"Jim!"
"Ay naku, magandang araw ho Mr. Valentin!" bati ni Tito Jim sa mayamang buisnessman.
"Magandang araw rin!" bati rin nito at nilapitan si Tito Jim sabay siniko ng medyo malakas. "Ano ka ba brad? Sinabing wag nang Mister Valentin! Tayo-tayo lang naman rito eh!"
"Malay mo may makarinig ha?"
"Naku wala 'yan! Nasaan si Eddy?"
"Susunod daw maya-maya rito."
"Oy! Mga pre!" Pumasok na sa opisina si Tito Eddy.
"O! Buti nandito ka na! Buti't nadalaw kayong dalawa, aayain ko sana kayong gumimick eh! Alam niyo na! Minsan lang 'to!" sabi naman ni Mr. Valentin, o tawagin na lang nating Tito Kirk.
"Aba pre! Ibang-iba na talaga kapag negosyante! Grabe o! Nagmumukha kaming hampaslupa sa suot mong amerikana!" sabi ni Tito Eddy.
"Alam mo ikaw, maraming taon na ang lumipas praning ka pa din ano?" sabi ni Tito Kirk.
"Haay, hayaan na nga! Teka, ano bang sasabihin mo at napapunta mo pa kami rito nitong ni Eddy ha?" tanong ni Tito Jim.
"Eh, ayun na nga, balak ko sanang magbakasyon kasama niyo!" sagot nito.
"Ha?!" Sabay na sabi ni Tito Jim at Tito Eddy sa gulat.
"Di ba poreber besprens tayong tatlo?! Ayaw niyo nun, kumpleto na ang Tres Amigos!"
"Ang astig no'n!!!" sabi ni Tito Eddy at nakipag-high five kay Tito Jim.
"Buti naisipan mo!!! Ang astig mo talaga brad!!!" Dagdag ni Tito Jim. At pagkatapos nun nag-akbayan yung tatlong mga praning.
"Teka, Teka, atsaka, iimbitahin ko sana kayo maya-maya maghapunan sa bahay namin, punta naman kayo! Nagpahanda ako kay misis para sa reunion nating tatlo eh! Lalo ka na Jim, balita ko nakauwi na si misis nung nakaraang araw ah?"
"Ah, oo nga eh, salamat nga sa Dios at nakauwi na ang asawa ko!" Masaya nitong sabi.
"O, ikaw naman diyan Eddy, isa ka pa! Gusto ko na makita ang anak mo kung gaano na kalaki!"
"Ha! Ang anak ko? Ayun, sports active! Manang-mana sa guwapo niyang ama!" sagot ni Tito Eddy.
"Ikaw naman diyan Jim? Kamusta ang anak mo?"
"Ayun, eh, awa naman ng Dios, kahit lalamya-lamya at tahimik eh magaling naman sa school at kahit papaano lumalabas na ang dugong Dela Fuerte!"
"Aba! May di ako alam kay Jeremy?! Anong balita?" tanong ni Tito Eddy.
"Ayun, umamin nung isang araw, may crush na!"
"Whoah!!!" Sabay na sabi nina Tito Eddy at Tito Kirk at nag-high five pa.
"Eh ikaw diyan Kirk? Dalaga na ba anak mo?"
"Oo, magandang-maganda, mana kay misis, naku, ipakikita ko sa inyo mamaya kung gaano kaganda!"
"Aba, kamukha ni Stella? Aba, walang dudang sasali-sali rin sa pageant 'yan ha?" tanong ni Tito Eddy.
Sa katunayan kasi, magkakabarkada sila noong highschool pa lang sila, silang tatlong mga praning kasama sina Tita Rose, Tita Stella at ang namayapang asawa ni Tito Eddy na si Tita Emily. Kumbaga, noon pa lang e partner-partner na sila, magkakasamang bumuo ng mga pangarap hanggang sa dumating na nga itong araw na ito at naabot naman nila at naging successful sa kani-kanilang mga buhay.
Katanghalian sa kusina sa bahay nina Jeremy...
"Baby boy, Arston, tama na muna 'yang paglalaro ninyo ng Tamagotchi, luto na 'tong pananghalian kain na!" Tawag ni Tita Rose sa dalawa, sunod naman nun na nagmamadaling pumunta yung dalawa.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
Художественная прозаHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?