Chapter 41

21 1 0
                                    

“Oo, binenta ko na 'yung studio para matapos na 'to,” sabi ni William, at sa tono niya halatang may inis siya. Papauwi na sila at napilitan lang na makisabay kina Jeremy sa kagustuhan ng Ate Reese niya.

“Anong sabi ni Papa?”

“Tuwang-tuwa,” sagot niya at nagkaroon ng katahimikan hanggang sa maabutan sila ng traffic at maipit dun ng halos mag-iisang oras na.

“Haaay! Kailan ba uusad 'to?!” sambit ni Jeremy at napasandal na lang.

“Tita wee-wee ako!” sabi ni Richard.

“Huh? Eh, saan? Paano 'to Baby?” tanong ni Reese.

“'Yun malapit na tayo sa gas station, mabuti pa magpalamig muna tayo sa convenience store nila dun,” sabi ni Jeremy at sa kabutihang palad naka-usad sila doon at huminto.

Pagbaba ng kotse...

“Nagugutom na 'ko, kumakalam na sikmura ko,”

“Agad-agad?! Kaya lumalaki 'yang tiyan mo eh!” sabi ni Reese at pinisil ang tiyan ni Jeremy.

“Grabe 'tong dalawang 'to, naglalandian pa rin,” bulong ni William.

“Tita! Wee-wee na!” sabi ni Richie at halos mapatalon na kaya't kinarga na siya ni Reese at nagpunta ng C.R. at naiwan ang dalawa na magkasama.

Nag-ikot agad si Jeremy at humanap ng makakain, kumuha siya ng sandwich at rootbeer at ininit sa microave oven ang sandwich, parang bata siya at kagat labi pa habang tinititigan ang sandwich na umiikot-ikot sa loob ng oven.

“Grabe naman 'to kumain, weirdo pala nito, mukhang nagkamali ako sa iniisip kong maangas siya. Mukha pala siyang tanga kaysa bilyonaryong nababasa ko sa diyaryo,” sabi ni William sa isip-isip niya. “talaga bang boyfriend 'to ng Ate ko? Di siya mamukhaan ng mga tao dahil sobrang simple niya manamit, sa pagkaka-alam ko hunks ang type ni Ate pero bakit ito?! Mukhang kinulang sa sigla ng katawan? Sagwa pa kumilos,”

“Uy!” Nakabalik na si Jeremy at tinabihan si William na natigil sa pag-iisip. “Eto oh, naisip ko bilhan ka kasi kanina ka pa nakatingin eh, nauuhaw ka na rin ano? Grabe 'yung traffic!” sabi ni Jeremy at sabay kumagat sa sandwich niya at si William umiwas ng tingin.

“Kausap mo ba 'ko?”

“Ahh, uhh, oo? Tayo lang dito eh,” sagot ni Jeremy habang lumilingon sa paligid.

“Ibang klase ka rin eh no?”

“Ah, pasensiya na, sa nakaraan. Nasigawan lang kita kasi concerned lang ako atsaka di lang ako sanay na magalit si Reese ng ganun kaya nakialam na'ko,”

“Di ko alam anong nagustuhan sa'yo ng Ate ko, malamang bulag na siya,”

“Kung sa mukha ko baka nga haha! Pero alam mo kasi... highschool pa lang kasi sabi niya gusto na niya 'ko,”

“Kaya sinamantala mo na ngayong ligawan,”

“Matagal na matagal akong nawalan ng contact sa Ate mo, hindi kita masisisi dun kung tinago mo 'yung mga sulat ko o tinapon, kasi 'yun talaga ang nakatadhana. Ako, sa haba ng panahon hindi ako nagka-girlfriend ng iba hindi dahil sa Ate mo lang ang gusto ko, kundi dahil siguro wala talagang babaeng darating sa'kin, ibig sabihin may nakalaan sa'kin. Kaya nung nagkita kami ulit, di ko na siya pinakawalan,” sabi ni Jeremy..

“Kaya ba ganun mo na lang siya landiin kahit sa labas?”

“Kung naiirita ka, 'wag mo na lang tignan, 'wag ka mag-alala hindi kami magP-PDA. Kasi mapapatay ako ng Papa niyo kapag nalaman!” sagot niya na nakangiti.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon