“Teka nga Arston, bakit tayo nandito sa mall?” tanong ni Bea.
“Bakit? Eh birthday ni Jeremy, kaya marapat lang na regaluhan ko siya,”
“Naks, 'yan ang gusto ko sa'yo, ang sweet sweet ninyong dalawa!” Mapang-asar na sabi ni Bea at pinisil ang pisngi ni Arston.
“Yiee!” sambit ni Richie na kasama rin nila at karga ni Arston.
“Siyempre ano? Kahit pa lagi akong sunud-sunuran sa kaniya kahit dati pa, hindi ako magiging ganito kundi dahil sa mga payo niya. Isa pa naging magandang ehemplo si Jeremy para sa'kin,”
“Aba ang lalim! Love na love mo siya kahit madalas mong basagin ang trip,”
“Kilala mo na 'yon, sanay nang ganun 'yon,” sagot ni Arston.
“Whoah! Daddy!” Biglang sabi ni Richie kaya't napatingin silang dalawa ni Bea.
“W-What? What did you just call me?”
“Daddy!” sagot ni Richie na sa unang pagkakataon tinawag na Daddy si Arston.
Napanganga sa sobrang pagkagulat si Arston, hindi siya makapaniwala at talaga namang tuwang-tuwa kaya't wala siyang nagawa kundi ngumiti ng wagas kay Bea atsaka humalakhak nang malakas at proud na proud.
“Tama! Tama 'yan Richard, ako si Daddy mo! Mula ngayon Daddy na ha? Daddy!” Paglilinaw pa niya at si Bea naman napayakap na lang sa braso ni Arston.
“Okay!” sagot ni Richie at nag-thumbs up.
“Alam mo minsan nagugulat na lang ako kay Richie, bihira siyang magsalita pero... parating puno ng surprises eh no?” sambit ni Bea.
“Haay ilang gabi ko ring ipinagdasal 'to na kilalanin niya 'kong Daddy!” sabi ni Arston.
“Kita mo na, natupad rin!”
“Iinggitin ko si Jeremy nito hahaha!”
“Hoy birthday nung tao ayan ka na naman!”
“Oo na sweetie, hindi na. By the way, paano kaya kung maghiwalay muna tayo rito sa mall? Anong oras na rin kasi at baka gabihin tayo,” sabi ni Arston.
“Eh? Papaano ba? Ano bang bibilhin at kailangang hiwalay pa?”
“Kung puwede ikaw na lang sa groceries at ako na sa regalo, tatawagan na lang kita kung saan tayo magkikita pagkatapos,”
“Ganun ba? Ano bang lulutuin?”
“Basta ipagluto mo siya ng masarap, alam mo namang tradisyon namin 'yun na pag may birthdays ipagluluto ang isa sa'min. Alam mo namang halimaw sa kainan 'yun di ba?”
“Ahh okay! Pero kanino sasama si Richie?” tanong ni Bea.
“Kaming dalawa na lang, baka mahirapan ka pa eh!” sabi ni Arston.
“O sige! Behave lang kay Daddy okay?” sabi ni Bea kay Richie at hinalikan ito sa pisngi.
“See you!” sabi ni Arston at naghiwalay na sila sa mall.
Sa isang botique...
“Yes Sir? How can I help you?” tanong ng isang sales clerk.
“U-Uhh ano kasi eh, birthday ng bestfriend ko, ano bang puwedeng iregalo sa kaniya?”
Naiilang si Arston dahil baka pag-isipan na naman siya ng masama gaya nung nakaraan na napagkamalang boyfriend niya ang ibibili. Akay-akay lang naman niya si Richie na matahimik na nagmamasid-masid sa paligid.
“Ahh marami po Sir, how about wrist watch?”
“Ehh marami siyang ganiyan eh,” sagot ni Arston.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?