Matapos ang ilang buwan...
"Jeremy! Jeremy! Gising na anak!" Niyugyog ng husto ni Tito Jim ang anak at halatang madaling-madali siya.
"Pa, inaantok pa'ko eh,"
"Ay bahala ka diyan! Iiwanan kita! Male-late na tayo! Tanghali na! Ano ka ba?! Walang susundo sa Mama mo! Nalimutan mo na ba?! Ngayon ang uwi niya!"
"Si Mama!" Biglang naupo si Jeremy kaya nagkauntugan sila ng Papa niya, mabilis na tumayo ng higaan si Jeremy at dumiretcho na sa bathroom para maligo, si Tito Jim naman ganoon din at kumilos na.
Nag-shower na si Jeremy at madaling-madali na nilinis ang katawan niya.
"Anak, bilis paabot nga nung sabon!"
"AARRGGHH!!! Papa! Anong ginagawa mo rito sa bathroom ko?!" Itinakip na lang ni Jeremy ang bimpong gamit niya sa bandang ibaba niya dahil nandun din ang Papa niya.
"Wag ka na nga maarte! Wag mo na takpan 'yan dahil nakita ko na 'yan! Alangan namang bumaba pa 'ko, bilis akin na yung sabon!" Inabot na lang ni Jeremy kaya naman magkasabay silang naligo ng Papa niya.
Pagkatapos mabilis na sumakay sa kotse ang mag-ama at doon na lang nag-ayos ng sarili nila, si Jeremy binu-butones pa lang ang polo niya, ganun din ang Papa niya na isang kamay lang ang gamit sa pagmamaneho, may nakasabit pang tuwalya sa batok ng Papa niya dahil basa pa ang buhok.
"Pa, peram nga ng tuwalya." Kinuha yun ni Jeremy at pinatuyo ang buhok niya, matapos non isinuot niya na ang sapatos niya.
"Anak buksan na natin yung bintana para matuyo buhok natin." Binuksan naman ni Tito Jim ang bintana at ginawang blower ang hangin na pumapasok.
"Naku traffic Papa!"
"Di bale, gagawa ng paraan si Papa!" Talagang astig ng ginawa ni Tito Jim at dumaan sa mga shortcuts sa maliliit na daanan sa mga looban, kaya naman nakalusot sila sa traffic at nagdire-diretcho na sa airport.
Pagdating na pagdating sa airport, agad na silang nagpunta sa waiting area at inabangan ang pinaka-importanteng babae sa buhay nilang mag-ama.
"Anak, talasan mo ang mga mata mo para di mahirapan si Mama mo okay?!"
"Papa! Ayun! Ayun si Mama! Mama!!!" Nagtatalon halos sa tuwa si Jeremy nang makita ang Mama niya.
"Oh Dios ko," bulong ni Tito Jim sa sobrang pagkatuwa na makita ang misis.
"Papa bilis tawagin na natin! Mamaaa!!! Mamaaa!!!"
"Hooonnneeeyyy!!! Baaabbbyyy kooo!!! Hooonnneeeyyy!!!" sigaw ni Tito Jim habang kinakaway ang mga braso niya, at halos mabingi na ang mga katabi nila sa ingay nilang mag-ama. Sa lakas ng sigaw ng mag-ama nakita sila kaagad ni Tita Rose, napangiti ito ng wagas at tumakbo kaagad papalapit sa kanila, nang magkalapit sila mahigpit na yakapan kaagad ang naganap at halos buhatin na ni Tito Jim ang misis.
"Honey kooo! Miss na miss na kitaaa!" sabi ni Tita Rose at pinanggigilan ang pisngi ng mister na apat na taon nang di nakakasama.
"Lalo naman ako!" saad ni Tito Jim at hinalik-halikan sa pisngi ang misis.
"Teka teka, siyempre, miss na miss na miss ko na rin ang baby boy ko!" Niyakap at hinalikan naman sa pisngi ni Tita Rose ang anak niya atsaka pinisil-pisil sa pisngi.
"Haay, salamat sa Dios at nakauwi ka na Honey, miss na miss ka na talaga namin," sabi pa ni Tito Jim habang umiiyak, naluha na rin tuloy ang mag-ina niya atsaka ulit sila nagyakapan.
"Mama, nagugutom na po kayo?"
"Aaw, ang thoughtful mo talaga baby boy! Oo nga baby eh nagugutom na si Mama," sagot ni Tita Rose.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?