Kinabukasan...
*TOK! TOK! TOK!*
"Bukas 'yan," sagot ni Jeremy na nahimasmasan na at nagdo-drawing drawing lang sa desk niya.
"Hi, Jay,"
"Lily?!" Kinabahan kaagad si Jeremy at tumalikod. Talagang hiyang-hiya siya at di makuhang magpakita sa ibang tao.
"Jay, bakit? Ayaw mo ba 'kong makita? Dumalaw ako, kasi sabi ni Arston, isang linggo ka na daw halos nagkukulong,"
"G-Ganun ba? Sabi niya? O-Oo! Ta-Tama, ganun nga, ako,"
"'Wag kang mag-alala, walang may alam sa resto na kahit sino, sa katunayan, humupa na,"
"Alam mo rin?!" Napaharap kaagad si Jeremy sa kaniya.
"Oo, alam ko,"
"Buwiset na Arston 'yan!"
"Hindi, wala siyang kinalaman. Nalaman ko lang na ikaw 'yon, kasi, napanood ko at... kilalang-kilala kita,"
"Oo nga naman," sagot ni Jeremy at napayuko.
"Cheer up!" sabi ni Lily, and she smiled.
"Susubukan ko,"
"'Wag mong subukan, gawin mo," saad pa niya at mas lalong lumapad ang ngiti.
"Alam mo kasi, nakakahiya 'yon, kaya mahirap,"
"'Wag kang mag-overthink. Di naman nila alam na ikaw 'yon, bukod dun, walang nakakakilala sa'yong maraming tao,"
"Tama ka,"
"Sikat ka na, suwerte mo, 'yung iba kasi, ginawa nang lahat sa isang tao nang harap-harapan, binigay nang lahat, pinaramdam nang lahat, nag-effort na't lahat, wala pa ring nangyayari, hindi pa rin napapansin, kaya, ikaw, suwerte mo napansin ka na, di lang ng lahat ng tao, pati na rin niya," hugot ni Lily na talagang may napakalungkot na tono ng pananalita.
"Nagpunta ka ba rito para asarin ako?" tanong ni Jeremy na medyo napangiti na ni Lily dahil sa sinabi nitong 'NAPANSIN' na siya ni Reese.
"Sira, mukha ba 'kong ganon? Dinalaw kita para kamustahin,"
"Alam ko naman 'yon," sabi ni Jeremy at tumayo atsaka mahigpit na niyakap si Reese. "Napaka-suwerte ko talagang kaibigan kita! The best ka talaga! Hindi mo 'ko kinakalimutan parati!"
"O-Oo naman ano? B-Ba't kita kakalimutan di ba?" Nautal si Lily at namula ng husto sa mga yakap ni Jeremy.
"Naku, anong gusto mong kainin ha? Bisita pa naman kita, ayos na ayos di pa'ko kumakain ng tanghalian, tara sabay tayo,"
"Ha? nakakahiya naman, 'wag na lang," sagot ni Lily, habang di pa rin siya kumakalas sa mga yakap ni Jeremy, at sa katunayan, isinandal na niya ang ulo niya sa dibdib nito.
"Sige na, nagugutom na'ko eh, ikaw rin tiyak gutom na." Pagkumbinsi ni Jeremy na napansing humihigpit ang yakap ni Lily sa kaniya. At sa katunayan, unang beses ito na maging magkayakap sila.
"Sige na nga,"
"Mukhang na-miss mo'ko ah! Higpit ng yakap mo, ayaw mo na atang bumitiw haha!" Mapang-asar na sabi ni Jeremy kaya naman biglang humiwalay si Lily sa sobrang hiya.
"Hindi ah! Masamang yumakap?! Masama?!"
"Hindi," sagot ni Jeremy at tumawa ng malakas.
Naiinis man, inintindi na lang rin ni Lily dahil halos isang linggong nagkulong mula sa buong planeta, milky way at mga homo sapiens sapiens si Jeremy. Bukod dun matagal-tagal na rin mula nang magkasama sila, kaya susulitin niya na ang araw na ito para maka-bonding ang lalaking gusto niyang makasama sa panghabang-buhay.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?