"Kokoy! Kokoy nasaan ka na ba ha?! Bakit hindi kayo umuwi ni Reese kahapon?! Hindi rin kayo maabot ng tawag!"
"Sorry po Mama, pero papauwi na kami ni Reese, heto nasa biyahe na,"
"Hay naku Jeremy! Ang tanda-tanda mo na hindi ka pa rin marunong magpa-alam?! Hindi ko alam ang sasabihin sa Tito Kirk mo!" sabi ni Tita Rose mula sa kabilang linya kaya't natatawa si Jeremy.
"Sorry na po talaga, pasalubong Mama anong gusto niyo?"
"Naku, gusto kong malaman kung saan kayo nagpunta at anong ginawa niyo?"
"Mamaya pag-uwi sasabihin namin sa inyo, nagdadrive po kasi ako Mama,"
"O siya, sige, mag-ingat ka baby boy?"
"Opo!"
"Teka, kumakain ka ba ng ayos ha? Anong kinain mo? Baka nalipasan ka!"
"Hindi po Mama, ipinagluto ako ni Reese kahapon ng ulam,"
"Masarap ba ha? Baka mamaya niyan hindi mo gusto, alam na alam ko ang panlasa mo ha? Maselan ka kaya nakakain ka ba ng maayos?"
"Si Mama naman oh, opo, siyempre nakakain ako ng maayos, ilang taon na po kami ni Reese? Atsaka masarap siyang magluto,"
"Ayaw ko lang na mangangayayat ka kapag di mo gusto ang pagkain,"
"Grabe naman Ma, isang araw lang kaming nawala kaya di po ako mangangayayat,"
"O siya, ibaba ko na ito at nagdadrive ka, gusto ko makauwi ka ng buo okay baby boy?"
"Opo Mama!"
"Love you,"
"Love you too Mama!"
Nang ibaba na ni Jeremy ang tawag natawa siya at si Reese naman pinalo siya sa braso.
"Ayan, hindi ka kasi nagpapaalam!"
"Paano ako magpapaalam? Eh biglaan di ba?" sagot ni Jeremy.
"Eh sana man lang sumagot ka sa tawag!"
"Yaan mo na... ang mahalaga alam na nila na papauwi na tayo.”
Pag-uwi nila hindi naman din ikinuwento siyempre ni Jeremy ang totoong nangyari, palusot nilang dalawa may pinuntahan lang silang kaibigan dahil nagyaya sa birthday, pero sinabi na rin nila na magpropose na nga si Jeremy kaya naman di agad mapakali ang mga magulang nila na kaagad nang nagplano ng kasal.
Makalipas ang ilang araw...
"O anak saan ang punta?" tanong ni Tito Joey kay Lily.
"Hmm, ichecheck ko lang po ang visa ko dahil para di na ako mamroblema,"
"Aalis ka na nga pala sa susunod na dalawang buwan ano?" sabi ng Papa niya at medyo nalungkot.
"Naku si Papa, matagal-tagal pa naman po iyon, sige Pa, alis na po ako,"
"Sige mag-ingat ka ha?"
"Opo," sagot niya at umalis na, habang nasa taxi nakatanggap siya ng text mula kay Bea na nagsasabing usap sila sa tawag kaya pag-baba ni Lily saka siya tumawag rito. "Uy bakit? Kumusta?"
"Eh kasi... siguro, uhhh, sabi ni Arston kasi eh,"
"Ano?"
"Di ko gustong sabihin sa'yo kaya 'wag na lang. Sige Li, ibababa ko na lang ito, di rin naman mahalaga,"
"Parang masyado kang kinakabahan, ano bang pinapasabi sa'yo ni Arston?"
"Alam mo mamomroblema ka lang kapag sinabi ko kaya sabihin mo na lang na sinabi ko sa'yo kapag tumawag,"
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?