Chapter 10

56 8 10
                                    

"Whoah! Whoah! Whoah! Oh my gosh! Oh my gosh!!!"

"AAAAHHH!!!"

Napasigaw na lang silang dalawa ni Lily nang biglang may truck bumusina ng malakas at sumulpot sa harapan nila, napaliko tuloy kaagad si Jeremy at napahinto sa gilid ng kalsada. Pareho silang halos sasabog na ang puso sa lakas ng kabog ng dibdib at parang nawalan na ng kaluluwa dahil muntik na silang madisgrasya.

"Whew! M-Mu-Muntik na! Muntikan na tayong masagasaan!" saad ni Jeremy at napayuko na lang sa manibela nang biglang...

*BEEEP!!!* Nadaganan niya ang busina kaya napaupo ulit siya ng tuwid sa sobrang gulat at nauntog pa.

"Grabe, haay, muntik na, praise the lord!" bulong pa niya habang nakapikit at hawak ng magkabilang palad niya ang mga pisngi niya atsaka siya naglamukos ng mukha.

"Oo nga," sabi naman ni Lily, napatingin sa kaniya si Jeremy ng may seryosong mukha.

"Haay, tsk tsk." Umiling-iling siya at halatang dismayado sa nangyari kaya naman napayuko si Lily at umiwas ng tingin. "Ikaw kasi, dami mo pang arte eh! Muntik na tayong mamatay!" sabi pa ni Jeremy at halos pasigaw na.

"P-Pasensiya na." Pilit na humingi ng tawad si Lily kahit na sa katunayan, ayaw lumabas ng boses niya dala ng pagkagulat, hiya at takot kay Jeremy na unang beses niyang makitang magalit sa loob ng halos limang taon niyang pagtatrabaho sa restaurant nito.

Hindi na lang umimik pa si Jeremy at nagpatuloy na sa pagdadrive papauwi, minabuti na lang rin ni Lily na manahimik at baka lalo pang mainis si Jeremy. Pagdating na pagdating sa tapat ng gate ng bahay nina Lily, napa-buntung hininga lang si Jeremy habang si Lily naman papalabas na.

"U-Uhm, J-Jay, naka-lock pa 'yung pinto," sabi niya dahil hindi niya ito mabuksan.

"Sige na... sabihin mo na 'yung sasabihin mo." Seryosong sabi ni Jeremy habang deretcho lang ang tingin sa harapan.

"P-Pero kasi, ano eh... Jay, h-hindi naman talaga ganun kaimportante,"

"Hindi naman pala eh, da't di mo na lang sinimulang sabihin,"

"Jay kung nagagalit ka, nangdahil sa kanina, p-pasensiya ka na talaga saakin, hindi ko naman kasi akalaing dahil sa sasabihin ko, m-muntik pa tayong madisgrasya. Pangako, hindi na ulit ako manggugulo kapagka, kapagka iaangkas mo ako, o kaya naman, huwag mo na lang akong isama sa kahit saan."

Hindi na lang umimik si Jeremy at natahimik na naman silang dalawa ng ilang saglit, walang magawa si Lily kundi yakapin na lang 'yung bag niya, hindi niya rin kasi alam kung anong sasabihin, hanggang sa...

"Jay gusto ko sanang malaman mo na..."

"Okay, okay I'm sorry, pasensiya na kung nasungitan kita at napagtaasan ng boses, pasensiya na talaga... nadala lang ng pagod, alam mo kasi kauuwi ko lang galing Tagaytay, nabigla lang rin naman ako kasi di basta-bastang bagay 'yung kamuntikan nang mahagilap ng ten-wheeler." Biglang sabi ni Jeremy kaya hindi na naman natuloy ang sasabihin ni Lily. "I'm sorry Lily, alam ko nagulat ka, ako man, hindi ko akalaing magagalit ako ng ganun sa'yo ng biglaan kahit pa may kasalanan rin naman ako, bilang driver responsable akong mag-focus sa daan pero hindi ko nagawa kaya, kasalanan ko rin naman. Lily sana maintindihan mo ako," dagdag pa niya.

"Sorry din, kung di dahil sa kabagalan ko sa pagsasalita, hindi mangyayari 'yun,"

"Ayos lang... okay lang, naiintindihan ko naman na mahirap 'yang i-open, ako man siguro kung nasa kalagayan mo, hindi ko rin siguro masasabi ng deretchahan kaagad 'yan. Basta, kapag may gusto kang ilabas o sabihin, puntahan o tawagan mo lang ako okay? Kaya sa susunod, kapag may hinanakit ka o ano pa man gaya niyan, huwag mo akong kalimutan ah? At sosolusyonan natin 'yan," sabi pa ni Jeremy kasabay ng mga ngiti niya.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon