Chapter 31

32 0 0
                                    

Dahil bagong kasal isang umaga'y nag-aayos si Bea ng bahay nila ni Arston, bagong gawa lang  at bagong lipat lang sila sa mas malaki at mas maaliwalas na bahay, bukod dun kasama pati si Tito Eddy dahil wala naman itong ibang makakasama kapagka lumayo sina Arston. Minabuti ni Bea na ayusin ang mga picture frames, wala si Arston dahil may pinuntahan at si Tito Eddy kasama sa school ang apong si Richard.

“Ayan, dito dapat sa gitna ng living room ang family picture,” sambit ni Bea at isinabit sa pinaka-gita sa pader ang litrato nilang pamilya, siya, si Arston, si Richard at si Tito Eddy.

Sunod naman niyang kinuha mula sa box ang pre-wedding picture nila ni Arston, nasa may maliit lang itong frame at balak naman niyang i-display sa ibabaw ng drawer kalapit ng telepono, masaya niya 'yong pinupunasan nang may mag-doorbell kaya naman nahinto siya at tinungo ang pinto.

“Sino po sila?” tanong niya bago buksan ang pintuan at bilin kasi sa kaniya 'yon nina Arston pero walang sumasagot. “Sino po sila?” tanong niya muli.

“Uhh, delivery po,” sagot nito kaya naman dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Parang nakakita ng multo si Bea nang malamang si George ang dumalaw sa kaniya, nangilabot siya at naibagsak ang picture frame nila ni Arston kaya naman nabasag iyon, hindi natatakot si Bea na baka nabuhay itong muli dahil ang ikinapapangilabot niya ay papaanong nagawa nitong magpanggap na pumanaw na. Alam naman ni Bea na iyon lang ang posibleng ginawa ni George pero hindi pa rin niya alam ang gagawin kaya't napa-atras siya.

“Oh nahulog mo,” sabi ni George at pinulot ang frame, pero bago ibalik kay Bea tinignan muna niya ito bago siya ngumiti ng bahagya. “Okay, kasal na pala kayo congrats,” sabi ni George na medyo malungkot.

Hinablot kaagad ni Bea ang litrato para bawiin at agad na isinara ang pinto pero napigil iyon ni George, pilit na sinasara ni Bea ang pinto pero hindi naman hinahayaan ni George na mapagsarhan siya ng pinto.

“Sorry di kita kilala,” sabi ni Bea na hindi makuhang tumingin rito.

“Bea, hindi naman ako manggugulo, nandito lang ako para kumustahin ka at magpaliwanag,”

“A-Ayokong marinig ang kahit ano mula sa'yo, umalis ka na at huwag nang babalik,”

“Bea naman,”

“Umalis ka na please, baka may makakita pa sa'yo,”

“Ano naman? Wala akong paki basta't nandito ako para sa'yo,” sabi ni George at humakbang papalapit kaya't napa-atras si Bea at nakapasok rin siya.

“George lumayo ka,”

“Hindi ako lalayo, miss na miss na kita,” sabi nito at biglang niyakap si Bea na parang naestatuwa, pero di kalaunan ay tinutulak nang papalayo si George.

“Bitiwan mo 'ko, umalis ka na,”

“Hindi ako aalis hangga't di mo 'ko naiintindihan at hangga't di ko nakikita si Richard, ang anak natin,”

“Hindi, hindi mo siya anak,”

“Anak ko siya Bea at alam ko ang totoo kaya please naman–”

“Bitiwan mo sabi ako! Umalis ka na George!” sigaw ni Bea at nagpupumiglas pero ayaw siya nitong bitiwan.

“Hoy!” May sumigaw kaya naman napalingon si George. “Bitiwan mo si Bea!” sigaw ni Jeremy na kararating lang para bumisita.

“Sino ka?” tanong ni George.

“Di na mahalaga kung sino ako, bitiwan mo siya!” sabi ni Jeremy at binatak si George papalabas ng bahay, pero hindi na ito nanlaban pa at nagpagpag na lang ng polo.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon