"Lily, gusto kong magkita kayo ni Taylor bukas," sabi ni Jeremy habang nagliligpit ng mga pinagkainan nila katulong si Lily, habang si Johann naman ineentertain ng mga magulang ni Jeremy at naglalaro sila ng Wii sa salas.
"Bukas?"
"Sabihin mo sa kaniyang tapos na, wala na. 'Wag kang mag-alala sasamahan kita. Pagka naka-receive ka ng message sa kaniya sabihin mo saakin para sigurado na. 'Wag kang matakot,"
"Hindi ako matatakot ano? Sira pala siya eh, ito nga ang gusto ko, ang sabihin sa kaniyang tapos na kami,"
"'Yan ang baby ko!" sabi ni Jeremy na talagang ngiting-ngiti.
"What did you call me? Baby? Yuuuck! Lahat ng baby ang tawagan nagbe-break,"
"Oh, eh, anong itatawag ko sa'yo ngayon?"
"Bahala ka na," sagot lang ni Lily at naghugas na ng mga pinggan katulong si Jeremy.
"Aba tignan mo 'yung dalawa sa kusina, dala-dalawa pa eh no? Ayos, may taga-hugas na tayo ng plato," sabi ni Tito Jim.
"Kaya nga," sabi naman ni Tita Rose.
Kinabukasan sa isang coffee shop...
"Lillianne," sambit ni Taylor nang dumating na si Lily, napatayo kaagad siya at agad itong ipinaghanda ng mauupuan, nasa second floor sila at si Jeremy nasa ibaba lang at dala ang laptop niya para tapusin pa ang ilang trabaho. Oo naman may laptop si Jeremy, na puno ng litrato nina Pickles, Lettuce, Chicken at Ketchup.
Nang maupo na si Lily agad nang umorder si Taylor ng cake at coffee, alam na alam niya naman kung anong gustong kainin nito, hindi kaagad sila nag-usap at matahimik lang na kumain, hanggang nakaipon na ng lakas ng loob si Taylor para magsalita.
"Lillianne, mahal, eh, alalang-alala na ako sa'yo, ang tagal na nating di nagkikita. Nababasa mo naman siguro lahat ng messages ko di ba?"
"'Yung iba oo, nabasa ko," sagot ni Lily.
"Buti naman, akala ko hindi eh," saad niya at ngumiti. "alam mo, gaya ng sabi mo na ayusin ko ang sarili ko... ginawa ko! Oo, kahit itanong mo pa kay papa at sa kahit na sino, nawala ako dahil nung mga time na 'yon napag-isip isip ko na dapat magbabad ako sa trabaho, iyong trabaho lang. Nawala ako at di nagparamdam kasi gusto kong bago humarap sa'yo may mapapatunayan na ako, atsaka para bigyan ka ng time,"
"Mabuti," saad ni Lily at humigop ng kaunting kape.
"At ang sabi mo di ba kukunin mo ulit ito kapagka umayos na ako? Kaya sige na naman mahal, kunin mo na, promise nagbago na ako. Ituloy na natin ang kasal? Di man ngayong taon edi sa susunod kung kailan mo man gusto." Inilabas muli ni Taylor ang engagement ring nila pero hindi na nag-react pa si Lily.
"Taylor... natutuwa ako sa ginawa mo pero paano ko malalaman? Ipagtatanong ko pa ba sa iba? Paano ka nagbago? Ginawa mo lang 'yan para sa sarili mo at hindi saakin, nang sinabi kong cool off sana man lang naisip mong bigyan ako ng pagkakataon na makita na nagbabago ka pero hindi mo ginawa. Umalis ka, at nagtampo, at sa tuwing aabutin kita galit ka, sa tuwing i-aapproach kita tinataboy mo ako. Iyan ba ang pagbabago mo?"
"L-Lily maniwala ka!"
"Naniniwala naman ako. You've tried. Maaaring nagbago ka sa ngayon kasi nadala ka pero pagtagal di naman imposibleng hindi mo ulitin 'yan, ilang chances na ang binigay ko sa'yo pero sinasayang mo. Maaaring gusto mong balikan kita kasi nanghihinayang ka na iiwan ka na ng babaeng sana handa kang pakasalan at iwan ang lahat sa kabila ng kung sino ka— pero sinayang mo Taylor. Akala mo ba hindi na kita sinusundan? Hindi ko na inaalam ang gawain mo? Mayroon bang nagbabagong maraming babaeng kasama sa opisina at sino-sino ang ka-akbay?"
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
Ficción GeneralHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?