Chapter 5

73 8 0
                                    

After the graduation, summer vacation na kaya naman excited na excited na si Tito Jim na dalhin sa isang summer escapade ang pamilya niya kasama din sina Arston para naman makapag-relax relax sila lalo na si Jeremy na kailangan niyang bigyan ng treatment para naman hindi na maging masyadong matatakutin matapos ang nangyari.

"Jeremy, anak." Dahan-dahang pumasok sa kuwarto niya ang Papa niya at naabutan siyang nakahiga lang at naglalaro ng Tamagotchi.

"Pa, kayo pala,"

"Puwede ka bang, makausap? Kahit saglit lang? Ilang araw ka nang di lumalabas." Naupo naman si Tito Jim sa tabi ni Jeremy sa kama.

"Sige po,"

"Gusto sanang mag-sorry ni Papa sa'yo kasi, ni-hindi man lang kita nabantayang mabuti... bakit kasi hindi ka nagsasalita? Ayaw mo ba kay Papa?"

"Hindi po sa gano'n," sagot ni Jeremy na halos pabulong na lang.

"Anak... sana naman, sinabi mo kaagad, hindi ko alam ang gagawin kung may mas malala pang nangyari sa inyo, lalo na sa'yo, sabi sa'yong wag kang matatakot magsalita at nandito si Papa," saad ni Tito Jim na puno pa din ng pag-aalala.

"Opo... pero wag na muna nating pag-usapan 'yan,"

"Sige kung iyan ang gusto mo... pero, pangako, sa magandang school ko kayo ipapasok ni Arston, dun sa siguradong hindi na mauulit yung..."

"Papa, ayos lang ho ako," sabi bigla ni Jeremy para pigilin ang Papa niya.

"Pasensiya na,"

"Okay lang po,"

"Siya nga pala, may sasabihin ako na tiyak matutuwa ka... bukas ng madaling araw, aalis tayo, pupunta tayo sa beach! Mag a-outing tayo! Kasama sina Tito Eddy mo at si Arston!" Masaya't masiglang sabi ni Tito Jim sa anak, naupo naman si Jeremy at medyo nangiti sa narinig.

"Ayos,"

3:00 A.M.

"Baby boy, gising na, gising na baby boy." Nahandun na kaagad sa kuwarto niya si Tita Rose at ginigising siya, kaya naman sa excitement nadilat siya kaagad. "Naku, umagang-umaga ang guwapo-guwapo kaagad ng baby boy ko ah!" sabi pa nito at hinalikan sa pisngi si Jeremy.

"Jeremy! Jeremy! Gising na! Aalis na tayo!" Excited na sabi ni Arston pagpasok pa lang ng kuwarto.

"Oo gising na'ko," sagot ni Jeremy na nakangiti.

"Sige, mauna na muna ako sa baba dahil tutulong akong mag-ayos ng mga gamit, Arston, ikaw nang bahala kay baby boy ha?"

"Sige po Tita!" sagot ni Arston at bumaba na si Tita Rose.

"Uy, saan daw tayo magsu-swimming?"

"Hindi ko din alam, pero basta sa beach okay na okay ako!"

"May punto ka," saad ni Jeremy.

"Teka, kailangan maayos ang damit mo! Dapat, dapat di ka na naka-shorts na stripes o polka dots na may tucked-in sando, pero okay din naman ang sando pero dapat mag T-shirt ka na lang, o kaya mag topless!" Pagpapaliwanag ni Arston na mukhang naaligaga na.

"Bakit naman?"

"Ah, eh, wala naman, para cool ka tignan, atsaka, atsaka, wag kang magsabit ng Tamagotchi, mukha kang batang paslit, dapat cool ka okay?"

"Tss... okay sabi mo eh." Napangiti na lang si Jeremy sa mga sinabi ng kaibigan, naghilamos na lang siya atsaka bumaba na dahil nakaayos na naman ang mga damit niya.

Sa van...

"Ako dito sa tabi ng bintana!" sabi ni Arston at pumasok na kaagad, matahimik na lang na sumunod si Jeremy, at katabi niya ang Mama niya, sa harapan naman si Tito Eddy katabi ni Tito Jim na siyang driver nila.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon