Chapter 44

25 1 0
                                    

Dumating na ang araw ng JS Prom na dadaluhan ni Reese bilang isang special guest, bago maghapon kaagad na silang naghanda ni Jeremy. Simple pero elegante ang suot na dress ni Reese at light make-up lang ang gamit niya, si Ate Baby, Maria at Tita Rose ang nag-ayos ng buhok niya kaya naman para kay Reese mas masaya pa ito kaysa sa pinaka-prom night na dinaluhan niya way back 1997. Samantalang si Jeremy naman inabot na ng siyam-siyam sa loob ng walk-in closet niya at mukhang wala nang balak na lumabas pa dahil sa pangangatog ng buong katawan niya, para siyang maiihi at madudumi at pagod sa kakakabog ng dibdib niya hanggang sa kinatok na siya ng Papa niya.

"Oy, okay ka lang ba diyan?" tanong ng Papa niya mula sa labas.

"Opo,"

"Daig mo pa ang babae, maya-maya lang aalis na kayo ni Reese kaya ayusin mo na ang sarili mo anak,"

"O-Opo Papa,"

"Tandaan mo, di lang pang-personal kaya ka isasama ni Reese, trabaho pa rin niya ito bilang celebrity kaya 'wag naman sana siyang ma-late dahil sa'yo. Balita ko excited na excited ang mga batang makita siya kaya naman sana alagaan mong maigi,"

"Opo,"

"Sige na, sumunod ka na sa baba," sabi ng Papa niya bago umalis.

Maya-maya lang matapos ang paghahanda bumaba na sila sa salas, katakot-takot na kuha muna ng litrato ang inabot nilang dalawa sa tuwa ng Mama niya na makita siyang pupunta ulit ng prom, isang bagay pa- nandito rin ang mga magulang ni Reese pati si William para lang makita ang suot nilang damit. Parang bumalik ulit sa dati ang lahat gaya ng gabing una silang pupunta sa prom night, na di magkandamayaw ang mga magulang nila, pero may mga bagay na nagbago na tulad ng ngayon na legal na silang magkasintahan, at isang bagay ang sigurado wala nang dudukot pa kay Jeremy para itago siya sa abandonadong classroom.

Pagdating ng school, enggrande kaagad ang pagkaka-dekorasyon sa paligid at totoong marami nang renovations ang nangyari, mas moderno na at mas maluwang na kung titignan. Para hindi magkagulo ang mga estudyante sa likod dumaan sina Jeremy at sa isang private room muna namalagi para maghintay pa ng ilang oras.

"You okay?" tanong ni Reese dahil nangangatog si Jeremy at hinawakan niya ang kamay nito.

"Oo, s-siguro 'yung aircon kasi dito ang lakas eh," sabi niya.

"Di naman gaano, kinakabahan ka lang ata, don't worry nandito ako,"

"Thanks," sabi ni Jeremy at ngumiti, humigpit lalo ang pagkakahawak nila sa kamay ng isa't-isa pero agad ding nagbitiw nang may mga guro na pumasok para samantalahin ang pagkakataon at makakuha ng picture kasama si Reese.

At siyempre na-etchapuwera si Jeremy kaya't lumayo-layo muna siya at tinignan ang sarili sa salamin, di siya makali sa buhok niya at titig na titig siya rito.

"Di naman pala gaanong ahit, feeling ko lang pala 'yun, makapal pa naman ang buhok ko sa sides... okay, hala! Parang ito pala 'yung hairstyle ni Lee Min Ho, neat pala tignan kumpara sa dati kong buhok. Pero mas okay 'yung dati siyempre, atsaka mas pogi ako dun kay Lee Min Ho," bulong niya sa sarili.

"Jay!" tawag ni Reese kaya't nilingon niya at nilapitan ito.

"Yes?"

"Lika dito, makipag-usap ka naman sa mga teachers, kanina ka pa nila gustong kausapin eh," sabi ni Reese kaya't nahihiya man, naupo si Jeremy at nakipag-usap sa mga nandoon.

Maya-maya lang at nagsimula na ang program, nasa magandang upuan si Jeremy at nasa unahan kasama ang Principal ng school na si Ma'am Edith. Umakyat ng stage si Reese para sa isang maikling speech, at si Jeremy natulala sa babaeng iniibig niya habang nagsasalita ito sa unahan na kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig niya sa pagkakanganga.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon