Chapter 29

29 0 0
                                    

“Papa Smurf,” sambit ni Reese habang magkahawak kamay silang naglalakad-lakad at tumitingin-tingin sa mga tindahan.

Pareho silang naka-sumbrero't shades para naman di kaagad makilala si Reese ng mga tao, na mukhang epektibo naman dahil sa dami ng tao di na sila gaanong napapansin.

“Hmm?”

“Ang guwapo mo,”

“Haay ayan ka na naman diyan! Haha!”

“Gusto ko ng ice cream,”

“Sure!” sagot naman ni Jeremy at naghanap sila ng mabibilhan. Umorder sila ng pagkalaki-laking banana split atsaka nila pinaghatiang dalawa.

“Pagkatapos nito, swimming na tayo?” tanong ni Reese.

“Sige ba!”

“Pero dun na lang tayo sa pool para tayong dalawa lang,”

“Mas gusto ko rin 'yan,” sagot naman ni Jeremy at ngumiti.

“After this punta naman tayong Baguio, sagot ko na,”

“Well... okay, okay pero kasi bago tayo pumunta dun, may ipapakita muna ako sa'yo rito,”

“At ano naman?” tanong ni Reese.

Pagkatapos lang ng tanghalian...

“W-What?! Paanong?! Seriously Jeremy?!” Gulat na gulat na sabi ni Reese at ngiting-ngiti.

“Why? You don't like it? This is ours now... alam kong mas malaki ang sa Papa mo pero, this is customized, and my baby's already three years old!” May pagmamalaking sabi ni Jeremy at hinimas ang sarili niyang yacht, binili niya 'yon para sa sarili pero madalang na madalang niyang magamit pero ngayong kasama na niya si Reese mukhang mapapadalas na.

“Paano mo napaabot dito?”

“Edi, pinadala ko hahaha! Isa pa hindi naman masama ang panahon, you see? Nakasulat sa gilid ay... Kokoy hihi!”

“Bilib na talaga ako sa mga pakulo mo,”

“So, shall we? I'll be the captain of this cruise of yours milady,” sabi ni Jeremy at nag-offer ng kamay niya na inabot naman ni Reese para alalayan siyang sumakay.

Pagsakay ng yate, inilibot na muna niya si Reese sa loob nito para ipakita kung anong mayroon, dinala niya siya sa kusina, sa bathroom at syempre sa bedroom kung saan may malaking kama na talagang komportableng-komportableng higaan.

“So let's sail!” Masayang sabi ni Jeremy at isinuot ang sumbrero ng kapitan ng barko atsaka na pinaandar ang yate niya, at si Reese enjoy na enjoy naman sa simoy ng hangin at sa view. Di nagtagal tumigil rin sila sa di kalayuan para doon mag-stay, sa bandang gitna halos kung saan tahimik at payapa.

“Ang saya di ba?” tanong ni Jeremy.

“Oo naman!” sagot ni Reese atsaka naupo si Jeremy sa tabi niya at tumanaw sa dagat.

“Alam mo, nung binili ko 'to parang wala lang... nainggit lang ako nun sa mga napapanood kong negosyante sa T.V., kaya naisip ko ganun rin naman ako kaya bibili rin ako, tapos narealize ko di ko rin pala maeenjoy kasi madalas mag-isa lang ako dahil sila Mama sanay na sa ganito. Pero ngayon, magagamit ko na 'to madalas kasi kasama na kita, di na 'ko malulungkot!”

“Ako rin, di na 'ko malulungkot kasi nandiyan ka na,” sabi ni Reese at nagngitian sila. “So captain, mas masarap siguro kung may snacks kaya ano bang mayroon sa kusina mo? Ipaghahanda kita,”

“Wow ang suwerte ko naman, isang Reese ang maghahanda ng pagkain ko? Heaven!”

“Ewan ko sa'yo,” sambit ni Reese na natatawa at pumasok na, sinundan naman din siya ni Jeremy.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon