Chapter 39

34 0 0
                                    

“DAAADDDYYY!!!“ tili ni Richard paglabas na paglabas pa lang ng classroom dahil si Arston ang sumundo sa kaniya.

“Halika nga rito! Woops! Aba ang bigat ng baby ko ah?!” sabi ni Arston nang kargahin ito. “Talagang ang lakas-lakas mo kumain ano? Bumigat ka kaagad,”

“Whoah,”

“Huh?” Napalingon si Arston at nakitang nakatingala sa kaniya ang tatlo pang maliliit na bata.

“Hello!” sabi ni Richard at kumaway.

“Friends mo ba sila?”

“Opo! Classmates!”

“Ahh, hello!” bati ni Arston.

“May Papa ka pala?” tanong ng isa.

“Nasaan si Lolo?”

“Ngayon ko lang nakita Daddy mo,”

“Hahaha!” Tumawa si Arston at nginitian ang tatlo. “Oo naman, siyempre may Daddy si Richard! At ako 'yon,”

“Kala namin wala,”

“Haha! Kayo talaga! Siyempre meron!”

“Bakit po dati wala kayo lagi?”

“Ha? Aaah, kasi busy ako sa work pero ngayon hindi na gaano,” sagot ni Arston, di na niya inungkat pang ngayon lang halos niya maaasikaso si Richie dahil noon di pa naman sila kasal ni Bea though paminsan-minsan sinusundo niya na rin noon ang bata.

“Okay po,” sagot ng mga ito.

“Pogi Daddy ko!” Pagmamalaki ni Richard.

“Oo nga eh!” sagot ng isa, tinawag na ng mga sundo ang mga bata kaya't nagpaalam na at sina Arston naman naglakad na papunta sa sasakyan.

“O? Saan nila nakuhang wala kang Daddy?”

“Dati wala,”

“Meron, ako, di ba? Pero 'wag natin isipin 'yon, bata ka pa masyado para sa ganung usapan. Nag-enjoy ka ba sa school?”

“Opo,” sagot ni Richard na wala namang gaanong nakuha sa paliwanag ni Arston.

“Uhm, aalis kami ng Mommy mo tsaka ni Lolo,”

“Saan punta? Sasama Richard?!”

“Uh, hindi puwede bata dun eh, iwan ka muna puwede?”

“Sama!” sabi nito at yumakap kay Arston. Sumakay na ng kotse si Arston kahit pa yakap na yakap sa kaniya si Richard.

“Hindi puwede, papasalubungan na lang kita, anong gusto mo?”

“Sama!”

“Big boy ka na, dapat di na makulit di ba?”

“Sasama!”

“Eh dun ka naman kay Uncle Jeremy eh,”

“Uncle Jemiri?”

“Oo dun ka muna sa kanila ni Lolo at Lola, masarap magluto dun di ba?”

“Sige! Iwan na 'ko! Tatabi ako Uncle Jemiri! Dun ako maglalaro sa kuwarto!”

“O di ba? Sabi na eh di ka tatanggi basta't Uncle magbabantay sa'yo,”

“Opo! Behave!” sabi ni Richard at bumitiw na sa Papa niya at naupo sa likuran at nagseatbelt.

“Ayan, very good!” Masaya naman si Arston at di siya nahirapan na kumbinsihin si Richard, pero napakunot ang noo niya nang matanaw niyang may nakabuntot na kotse sa likuran nila. “Richard, medyo mabilis tayo ngayon magdadrive okay lang ba?” tanong ni Arston.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon