Chapter 49

16 1 0
                                    

Lumipas ang ilan pang linggo at sa wakas patapos na ang shooting, napansin na rin ni Jeremy na magmula nang tapatin niya ang asawa hindi na ito gaanong ginagabi sa pag-uwi, nababawas-bawasan na ang mga lakad na hindi niya alam kung saan ang punta at higit sa lahat si Pj na ang naghahatid sa kaniya papauwi. Sabi tuloy ni Jeremy sa sarili baka natakot rin ang tarantadong si Harvey at ayaw rin ng gulo, umaakto si Jeremy na parang wala na lang ang lahat pero ang totoo binabantayan pa rin niya si Reese.

"Hmm, that's a great idea Mr. Ginko, thank you very much! Thank you! We'll be glad if you'd let your company share us your products and methods, I'll set our meeting right away. Yes, yes, we will certainly let you tour in our brewery, this is going to be a great partnership! It's our pleasure, thank you so much, my dad will be so happy to know about this, okay, see you then Mr. Ginko!" sabi ni Jeremy at ibinaba na ang tawag.

"Sir!" Pumasok ang secretary niya.

"Yeah?"

"May bisita po kayo Sir!"

"Sino?"

"Di kayo maniniwala, artista!" Tuwang-tuwang sabi nito pero di na nagtaka si Jeremy dahil di naman alam ng mga tao rito na kasal siya kay Reese.

"Sige, tuloy kamo... and, Maimai, please lang? 'Wag kang chismosa,"

"Naku si Sir naman eh! Makakaasa kayo! Kakain din naman kami ni Dodong sa baba since break time, nakahingi na po ako ng autograph eh!"

"Okay okay, sige na," sabi niya at lumabas na ito, nagpatuloy siya sa mga binabasang proposals at kung anu-ano pa dahil alam niyang si Reese lang naman ang pumunta, di siya nagkamali at asawa nga niya.

"Jay," sabi nito.

"Take a sit," alok niya pero tuloy pa rin sa trabaho. "salamat sa pagbisita, pero di ba may lakad ka? Anong ginagawa mo rito? Nasira ba ang kotse mo? Sabi naman sa'yo dapat palitan na ang interior nun, but don't worry you can use my car," sabi ni Jeremy at kinuha sa bulsa niya ang susi at inabot kay Reese saka ulit bumalik sa trabaho nang hindi man lang ito tinitignan at si Reese nanatili lang na nakaupo at pinapanood siya.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Di pa, di pa ako puwedeng kumain hangga't di tapos 'to, alam mo na? Walang trabaho at hirap walang kita, pagka walang kita walang pera, kapag walang pera... walang pagkain," sagot niya at humagikgik pero tuloy sa trabaho.

"Baka gusto mong... pagkatapos lumabas tayo, kain tayo?"

"Saan? Sa buffet? Sabi kasi ni Pj saakin sa text magbu-buffet kayo para sa blowout party ng buong chuchu family niyo, family-family, heh, sorry di ko alam title ng movie mo," sabi niya at di tinitignan si Reese.

"Sige... 'wag na lang," sabi ni Reese at tumayo na at umalis pero di siya pinigil ni Jeremy, magmula rin nung araw na iyon nagdesisyon si Jeremy na mag-iba na ng ugali niya kahit labag sa loob niya, ginawan niya ng pabor ang sarili na sana naman sa puntong ito siya na ang suyuin ni Reese, pero sinisiguro niyang hindi mauuwi sa away.

Nang matapos naman ang trabaho niya napansin niyang iniwan rin ni Reese ang susi ng sasakyan niya kaya kinuha niya, bumaba siya sa cafeteria para kumain mag-isa, kung ang mga empleyado niya naka-starbucks at krispy kreme pa siya naman nagpapaka-lunod sa coffee machine na tiglilimang piso sa isang sulok ng cafeteria at namamapak ng pizza at churos, pero pumukaw ng pansin niya si Reese na nandun pa rin pala pero nakasuot ng balabal at shades sa isang sulok para hindi makilala, nag-iisa at umiinom lang ng kape kaya't nilapitan niya at naupo sa harapan nito.

"Ginagawa mo rito?" tanong niya at sabay kagat ng malaki sa pizza na halos naglaglagan na lahat ng toppings sa malaking kahon nito na ginawa niyang tray at pinggan para sa kape at churos at iba pa. Hindi sumagot si Reese at umiwas ng tingin.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon