“Wow, so dito pala 'yung parang office nitong mini resto ninyo? Parang may naaalala ako,” sabi ni Arston pagpasok pa lang sa kuwartong puno ng mga kahon.
“Ano naman?” tanong ni Bea.
“'Yung office kasi ni Jeremy sa resto nila parang ganito lang ang setup, mukhang sinadiya ni Lily haha!”
“Hindi ah! Grabe ka,” sabi ni Lily.
“Nga pala Lily puwede ba kitang makausap?”
“Tungkol saan ba?”
“Uhm...”
“Sige upo muna tayo,” sambit ni Lily at naupo naman sila sa sofa tutal at mas tahimik sa loob.
“Lily, alam mo kasi nag-away sina Jeremy at Reese,” sabi ni Arston sa mahinahong boses at si Bea naman medyo nagulat sa nalaman.
“Huh? O bakit naman daw?” tanong ni Lily.
“Eh kasi eh, di naman sa sinasabi kong ikaw ang dahilan pero... parang ganun na nga, ikaw ang dahilan pero si Jeremy ang may kasalanan,”
“A-Ako? Papaanong ako? Teka baka mamaya galit na sa'kin si Reese o kaya si Jeremy!”
“Hindi, walang galit sa'yo. Silang dalawa lang naman ang nagtalo at wala sa ugali nung dalawa na mangdamay ng iba, sinasabi ko lang naman sa'yo para malaman mo,”
“O bakit nga ba nag-away?” tanong ni Bea.
“Di ba nag-overnight stay rito si Jeremy? Sa inyo?”
“Di ba siya umuwi nung hinatid niya si Lily?”
“Oo di siya umuwi, nakituloy siya sa bahay,”
“O ayun na nga, kinabukasan nauwi itong si Tukmol saktong si Reese lang ang nasa bahay, siyempre nagtatampo itong si Reese kasi di man lang ma-contact si Jeremy, kaya ayun. Cold War ang nangyari, walang pansinan tapos nung umuwi si Jeremy amoy pabango ng babae!”
“Pabango?” sabay na tanong ni Lily at Bea.
“O? Bakit ka nagtataka Lily, di ba iyo 'yon?” tanong ni Arston.
“Di naman kasi ako nagpabango nung umagang 'yun kaya anong kakapit sa kaniyang amoy?” tugon ni Lily kaya't natahimik silang tatlo.
“Saan naman kaya nagsuot 'yon ano? Isa talagang Hokage,” bulong ni Arston at nagtawanan sila ni Bea pero si Lily nangiti lang at napaisip.
Pero ano nga bang tunay na nangyari?
*FLASHBACK*
“Naku naku naku! Hala! Bakit ba kasi na-lowbat ka kagabi ha? Patay ako kay Reese!” sabi ni Jeremy sa cellphone niya habang nasa isang convenience store siya at nagchacharge sa isang sulok at kumakain ng almusal kahit nag-almusal na siya kina Lily. “Haay lintek! 50 messages at 24 missed calls! Bakit ba kasi kita nalimutang i-charge?!“
“Hi Sir! Baka gusto niyo pong i-try itong bagong product namin!” bati ng isang babaeng may dala-dalang black bag at naupo sa tabi niya kaya't napatingin siya kaagad sa suot na damit at I.D. dahil mukhang magbebenta.
“Uhm,”
“Sige na Sir, unlike ng ibang pabango mas nagtatagal ito at safe po ito sa balat, moreover di po siya bumabaho kapag tumatagal,”
“G-Ganun? Ano bang meron diyan?”
“Actually pambabae lang po ang available, baka po gusto niyo rin pong bumili para sa girlfriend niyo kung meron o kaya sa misis ninyo o kung kanino man po, tiyak magugustuhan nila,”
“Pang-regalo?”
“Opo!” sagot ng babae at nakangiti.
“Pang-regalo? Tama! Tama papasalubungan ko 'yung Baby ko para di siya magalit,” bulong ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?