Chapter 15

50 3 0
                                    

Matapos na ihatid ni Jeremy si Lily sa bahay nila, pag-uwi dumiretcho na siya sa bathroom niya kahit na medyo natatakot, iniwan niya na lang na bukas ang pinto tutal may shower curtain naman na nagtatakip sa kaniya habang nagrerelax sa bathtub niya.

Naisipan niyang dalhin ang cellphone niya na di naman niya ginagamit masyado nang makapaglaro siya habang nagbababad para mabawasan ang takot niya, kaya naman inunlock niya ang cellphone niya nang biglang...

“AAARRRGGGHHH!!!” Napasigaw siya at parang mababaliw na sa nakikita niya, kaya naibagsak niya ang cellphone niya at lumubog siya sa tub.

Pero maya-maya lang, napaupo na siya ng diretcho at nababalutan ng maraming foam gawa ng sabon. Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya at sinampal-sampal ang sarili niya at pagkatapos ay pinulot ulit ang cellphone niya at tinignan, kinusot-kusot at pilit niya pang idinilat ang mga mata niya dahil di siya makapaniwala sa mga nakikita.

“T-Twenty, twenty five missed calls and, and fifteen text messages from... from Reese?! Oh my gosh!” Napahiga ulit siya at inilagay sa dibdib niya ang cellphone niya na tipong yakap-yakap na niya. “Mahal niya na ata ako... ahahaha! Ibang-iba ka na talaga Jay! Ibang-iba! Ahahaha!” And he laughed hysterically dala ng sobrang kilig at tuwa, namumula na siya katatawa at papadyak-padyak pa kaya nagkalat na ang mga bula at nabasa nang tuluyan ang flooring.

*BEEDO! BEEDO! BEEDO!* Nag-ring ulit ang cellphone niya at umalingawngaw ang sirena ng ambulansiya niyang ringtone na sa ngayon ay boses na ng minion para di gaanong nakakabulahaw kapag narinig, agad naman niyang inangat ang tawag at wagas ang ngiti niya.

“Hello?”

“Jay! Oh my gosh! Jay!”

“O-Oo ako nga ito,” sagot niya at kinakabahan.

“Grabe, I've been calling you now for almost one week! At last sinagot mo na rin! Ano? Kamusta na? Alalang-alala na'ko sa'yo Jay,”

“G-Ganun ba? N-Na-Nag-aalala ka saakin?”

“Of course I do! Grabe 'yung kaba ko nung... nung nakita ko... uhm, actually, a-ano na bang lagay mo ngayon?”

“I'm, I'm great, I'm doing great these past few days.” Pagsisinungaling ni Jeremy kahit pa talagang kulang na lang ibaon na niya ang sarili niya sa lupa.

“It's good to hear, kumakain ka ba ng maayos? How do you sleep at night? Ayos lang ba?”

“Yeah, of course... kinaya ko naman lahat,”

“Uhm Jay... don't worry, wala na, pinabura ko na 'yung CCTV footage, atsaka, humupa na rin naman,”

“Talaga? Buti naman, kung ganon,”

“'Wag ka ring mag-alala kasi, sinabi kong di kita kakilala,”

“A-Ano?”

“I mean, ibang tao 'yon, kaya para di ka nila kulitin saka-sakaling mamukhaan ka,”

“M-Mabuti.” Mahinang sagot ni Jeremy, at nagkaroon ng mahaba-habang paghinto sa pag-uusap nila, naging awkward kasi bigla at nagkahiyaan silang dalawa ng husto.

“Sige, gabi na, 'yun lang naman ang gusto kong malaman kung okay ka lang ba, kung kamusta ka, pasensiya na rin sa pagtawag,”

“Hindi, ayos lang, maraming salamat sa concern, Reese,”

“Goodnight Jay,”

“Goodnight din,”

“Oh! Siya nga pala, saka na lang kita ulit tatawagan kung may lakad ako okay?”

“Kaya ko na naman eh, kahit kailan mo ako tawagan, puwede na 'ko,”

“No, I do understand you Jay,”

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon