Chapter 24

30 1 2
                                    

Sinundo ni Jeremy si Reese sa condo nito, pagdating na pagdating niya nakabihis na si Reese at nandun rin si PJ, hindi maipaliwanag ni Jeremy ang saya niya dahil sa kaba at excitement na dalhin ito sa kanila. Tulala si Jeremy sa ganda ni Reese kahit pa naka-simpleng damit lang ito, at si PJ naman hindi mapigil na matawa sa hitsura nung dalawa na nagngitian lang.

“So ano? Blind date ba ito? First time magkita?” Pagputol ni PJ sa moment ng dalawa.

“A-Aay, a-ano pala, uhm... tara na Reese, matutuwa sina Mama't Papa na makita ka,”

“Naku ninenerbyos nga ako eh, excited uli akong makita sila,” sagot ni Reese at kumapit sa braso ni Jeremy atsaka na sila naglakad papaalis. Malalalalim na paghinga ang ginawa ni Jeremy dahil di mapigil ang kabog ng dibdib niya, at kahit anong pigil niya pulang-pula na siya.

Sa kotse habang papunta sa bahay nina Jeremy...

“Fafa Jeh, you're so hot today huh?“ sabi ni PJ na nasa backseat.

“T-Thanks,” sagot ni Jeremy at napakamot ng batok.

“O compliment 'yun, gift ko na 'yun sa birthday mo, happy birthday!”

“PJ!” sambit ni Reese na di mapigil na matawa.

“Hindi, joke lang siyempre ano? Mamaya ko na ibibigay 'yung gift ko sa'yo. At iyon nga gusto kong sabihin na more birthdays to come and godbless a guy like you! Naku, I'm so happy naman na sa wakas nagka-girlfriend ka na, naloka lang ako nang madiscover ko na itong si Reese lang pala ang talagang mahal na mahal mo all through these years!”

“Salamat PJ! Kasi, kasi lagi kang nandiyan para sa kaniya at tingin ko talagang naalagaan mo siya,”

“Welcome Fafa Jeh, naku, I'm so proud of you guys, dahil itong si Reese nakikipag-date lang naman siya eh pero walang sinasagot. Gaya nga ng sabi na kahit anong mangyari, kung kayo talaga, kayo talaga! Pak ganern!” sabi ni PJ at natawa sina Reese. 

Pagdating naman sa mala-mansiyong bahay nina Jeremy, marami-raming bisita na rin ang nandoon na ilan sa malalapit na kaibigan ni Jeremy at mga katrabaho, agad niya itong binati at iniwasang magpaka-weirdo at awkward at sa katunayan nag-improve na ang social skills niya. Marami naman ang nabigla na nandoon si Reese at laking gulat rin naman nila na humble talaga ito at madaling makausap. Pero maya-maya lang pasimple silang pumasok sa bahay para naman makausap sina Tito Jim.

“Ate Baby, asan sina Mama?” tanong ni Jeremy sa kasambahay nila.

“Ay Sir nasa kusina po,”

“Salamat!”

“T-Teka Sir, si Reese!” Gulat na gulat nitong sabi nang makita si Reese.

“Oo si Reese nga!”

“OMG Sir! Alam niyo namang pinagpupuyatan ko 'yung teleserye nila di ba? Di ba? Di ba?” pabulong nitong sabi na parang mahihimatay na at niyugyog si Jeremy. “Sige na Sir baka puwedeng makipag-picture! Sige na Sir, minsan lang naman!”

“Sus naman si Ate Baby! Alam kong number one fan ka niya eh! Teka!” Lumakad si Jeremy para tawagin si Reese at iniharap kay Ate Baby. “Reese, si Ate Baby, number one fan mo, atsaka siya 'yung kinukuwento ko sa'yo na grabe mag-alaga sa'kin,”

“Ay ikaw pala si Ate Baby! Nice meeting you Ate Baby, balita ko masarap kayo magluto atsaka sa katunayan sabi ni Jeremy the best ka at pamilya na ang turing sa inyo!” Masaya namang sabi ni Reese at siya na mismo ang kumamay rito.

“Oh tulala na si Ate Baby, teka kukunan ko kayo!”

Maya-maya matapos ang picture taking, pumunta si Jeremy sa kusina at naabutan sina Tito Jim na nagluluto pa rin kahit na may catering na, special kasing spaghetti iyon at alam nilang pinaka-paborito sa lahat ng anak nila na mamamatay si Jeremy kapag di nakakain nito.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon