tigilan mong perahan kami para lang dito! At kapag nabalitaan kong nasa masamang impluwensiya ka, ako na mismo ang magpapadampot sa'yo!“ sigaw ni Reese sa kapatid na umpisa pa lang di na makaimik at nakayuko lang, nag-walk out si Reese kasabay ng pagpasok ni Jeremy.

“Uhh, excuse me,” sabi ni Jeremy na ubod ng hina kay William at tumuloy na, galing kasi siya sa isang convenience store at bumili ng makakain at pagkatapos sinundan si Reese na nasa salas at nakatalikod.

Base sa galaw ng katawan ni Reese humihikbi siya at umiiyak lang ng tahimik, hindi ready si Jeremy sa mga ganitong pagkakataon lalo't involve ang pamilya, balak niya sanang yakapin ito pero di niya magawa dahil baka sapakin siya nitong bigla o kaya tadiyakan. Kaya gaya ng mga napapanood niya magsasakita muna siya ng marahan bago ito i-approach nang tuluyan.

“R-Reese? B-Baby? Yeo-Yeobo? E-Eto oh, binili kita ng– OOOHHHMMMPPP!!!” Namilipit na lang si Jeremy nang sikmuraan siya ni Reese.

“Buwiset siya!” Gigil na sabi ni Reese at naupo sa sofa at dun nagpatuloy umiyak.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon