UNA SA LAHAT! BAGO ANG HULI! CONGRATS UMABOT KA SA CHAPTER NA ITO. THANK YOU. HAHA! GUSTO KO LANG IPAALAM ANG ISANG FACT, ALAM KO DI KAYO INTERESADO PERO ANG A GUY LIKE ME AY NAGSIMULA SA ISANG KANTA... yep isang kanta, na ang title ay walang iba kundi A Guy Like Me rin siyempre, by Lim Chang Jung! So paborito ko ang mga kanta niya kaya heto. Anyway kung may Ost ang AGLM siyempre 'yung A Guy Like Me ni Lim Chang Jung. Pag natapos itong story may iuupdate akong listahan ng mga kanta na pinapakinggan ko para maka-update ng chapter o makabuo ng scenario, pati photo gallery ng casts haha! Ang habang A/N nito.
---
After 6 months..."Jeremy, kumain ka na," sabi ni Reese habang nagbabasa ng magazine.
"W-Woow, hihi! Paa niya ba 'yan? Gumagalaw siya sa tiyan mo! Sumisipa! Kick! Kick!" Parang timang na sabi ni Jeremy at aliw na aliw.
"Oo," sagot ni Reese na napangiti na lang.
Wala na siyang ibang nagawa matapos i-announce ni Jeremy sa lahat ang pagbubuntis niya, labag man sa loob niya sa huli ay nasiyahan din siya kahit alam niyang maling-mali ang pagsisinungaling, mahal na mahal niya si Jeremy at masayang-masaya siya sa pag-aalaga nito sa kaniya gayong nagbubuntis siya. Iba ang pakiramdam na inaalagaan lalo siya nito at ingat na ingat, ibang-iba na para bang nakikita niya na kung papaanong magiging isang ama si Jeremy, at hindi niya kayang alisin mula dito ang saya na nakikita niya dahil ayaw niyang masaktan pa si Jeremy.
"Kick! Kick! Kick! Ahaha!" sabi pa ni Jeremy habang ang palad niya nasa tiyan ni Reese at ramdam na ramdam niya ang pagsipa ng bata mula sa loob. "Paglabas mo siguro athletic ka? 'Wag kang tutulad kay Daddy okay? Lampa. Gusto ko paglabas mo sobrang energetic ka!"
"Naku naman si Kokoy, ilang beses ko bang sasabihing kumain ka na ng pananghalian? Hindi ka makakain dahil kay baby? Eh hindi naman kami aalis dito, naku,"
"Ngayon lang kasi siya naglilikot ng ganito eh! Di ba baby? Kick! Kick! Kick!"
"Para kang bata sa inaasta mo," sambit ni Reese at hinalikan sa pisngi si Jeremy.
"Hmm sige na nga, kakain na ako ng pananghalian! Tapos mamaya pala magpa-check up ka ano?"
"Oo, schedule ko mamaya atsaka alamin na nga natin kung boy or girl siya, di na ako maka-hintay eh!"
"Ako rin, di ko pala kaya 'yung surprise-surprise, basta ang usapan magiging kulay green ang kuwarto niya, gusto ko mukhang maaliwalas at pang-baby talaga! Mukhang fondant cake!"
"Pinagsasabi mo? Sa kuwarto natin siya matutulog Jeremy, kuwarto natin ang babaguhin,"
"Ay oo nga pala, ayaw kong bukod ang baby!" sabi ni Jeremy at natawa na lang si Reese.
Matapos na mananghalian ni Jeremy at umalis na sila ni Reese para magtungo sa clinic para sa check up at para na rin malaman ang gender ng dinadalang bata ni Reese...
"Whoah! Ang astig ng ultrasound!" sabi ni Jeremy at nakatitig sa monitor.
"Yes Mr. Dela Fuerte, now, makikita natin na walang problema at healthy si baby, normal din ang tibok ng puso niya, sa ngayon mas naaaninag na ang position niya sa loob ng tiyan," sabi ng doktor.
Inabot ni Reese ang kamay ni Jeremy at mahigpit iyong hinawakan at nagngitian silang dalawa.
"Hmm Reese malamig ba 'yang gel?" tanong ni Jeremy.
"Oo naman, gusto mo rin bang magpa-ultrasound?" sagot ni Reese na nakahiga.
"Makakakita si Doc ng malaking cheesburger sa tiyan ko, wahahaha!" biro niya at nagtawanan sila, at si Jeremy talagang masayang-masaya dahil sa tono ng pagtawa niya.
BINABASA MO ANG
A Guy Like Me
General FictionHanggang kailan mo kayang maghintay para sa kaniya? Hanggang saan ang kaya mong gawin mapansin lang niya?