At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng mga kabataan, ang Prom night, hinatid sina Arston at Jeremy ng mga magulang nila at sandamakmak na picture taking na muna ang naganap bago sila tuluyang makaalis. Todo-porma si Ogag sa tuxedo niya at akala mo siya ang pinaka-pogi sa lahat dahil sa lakad pa lang niya mahihiya ang mga rumarampa sa red carpet. Hinanap niya na kaagad si Cheska para sama-sama na sila sa iisang table, at nang makita niya, agad niya nang tinabihan.
"Wow Cheska! Ang ganda-ganda mo naman! Grabe!"
"Grabe ka! Hindi naman no?! Maupo ka na nga dito!"
"Hoo! Andaming tao, marami ring magaganda! Teka, mamimili lang ako ng mga isasayaw ko, ayun! Yung si Anne, sunod si... Angelica, Candice, Cindy tapos si Lily!"
"Wow ha?! Ang talas talaga ng mga mata mo sa magaganda, puro muse ng bawat section yung mga yun ah? Eh ako? Isasayaw mo?"
"Sorry Cheska ha? Alam ko maganda ka pero, hindi kita isasayaw... kasi, reserved ka na eh!"
"Reserved?! Kanino?"
"Basta malalaman mo mamaya,"
"Teka, nasaan si Jeremy?"
"Ha?! W-Wala pala?! Akala ko katabi na natin di lang nagsasalita! Hala, nasaan na yun?!"
"Baliw ka talaga! Saan mo ba iniwan?!"
"Di bale, nandiyan lang yun, susunod yun mamaya!"
"Hanapin mo na kaya, first prom niya 'to! Atsaka, gusto ko, siya ang kapartner ko mamaya,"
"Wow! Nagka-developan na agad kayo?!"
"Baliw hindi! Sabi ni Papa yun na siya ang partner ko dapat! Atsaka ano ba paki mo? Gusto ko siya eh!"
"Gusto mo siya?!" sabi ni Arston na may mapang-inis na ngiti.
"Kapartner okay?!"
"Okay! Hintayin mo 'ko, saglit lang hahanapin ko na!"
Umalis na si Arston at nilibot ang buong venue para hanapin si Jeremy, medyo nahihirapan pa siya dahil masquerade pa anc theme ng prom nila, basta't ang palatandaan niya kay Jeremy, siya lang ang naka-puting tuxedo, pero naduduling pa rin siya sa kakahanap dahil nga sa iba't-iba pa ang kulay ng mga ilaw, bukod dun nagkalat ang mga iba pang estudyante na andiyang may kumakain, sumasayaw at nagdadaldalan, nagkalat din sa gilid ang mga magjowa.
"Nasa'n na ba yun? Jeremy, nasaan ka na... kasunod ko lang kanina yun eh... WAAA!" Bumubulong-bulong pa si Arston habang naglalakad pero napasigaw nang may bumatak sa kaniya bigla mula sa kung saan, at agad ding tinakpan ang bibig niya.
Nagpupumiglas siya ng husto pero di siya makawala dahil maraming humahawak sa kaniya, bukod dun, piniringan siya at pati bibig niya tinakpan, naramdaman niya na lang nakinaladkad na siya papunta sa kung saan, pero maya-maya lang, inalisan na din siya ng piring, nakita niyang nasa madilim silang lugar at di niya maaninag ang mukha ng mga nagdala sa kanila dun.
"JWERWEMY!!!" Gulat niyang sabi nang makitang katabi na niya si Jeremy at walang malay, di siya makasalita ng maayos dahil nga may tali din siya sa bibig.
"Dito kayo nararapat," sabi nung isa sa mga dumukot sa kanila, sunod nun na nagtawanan ang mga ito atsaka sila iniwanan at ikinulong, alam ni Arston kung nasaan sila kaya halos maihi na siya sa takot.
Alam niyang nasa lumang music room sila na tambakan na lang at nasa pinaka-dulo na ng school, kaya imposibleng makita sila, bukod dun, may chismis rin na may multo dun kaya kahit nakatali pati paa't kamay ni Arston pinilit niyang sumiksik kay Jeremy dahil natatakot siya.
"Jwerwemy! Jwerwemy! Jwerwemy! Gwishing! Jwerwemy!" sabi ni Arston habang ginigitgit si Jeremy para magising, kaya maya-maya lang nagising ito, nandilat ng husto ang mga mata ni Jeremy at halatang takot na takot. Naaaninag ni Arston ang mukha ni Jeremy dahil sa sinag ng buwan na tumatama papasok sa bintana, pawis na pawis na si Jeremy at malakas ang kabog ng dibdib.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?