Chapter 20

25 4 0
                                    

Pagkatapos kumain nina Reese at Jeremy, naglakad na silang papabalik sa resthouse...

“Uhm, Reese?” sambit ni Jeremy sabay nag-lipbite para magpigil ng ngiti atsaka tumingala sa langit.

“Bakit?”

“Kanina, ano, bakit mo... bakit ano...”

“Bakit kita niyakap?”

“O-Oo, oo,”

“Wala lang, kasi, I feel warm and comfortable with you, that's why,” sagot ni Reese na hindi rin makatingin kay Jeremy at pasimpleng ngumingiti.

“T-Talaga? Nakakatuwa naman,” tipid na sagot ni Jeremy.

“Ang ganda ng langit ngayon, puno ng mga bituin ano?”

“Oo nga, tapos presko pa,“

“Jay,”

“Ano 'yon?”

“W-Wala,” sagot ni Reese na namumula ang mga pisngi, ganun rin naman si Jeremy.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad na dahan-dahan, nagngingitian at nagtitinginan pero walang kibuan. Unti-unti, papalapit nang papalapit si Jeremy sa tabi ni Reese, huminga siya ng malalim at nagpipigil ng ngiti na waring may gustong gawin.

“Kaya mo 'to Jeremy! Solong-solo mo siya ngayon! Di ba ito 'yung gusto mo?! Ang maglakad kasama siya sa beach ng hanggang hatinggabi?! Bilis na! Baka maunahan ka ni Harvey, isa pa close na close na kayo!” bulong niya sa isipan niya kaya di siya makali.

“He's cute, totally cute... I love the way he smiles at me, the way he talks, the way he laughs, and everything about him,” sabi naman ni Reese sa isipan niya at di rin mapigil ang sarili sa pagsulyap sa mga mata ni Jeremy.

Hindi nagtagal, naidikit ni Jeremy ang kamay niya sa kamay ni Reese kaya nagulat ito at napahinto sila sa paglalakad, napatingin ito sa kaniya kaya napalunok siya. Pero ngumiti lang si Reese at nagpatuloy sila sa paglakad, hanggang sa tuluyang hinawakan ni Jeremy ang kamay niya nang napakahigpit, and filling the spaces between her fingers.

“G-Gwush k-k-k ha,” sambit ni Jeremy at pulang-pula ang mga pisngi at mukhang maiihi na naman.

“H-Ha?” tanong ni Reese dahil halos ibulong at kainin ni Jeremy ang mga salita.

“Gwusssh thaa mapgaaa?” Nauutal na, nabubulol pa siya.

“What? Jay I cannot understand you,” sabi ni Reese, nabigla siya nang biglang mas humigpit lalo ang pagkakahawak ni Jeremy sa mga kamay niya at inilagay ito sa dibdib niya.

“G-Gu-Gusto, gusto kita!” Malakas namang sabi ni Jeremy at halos isigaw na niya, di niya kinaya ang panginginig, kaba at hiya kaya medyo naluha si Jeremy at parang kamatis ang mga pisngi niya.

Natulala lang si Reese at ramdam na ramdam niya sa mga kamay ni Jeremy ang panlalamig at panginginig, bukod dun, sa lakas ng kabog ng dibdib ni Jeremy ramdam na ramdam 'yon  sa palad niya na nakalapat sa dibdib ni Jeremy.

“J-Jay?” bulong ni Reese habang nakatitig sa mukha nito at di makapaniwala sa mga sinabi ni Jeremy.

“Reese, mahal kita! Nandito ka sa puso ko, okay?! N-Na-Nababaliw ako sa'yo! Patay na patay ako sa'yo, oras-oras na lang ikaw ang laman ng isip ko, pati sa panaginip ko nandun ka! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Oras-oras din nakikita kita kahit saan! Pag di ko pa sinabi 'to sasabog na'ko!” sabi ni Jeremy at parang nagpapanic kaya gulat na gulat pa rin si Reese at di maka-imik. “Alam kong, alam kong driver lang ako, alam kong di ako guwapo, alam kong wala akong kuwenta, alam kong talunan ako at lapitin ng kamalasan tapos ikaw napaka-perpekto mo para sa isang babae pero... pero ano... g-gusto kong malaman, may pag-asa ba 'ko sa'yo?” tanong ni Jeremy.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon