Chapter 19

23 4 0
                                    

"Oh, oh my gosh... ano 'yung nakita ko?" bulong ni Jeremy habang pababa ng hagdan nina Lily. "Crush niya 'ko? Okay, kalma Jeremy, kalma, crush niya 'ko, so, big deal ba 'yon? Big deal? Big deal? No, hindi kasi di mo naman siya gusto... pero... yes, it's a big deal, paano kung umasa siya? Paano kung... ugh! Bakit ba kasi?!" dagdag pa ni Jeremy.

Lumabas na siya ng bahay nina Lily at papasok na sa kotse niya para umuwi, pero nagdadalawang isip naman siya, dahil nag-aalala siya kay Lily na hindi nga pala makatayo man lang.

"AARRGGHH!!! Ano ba?! 'Wag kang mailang Jeremy! Kailangan ka ni Lily! Bestfriends kayo di ba?! Hindi niya kayang mag-isa! Parati siyang nandiyan kapag malungkot ka pero ito lang?! Ito lang di mo kaya?!... pero baka nga kasi mag-assume siya! Anong sasabihin ko? Na, na wala siyang pag-asa? Paano naman kung masaktan siya di ba?!" bulong niya sa isipan niyang gulong-gulo. Hindi niya akalaing darating siya sa puntong ganito na malalaman niya na lang na may gusto na pala sa kaniya ang babaeng nakakakilala sa kaniya ng buong-buo.

Pero...

He just came back after few moments, nagulat na lang si Lily at di naka-imik, without a word he handed her a medicine and a glass of water.

"T-Thanks," she said.

"Para di na mamaga," sabi naman ni Jeremy. "Should I stay here with you?"

"I-Ikaw, but I'd rather contact Papa, baka kasi maka-istorbo ako sa'yo,"

"Hindi, ayos lang. Kasalanan ko, kung di kita pinag-suot ng heels di ka masasaktan,"

"Sabagay, pero kasalanan ko pa rin 'to, di ako nag-ingat... gustong-gusto ko 'yung sapatos na 'yon, iyon ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko, buong buhay ko," sagot niya. "Regalo mo kasi sa'kin 'yon," dagdag pa niya.

"Pero kung di ka naman sanay, edi, 'wag mo nang isuot, mamaya niyan masaktan ka na naman,"

"Di baleng masaktan, pagsasanayan ko hanggang sa matuto na 'kong bagayan siya, kasi, kahit anong mangyari, hindi ako susuko, kasi siya ang gusto ko," hugot ni Lily habang nakatitig sa mga mata ni Jeremy, kaya naman walang umimik sa kanila ng ilang minuto.

"Let's just not talk about it," biglang sabi ni Jeremy na kalmado, pero sa totoo lang naiilang siya ng sobra.

"Bakit?" she asked. "Kasi, mas gusto mo bang manatili na lang ako sa nakasanayan kong sandals and rubber shoes?"

"Precisely," he answered without looking at her.

Napayuko na lang si Lily, naramdaman niya nang matapos ang limang taon, ganun kabilis na lang siyang ire-reject ni Jeremy, parang gusto niyang tumayo at magwala at tungkabin mula sa pader ang mga litrato ni Jeremy, dahil sa katunayan, kulang na lang lamunin na siya ng liwanag sa sobrang kahihiyan. Pinipigil niyang umiyak o humikbi man lang, kaya hirap na hirap siya.

"Dahil ba mas matimbang si Reese kaysa saakin?"

"Lily, h-hindi naman sa ganun,"

"Ganun, s-sige lang, ayaw ko rin namang masira ang friendship natin. Isipin mo na lang na wala itong mga litrato ko na inipon ko mula nang magkakilala tayo, five years from now, ah hindi, magsi-six years na pala... ang tagal na rin pala ano?"

"Lily naman,"

"Nasasaktan ako okay? Hayaan mo 'ko magdrama! Masakit eh! Alam mo kasi... di ko kasalanang mainlove sa'yo, walang may gusto nun, pero malay ko ba, mula nung bigyan mo 'ko ng trabaho, nabuhayan ako alam mo? Kaya, kaya siguro tumatak na sa isip ko na, na ikaw ang lalaki para sa'kin, ang babaw ano? Mula nung araw na nginitian mo 'ko nagbago nang lahat-lahat... tapos eto ako ngayon, umaamin sa'yo na kung di mo pa 'to nakita edi wala na!" Halos isigaw na ni Lily ang lahat sa sobrang inis, lungkot at pagkapahiya ng todo.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon