"Baby?"
"Yes?" sagot naman ni Reese.
"I'm just wondering... b-baka puwedeng lumabas tayo this weekend?"
"I've told you puno ang schedule ko, maybe next next week?"
"H-Hindi na kasi tayo lumalabas. Ganiyan ba talaga kapagka sobrang sikat mo na at may movie? Kahit madaling araw aalis ka na?" Nahihiyang tanong ni Jeremy habang nakatingin sa isang banda ng kuwarto nila kung saan puno na ng awards ni Reese ang naka-display. Tatlong taon na rin mula nang ikasal silang dalawa pero hindi pa sila nagkaka-anak.
"How many times do I have to tell you na busy ako Jeremy?" sabi ni Reese at nagtaas ng boses, tumayo siya at umalis sa desk niya kung saan gumagawa siya ng mga bagong designs ng dress at gowns.
"Sorry," bulong ni Jeremy na sa katunayan nakasilip lang mula sa pinto. "Sige, next next week? Date tayo, promise?"
"Haay, oo na, promise," sagot sa kaniya ni Reese na para bang napilitan lang pero dahil doon napangiti nang husto si Jeremy at matahimik na umalis.
Bumaba siya para maglinis muna ng bahay habang nasa washing machine pa ang mga damit nila na nilalabhan din niya, sa katunayan hindi siya pumasok ng trabaho para sana ayain si Reese pero tumanggi na naman ito gaya ng madalas hindi tulad ng dati kaya wala nang nagawa si Jeremy kundi gumawa ng gawaing bahay dahil alam na alam rin naman niya kung gaano ka-busy si Reese at masyado nang stressed gayong sobrang sikat na niya kung ikukumpara noong una. Nang mapagod si Jeremy naupo siya sa sofa at tinitigan lang ang malaking wedding portrait nila ni Reese na naka-display sa salas, napapangiti na lang siya kapagka naaalala 'yung dati nilang mga ginagawa at kung gaano sila kasaya.
Di niya maikakaila na nitong mga nakakaraan may nagbabago na sa kanila, he remained faithful and loyal at ganun pa rin naman gaya noong una na makulit siya pero si Reese hindi maitatanggi na para bang nalilimutan na siya dala ng sunod-sunod na trababo na pilit niyang iniintindi.
"Lika rito, buti ka pa, masaya ka palagi kapag umuuwi ako o kaya pagka nakikita ako eh!" sabi niya kay Pickles na naglalakad-lakad lang sa buong bahay atsaka ito sumampa sa kaniya sa sofa. "haaay, sana aso na lang ako alam mo? Gaya mo, kasi ikaw masaya ka lagi, mababaw," sabi niya at niyakap ito.
*ARF!* tumahol ito bilang tugon sa kaniya at dinilaan ang pisngi niya kaya nakiliti siya at natawa.
"LETTUCE! CHICKEN! KETCHUP!" sigaw ni Jeremy at umalingawngaw sa buong bahay ang tahol ng mga tuta na anak ni Pickles at kumakaripas ng takbo papunta sa kaniya at nag-uunahan pa. Napahiga siya sa sofa nang pagtulong-tulungan siya ng mga ito, si Chicken kinakagat-kagat siya sa kamay, si Lettuce binabatak ang damit niya, si Ketchup kagat-kagat ang pajama niya at pilit winawasiwas at si Pickles na pagkalaki-laki at pagkabigat-bigat nahiga sa ibabaw niya at nagrelax, kaya si Jeremy tawa naman nang tawa.
"Okay boys line up!" sabi niya at nagsi-alis ito at naupo sa sahig nang sunod-sunod. "Aba, aba, very good! Tara maliligo tayo mga lintik kayo, amoy aso na ako hahaha!" biro niya at mukhang nalungkot ang mga ito at yumuko pa. "biro lang! Ano ba? Mababango kaya kayo!"
*ARF! ARF!* nagsi-tahol ang mga ito at mabilis na gumalaw ang mga buntot, senyales na masaya na sila, sinundan nila si Jeremy sa bakuran at doon sila nito pinaliguan, ganun din si Jeremy na dun na naligo at nagbasa na nang tuluyan at nakipag-laro sa mga alaga nila at agawan sila ng hose, ilang beses din nadapa si Jeremy pero ayos lang dahil masayang-masaya siya na parang bata at ang iingay nila kahit siya lang ang tao at apat na huskies ang kalaro niya.
Sunod naman siyang nag-swimming sa pool nila at si Pickles lang ang kasama niya dahil di pa marunong lumangoy ang mga anak nito at nanatili lang dun na naghaharutan.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
Fiction généraleHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?