Chapter 32

21 0 0
                                    

Kinabukasan...

“Hello? Reese?” Tumawag si Jeremy sa telepono.

“Yeobobabes!” Masayang tono ng boses ni Reese ang sumalubong sa kaniya.

“Reese ikaw pala, goodmorning!”

“Hmp, ikaw naman hanggang ngayon di ka pa nakikiisa sa endearment natin di bale na nga,” sagot ni Reese na may pagka-pilya, noon kasi masyado siyang mahinhin pero kahit paano iyon pa rin ang mas angat sa kaniya.

“Aay ikaw naman diyan oh! Alam mo namang di lang kasi ako komportable dun pero Babe pagsasanayan ko na,” sagot ni Jeremy at prenting-prenti na naupo sa sofa atsaka sila naghagikgikan sa telepono.

“O? How's yesterday? Anong ginawa mo? Na-miss agad kita,”

“Ah na-kina Arston ako hanggang kagabi kaya medyo tinanghali na rin ako ng gising,“

“Dumalaw ka na?! Ano ba 'yan di mo man lang sinabi,”

“Eh nasa family date kayo,”

“Sabagay, so tinulungan mo ba si Bea na mag-ayos ng mga gamit?”

“Uhuh,”

“Iyan ang Yeobo ko napaka-gentleman!” sabi ni Reese na talagang kilig na kilig kay Jeremy.

“Yeobo,”

“Yes?”

“I miss you,”

“I miss you too,”

“Kahapon di ba ang sabi ko dalangan natin ang pag-uusap kasi nga kasama mo ang pamilya mo? Pero di mo rin napigil na tawagan ako, but still miss na miss na rin kita kaagad kasi di ako sanay na di kita makita sa isang buong araw,”

“Ako rin.” Di nila napigilang mahinto at magtawanan sa magkabilang linya ng ilang sandali na sinundan ng sweet nothings at kung anu-ano pang lambingan.

Hanggang sa...

“Sir handa na ang almusal niyo.” Dumating si Ate Baby kaya't napahinto si Jeremy sa pakikipag-usap kay Reese.

“Ah ganun ba? Sige Ate sunod na lang ako ha?” sagot ni Jeremy at tumango si Ate Baby bago umalis.

“Ano 'yon ha? Hindi ka pa kumakain?” sabi ni Reese na narinig si Ate Baby.

“Uhm oo, inuna muna kita pagkagising na pagkagising ko pero matapos mag-pray siyempre,”

“Ikaw naman oh! Kumain ka nga sa oras diyan, atsaka puwede namang mamaya mo na lang ako tawagan di ba?”

“Eh di na 'ko makapaghintay eh,”

“Pabebe ka Kokoy, sige na ibaba ko muna 'to at kumain ka na muna, marami rin akong aasikasuhin,”

“Agad-agad?” sambit ni Jeremy na nagpapaawa.

“Mas gugustuhin kong 'wag ka munang makita o kausapin kaysa magpagutom ka okay?”

“Oo na, oo na, I love you na!”

“I love you more!”

“Kisses! Muwah!”

“Kisses! Muwah!” sagot ni Jeremy at masayang-masaya na na tumakbo papuntang kusina matapos ang tawagan nila ni Reese Ng Buhay niya. 

Masaya siyang kumain at pangiti-ngiti at kulang na lang lunukin niya pati mga kubyertos sa pagkain, natatawa na lang sa kaniya ang Papa't Mama niya dahil alam naman ang nangyari, matapos niyang kumain nag-ayos na siya ng sarili para pumasok sa opisina. Oo pumapasok rin siya sa opisina dahil kung nakakalimutan niyo isa siyang architect, madalang mabanggit pero nagtatrabaho siya madalas.

A Guy Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon