Chapter 43

25 1 0
                                    

Bumiyahe na papabalik sina Jeremy kinaumagahan, tulala siya at nakatanaw lang sa labas ng bintana na pansin na ng lahat.

"Uy?" Siniko siya sa braso ni Tito Kirk.

"Po?" sagot niya at halatang nagulat.

"Kanina ka pa tulala, ano bang problema?"

"W-Wala po,"

"Wala? Weh? Nagtalo na naman ba kayo ni Reese?" tanong nito at sabay silang tumingin kay Reese na nasa likuran at kalong si Richie habang naglalaro sila ng PSP.

"Hindi po," sagot ni Jeremy.

"'Nak,"

"Yes Pa?" sagot ni Reese.

"Nag-talo na naman ba kayo ni Kokoy?" tanong ni Tito Kirk kaya't napatingin ang lahat maliban kay Arston na siyang nagdadrive.

"Hindi po, bakit?"

"Seryoso?"

"Opo," sabay na sagot ng dalawa.

Maya-maya huminto muna sila para gumamit ng C.R. lahat nagsilabasan ng kotse para bumili ng pagkain at mag-inat pero naiwan pa rin si Jeremy sa kotse.

"Pre." Inabutan siya ng isang cup ng icecream ni Arston nang makabalik ito.

"Salamat," sagot niya at isinandal ulit ang ulo sa bintana.

"Latang-lata ka? Kagabi lang ang sweet-sweet niyo ni Reese di ba? Nanlalambot ka pa rin ba dahil may nangyari?"

"Wala," sagot niya at siya namang papalapit na si Tito Kirk para bumalik sa kotse pero di siya tumuloy dahil busy mag-usap sina Arston at Jeremy.

"O? Anong minumukmok mo diyan? Andiyan pa 'yung mga soon to be inlaws mo oh,"

"Ano kasi, Arston, papakasalan ko na si Reese. Di na ako magdadalawang isip, papakasalan ko na talaga siya gaya ng pangako ko sa sarili ko nung highschool pa lang ako," sabi ni Jeremy na ikinagulat ni Tito Kirk nang marinig niya, di siya napapansin ng dalawa na nasa labas pala siya at nagtatago lang.

"Tama, ganiyan nga!"

"Siguro ginugulo ko lang ang sarili ko nitong nakaraan kay Lily kasi takot akong mawala siya, pero naisip ko ganun talaga at may mawawala. Mas matimbang pa rin talaga si Reese para sa'kin,"

"Siyempre naman,"

"Atsaka tingin ko maiintindihan niya di ba?"

"Oo, naiintindihan niya kaya nga siya lalayo di ba? Sabi niya ni-minsan hindi naman naging kayo, para na lang rin maisalba ang friendship niyo lalayo na daw siya para sa'yo, alam niya kasi kung gaano ka kasaya kay Reese,"

"Oo," sagot niya at medyo napangiti.

"Hayaan mo, may taong para kay Lily, natakot ka lang naman kaya naguluhan ka,"

"Alam niyang patay na patay ako kay Reese at di ko kayang ipagpalit si Reese kahit kanino,"

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ulit ang lahat at tumuloy na ulit sila sa biyahe papauwi, habang nasa biyahe hawak ni Jeremy ang cellphone niya at isa-isang tinitignan ang lahat ng mga litrato nila ni Reese na magkasama, napapangiti siya at talagang desididong-desidido na siya sa balak. At sa kabilang banda, nakasilip sa ginagawa niya si Tito Kirk nang di niya namamalayan, nakikita nito kung gaano kamahal ni Jeremy ang anak niya.

Matapos ang ilan pang araw...

"Aww, kawawa naman ang baby ko," sambit ni Reese pagmulat pa lang ng mga mata niya, naupo siya at nag-inat bago tumayo at nagpunta sa office ni Jeremy. "Haaay, ano ba kasing project ang pinapagawa sa kaniya para magpuyat siya ng ganito?" bulong niya nang maabutang sa desk na natulog si Jeremy.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon